THREE

655 22 0
                                    

"Tanggap po ako," masigla kung sabi pagkapasok ko ng bahay.

"Wow! Congrats sis!" Sabi sa akin ni Yla saka ako bineso.

"Yiee," sabay na sabi ni Elle at Ven.

Kung may the best actress na rito siguro ako na yun, ginawa ko lahat ng makakaya ko para magmukha akong masaya sa harapan nila.

"Bukas na bukas maghahanda ako, another achievement kasi yun. Blessing din. Thank you Lord." Sabi ni Mama saka nag sign of the cross kaya napailing ako.

"Puwede na ba ako magpahinga? Masyado akong napagod sa biyahe at sa kaba dahil sa interview." Sabi ko pa.

"Sige, magpahinga ka muna at bukas ka na sa amin mag kuwento." Sabi ni Mama saka hinaplos ang buhok ko.

Out of nowhere ay bigla ko siya niyakap halatang gulat siya pero naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko.

A mother's care.

Hindi ko alam na naiiyak na ako.

"Mama..." Sabi ko.

Para akong bata na nagsusumbong sa nanay dahil inaway ako ng kaklase o dahil hindi ako pinasali sa laro.

Mama nakasakit po ako ng taong mahal na mahal ako. Sinaktan ko po yung best friend ko...

"Bakit ka umiiyak anak? May masakit ba sa'yo?" Tanong ni Mama.

Halata sa kaniya na natataranta siya. Ayaw niya kasi na umiiyak kami.

"Tears of joy po, sa wakas makakabili na tayo ng bahay natin na sarili. Masaya po ako na makakapagpatayo na tayo." Naiiyak na sabi ko kahit deep inside gusto ko na talaga sabihin.

"Don't pressure yourself ate, enjoy life." Sabi sa akin ni Elle kaya naman tumango ako.

Alam talaga nila paano ako pakalmahin, maasahan talaga sila. Itong tatlo na 'to kahit nag aasaran at minsan nagkakapikunan kami solid pa rin kapag kailangan mo ng masasandalan. Hindi lang sila kapatid sa akin isa rin sila sa mga kaibigan na maasahan ko talaga.

"Thank you," sabi ko saka pinunasan ang luha ko.

Akala ko tapos ko na iiyak kanina kaso mas naiiyak ako nung yumakap ako kay Mama.

Hinalikan ni Mama ang noo ko.

"Always remember that Mama is here always, I love you anak." Sabi nito sa akin.

"I love you ate," sabay sabay na sabi nung tatlo kaya isa isa ko sila niyakap bago ako magpaalam na pupunta na ako sa kuwarto ko.

Panay ang iyak ko pero hininan ko lang at hindi hagulgol para hindi ako marinig. I'm not yet ready to tell them what's happen.

Sa sobrang pagod ko sa pag iyak nakatulog na ako kaya naman pagkagising ko ay sumasakit ang ulo at mata ko.

Nakakaramdam din ako ng gutom dahil hindi na ako nakakain ng gabihan.

Nagmadali ako maglakad pababa para kumain ng almusal, it's already 8am at sure akong wala na yung mga kasama ko dahil mga pumasok na ang mga yun. Tama ako na wala ng tao kaya naman dumeretsyo ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.

Pagkatapos ko ay pumunta ako sa kuwarto para kunin ang phone ko since naramdaman ko 'to na nag vibrate pero hindi ko muna dinala dahil text yun.

I receive text from my three sister, mom and dad. Lahat sila ay nag text sa akin. Inuna ko yung kay Papa kasi siya yung nasa bungad.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon