THIRTY-FOUR

239 10 0
                                    

"Suprise!" Malakas kung sabi pagkarating sa bahay.

Katulad nga ng sinabi ko umuwi nga ako pagkasapit ng biyernes.

It's been 3 months but still no progress. Wala pa rin talagang sign na natatandaan ako ni Klyde. Tapos na yung bahay ni ate Klarissa lahat lahat wala pa rin. Hanggang ngayon nasa stage pa rin ako ng umaasa.

Hanggang kailan kaya ako aasa na babalik siya sa akin?

"Kakabigla ka naman anak," sabi ni Mama saka ako sinalubong ng yakap gano'n din si Papa.

"Wala ba kayong pasok?" Nagtataka kung tanong ng ma-realized na nasa bahay sila.

"Holiday," sabi ni Mama kaya napatango ako.

"Oo nga po pala," sabi ko pa.

Malamang si Papa yung amo nito hindi na rin siya pinapasok since holiday nga. Sakto family bonding din 'to.

"Nangangamoy family bonding," sabi ko kaya nagkatinginan yung tatlo.

"I-vlog natin yan," sabi ni Yla.

"And speaking of vlog, wait I have a suprise to you Ven." Sabi ko rito kaya excited siya lumapit sa akin.

"This camera is sponsor by Aliah, this ring light is sponsor by Diane and this set of tripod is sponsor by me galing sa shopee. Kumpleto na yan para sa vlog mo at kapag nag ti-tik tok kayo. Naks, nakakaluwag na sa buhay ang future vlogger namin. Yiee." Sabi ko kaya niyakap niya ako.

"Thank you rito ate, masisimulan ko na yung sa review sa clothing. Kahapon nila yun pinadala sa akin. Nahanap din nila ako kaya official na talaga." Sabi nito kaya natuwa ako.

Syempre kapatid ako at natural lang maging masaya ako for her.

"Yiee, verified na talaga siya." Sabi ni Yla.

"Aba! Wag ka nga favouritism ate, where's mine?" Sabi ni Yla habang nakalahad ang kamay.

"Here, tama na kaka sana all wala ka naman jowa." Sabi ko saka inabot ang box.

Panay kasi share nung kuwintas na tala kaya hindi ako nakatiis binilihan ko para tumigil kakatahol sa facebook.

"Gagi, sineryoso mo yung bagay na yun. Prank lang naman yun eh." Sabi nito pero ngiti lang ang tugon ko.

"Salamat taena, hindi na ako taga sana all." Sabi nito saka ako mahigpit na niyakap.

"And to my Elle na certified wattpader. Here." Abot ko sa box.

"Alam ko na 'to, it's a scrap book and book." Sabi nito habang binubuksan.

Yep, she's right. Scrap book namin yun. Glow up din yun. Every year na timeline tapos book siya na limited edition pero last time na nagpunta ako sa National Book Store ay sakto at nag iisa kaya hindi ko na pinakawalan pa. Alam ko naman sa kuwento lang kinikilig si Elle kaya suportado ko.

"Advance gift ko yan para sa pasko," sabi ko sa kanila.

"Nagtitipid ako kaya wala na yan round 2, wag kayo abusado. Wala nga kayong regalo sa akin eh." Mataray kung sabi kaya natawa sila.

"Sa pasko ate," sabi ni Yla.

"Legit na talaga dai," sabi ko kaya niyakap niya ako.

Lugi ako sa mga 'to. Sila nakakatanggap sa akin ako walang natatanggap sa kanila kahit sana sa pasko lang. Hindi na nga ako nag ce-celebrate ng birthday kasi wala na lang 'to sa akin pero wag naman pati sa pasko. Grabehan lang sila sa akin.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon