THIRTY-ONE

198 11 0
                                    

"Hindi," tipid kung sagot.

Hindi kasi tayo magjowa tayo yun sana ang gusto ko sabihin kaso wag na lang pala baka sabihin mo pa sa akin na nagsisinungaling ako.

"Sayang," sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

"Alis na po ako," pagpapaalam ko kay Tita saka naglakad palabas.

Nakita ko si Aliah at Diane na masayang nag uusap pero napatigil ng makita ako.

"What happen?" Natatarantang tanong ni Diane.

"Hindi niya ako naaalala but it's fine. It takes time." Sabi ko sa kaniya kaya naman niyakap ako ni Aliah gano'n din si Diane.

"Shhh," sabi nila habang hinahaplos ako sa likuran.

Sinabihan ko sila na uuwi na lang ako kasi sumama pakiramdam ko, naabutan ko na roon si Yla na tila kakarating lang.

"Anong ganap?" Sabi ni Yla.

"Anong ayos yan mga te?" Dugtong pa ni Yla.

"Hahahaha hindi kami maalala ni Klyde, t*ngina ang sakit." Sabi ni Aliah saka umupo sa sofa.

"Paano na kayo ate?" Nag aalala na tanong ni Yla.

"Ewan ko, hindi ko alam. Basta ako babalik ako sa Manila tapos mag-ta-trabaho. Basta in a relationship pa rin ako kahit anong mangyari." Sabi ko sa kanila saka umupo sa sofa.

"Ayoko ipilit kasi baka mas mahirapan kaya hahayaan ko, babalik ako bukas na bukas sa Manila." Sabi ko pa saka sila iniwan sa sala.

Umakyat ako sa kuwarto para iligpit ang ilan kung damit na magaganda na magagamit ko sa trabaho.

Kailangan ko magpatuloy, hindi puwede na dahil hindi niya ako maalala ay hindi na ako magpapatuloy pa. Nasasaktan ako knowing na hindi niya ako maalala pero hindi naman puwede na hayaan ko maglugmok at maghintay na matandaan ako o kaya ipilit ko.

Bibigyan ko siya ng pagkakataon na makapag-recover, fresh pa kaya siguro gano'n walang masama umasa na baka maalala niya rin ako balang araw.

"Buo na desisyon mo ate? May choice ka pa? Welcome ka rito if hindi mo kaya." Sabi ni Yla pagkapasok sa loob.

"Iiyak lang ako Yla kung mananatili ako rito, mas gusto ko na maging busy para at least na le-less yung sakit na nararamdaman ko. Mas gusto ko mag-focus na muna sa trabaho para hindi ko masyado naiisip yun." Sabi ko rito kaya nilapitan niya ako at niyakap.

"I really salute you ate, ever since talaga idol kita at someday I want to be like you, a strong independent woman." Sabi niya kaya niyakap ko siya saka hinalikan sa pisnge.

"You can be what you want be, just be yourself." Sabi ko sa kanila kaya naman napangiti siya.

Nasa gano'n kaming eksena ng magulat kami sa biglaang pagpasok ni Elle at Ven.

"Ate ayos ka lang ba?" Sabi nila na halatang natataranta kaya napailing ako.

"Ang OA niyo masyado," sabi ni Yla na lumalayo ng bahagya para wag madaganan.

"Kalma, okay lang ako." Sabi ko sa kanila.

Ayoko na kasi problemahin pa nila yung problema ko. Alam naman nila na ever since ayoko sinasabi yung problema ko o kaya naman nagpapatulong. Mas gusto ko kasi na sarilihin na lang yun, madamot ako sa problema.

"Dito ka na lang ate baka ma-depress ka sa Manila," sabi ni Ven.

"Bago niyo yan naisip mga be naisip ko na yan, mas gusto ko ng busy at may ginagawa kaysa mag mukmok kasi mas ma-i-stress ako ng walang ginagawa mas maalala ko yun kaya gusto ko maging busy yung tipong stress sa work at hindi sa problema. Kayo nga wag niyo ako problemahin. Problemahin niyo yung pag aaral niyo, mga activities at project niyo. Matanda na ako kaya ko na 'to." Sabi ko sa kanila pero niyakap lang nila ako.

Mahigpit ang pagkakayakap nila sa akin tapos nakisali na si Yla kaya ang ending napahiga kami sa sahig dahil dinaganan na nila ako.

"Parang mga bata," saway ko kaya naman nagsitayuan na sila.

"Nakakamiss," sabi ni Yla.

"Nakakamiss maging bata," sabi ni Elle.

"Nakakamiss lang talaga," sabi ni Ven kaya napangiti ako.

Nakakamiss kayo alagaan at asarin. Nakakamiss kayo paiyakin tapos sumbong Mama kasi pasimuno yung panganak. Nakakamiss kayong tatlo.

"Kayong tatlo pa rin ang baby ko, no matter what happen." Sabi ko sa kanila.

"Habang ikaw Ven ang nag iisang baby girl namin," sabi ni Elle.

"Habang ikaw ang the best ate sa buong mundo," sabi ni Yla.

"Ikaw Yla ang the best bolera in the whole universe at ikaw Elle wala ka pa rin jowa." Sabi ko kaya napasimangot si Elle.

"Okay lang walang jowa kaysa sa in denial stage, payag payag sa gano'n klase ng set up tapos kunwari wala lang." Sabi niya dahilan para matawa ako.

"Kaysa naman sa isa riyan na naging close tapos kapag na fall walang sasalo kasi it's a prank." Sabi ni Yla kaya natawa ako.

"Yung isa naman diyan feeling strong pero deep inside nasasaktan kasi hindi maalala." Sabi ni Ven kaya sinabunutan ko sila isa isa.

"Napaka hayop niyo talaga, walang pinagbago mga bully pa rin talaga." Sabi ko kaya natawa sila.

"Kanino pa ba kami nag mana," sabi ni Yla.

"Edi kay Ate," magkasabay na sabi ni Ven at Elle kaya napailing ako.

Mga buwisit na 'to! Sa huli kasalanan ko pa pala.

Lugi ako bandang huli.

"Layas mga dai, naiinis ako sa inyo." Sabi ko pero humiga lang sila sa kama ko.

"Ate ang laki ng kama mo kasya kami rito, baka puwede rito na lang kami matulog kasi na miss ka namin." Sabi ni Yla saka niya ako niyakap sa bewang.

"Pagdating talaga sa inyo ang rupok ko," sabi ko.

"Sa pamilya lang tayo marupok," sabi ni Elle na nakiyakap din.

Nakisali na lang si Ven kaya imbes ako ang madaganan si Yla ang nadaganan kaya naman hinampas kami ng unan pero tinakbuhan lang namin siya saka pumasok sa kuwarto ni Elle para hindi niya kami mahampas.

"Makikita niyo ang higanti ng api," sabi nito kaya tawang tawa kami.

Natigil kami sa paghaharutan ng tawagin ni Diane ang pangalan ko kaya mabilis ako naglakad pababa.

Nakita ko si Tito at Tita na magkatabing nakaupo sa sofa.

"Tito, Tita, napadalaw po ata kayo. Ano po gusto niyo inumin?" Tanong ko pero umiling lang sila.

"Wag na hija, wag ka na mag abala dahil hindi naman kami magtatagal. Nandito kami para kausapin ka." Sabi nito kaya tiningnan ko ang mga 'to saka sila naglakad paakyat habang si Aliah at Diane ay naglakad palabas.

"About Klyde po? Okay lang po tita and tito. Wala po kayong maririnig regarding sa kaniya and I make sure po na in a relationship pa rin po ako sa kaniya." Sabi ko rito kaya napangiti siya sa akin.

"May tiwala naman ako sa'yo hija, kilala ka namin at alam namin na mahal na mahal mo si Klyde kaya para masiguro na kayo ang ending point nito babantayan namin siya at kukuwentuhan regarding sa inyong dalawa. Hindi naman daw magtatagal yung amnesia niya 3 months daw o 5 months ang itatagal." Sabi ni Tito.

"Wala na akong ibang gusto pa na babae bukod sa'yo hija, sobrang boto ako sa iyo kaya gusto ko kayo pa rin sa huli." Sabi ni Tita.

Alam ko na saan mapupunta ang usapan na 'to.

"Alam ko po ang gusto niyo mangyari tita at tito. Are you telling me to wait him until makaalala niya ako? Gano'n po ba?" Tanong ko rito.

Kahit naman hindi nito sabihin maghihintay ako eh. Ano ba naman na this time ako naman ang maghintay sa kaniya. Taon din ang hinintay niya sa akin kaya alam ko naman this going to be worth waiting.

It take times but I hope he will remember me.

"Magagawa mo ba yun hija?" Sabi ni Tita kaya nginitian ko sila.

"Hihintayin ko po si Klyde,"

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon