"Kailan po makakabalik si Sir Klyde?" Tanong ni Tatay Joselito.
"Not sure pa po Tay, hayaan niyo po nandito naman po ako to handle this project." Sabi ko kaya tumango lang siya.
It's been one week since the accident happen. One week ko na rin ginugol ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang hindi maisip si Klyde. Umiiyak ako pero hindi ganoon ka OA na iyak kasi ayoko rin naman abalahin yung dalawa na yun.
"Lunch tayo girl, nagluto Mommy ni Jomar tapos nag'take out siya for the two of us." Masayang sabi ni Aliah saka binaba ang tupper ware na apat sa lamesa kung saan kami madalas kumakain.
Madalas nagbabaon na lang kaming dalawa para hindi na kami gumastos ng pagkain sa lunch.
"Blooming ka ata girl," sabi ni Aliah na malapad ang ngiti.
"Self love is the key," sabi ko sa kaniya sabay flip sa buhok ko.
"Wow! Edi sana all, mas maganda siguro maging single ka na lang. Glow up." Sabi niya kaya nakatikim siya ng kotong.
"So... anong gusto mo iparating? Wag na ako maghintay kay Klyde. Gago ka." Sabi ko pero tumawa lang siya.
"Wala naman akong sinasabi na gano'n, it's just ang sarap mo panoorin na mahalin ang sarili mo." Sabi nito kaya napatango ako.
Minsan masarap din sa feeling na mag glow ka with your own, kumbaga mas minahal mo yung sarili mo. Natutuwa ako roon sa mga galing sa break up tapos all of sudden nag glow up kasi they learn the self-love more.
"Gutom na ako girl, ikain na lang natin 'to." Sabi ko sa kaniya kaya napatango siya.
Nasa kasagsagan kami ng masayang kuwentuhan ng matigil kami sa pagkain.
"Kain Engineer," sabi nila kaya nagkatinginan kami ni Aliah.
Akala ko next week pa ang balik niya. Napaaga ata.
"You okay girl?" Tanong nito kaya tumango ako.
"Oo naman be," sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Architect Samonte can I talk to you?" Sabi ni Klyde kaya napatingin ako sa kaniya.
"Lunch break pa Eng. Samonte after nito." Sabi ko kaya tumango siya.
"Kain po Engineer," alok ni Aliah na ngiti lang ang nataggap.
"Kakatapos ko lang Ms. Manalo, thank you." Sabi nito.
"1:30, I'll be back here at 1:30." Sabi nito bago umalis kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Kaya mo?"
"Girl, nawala lang ako sa alala niya pero nakakasigurado akong mahal pa rin niya ako, kaya wala akong dapat ipag alala." Sabi ko kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam mo girl, boto ako sa kaniya kasi kababata mo. Sana lang talaga bumalik na lahat sa normal kasi ako nahihirapan sa inyo sa totoo lang." Sabi nito.
"Wag mo na kasi problemahin yung problema ko, sabi ko naman na madamot ako sa problema tapos gusto niyo humingi. Huwag mo na 'to idagdag sa problema mo." Sabi ko kaya natawa lang siya.
"May maganda rin akong chika," pag iiba niya sa usapan.
"Rate it, gaano kaganda?" Biro ko.
"Pakyu!" Naiinis na singhal nito.
"Seryoso ano nga yun?" Seryoso kung tanong.
Curious din ako syempre.
"Si Diane, siya na mismo designer sa boutique nila, as in sarili niya na 'tong lay out." Proud na sabi nito kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️
Novela JuvenilNOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is to pursue her dream and help her parents. She did not expect her goal is about to change when Klyde Samonte suddenly came into her life. Gen...