TWENTY-FOUR

210 10 0
                                    

"So, Elle ano yun? Bakit trending ka?" Sabi ko habang nakadapa sa kama ko.

Occupy yung kuwarto ko pero tinutulugan daw 'to ni Elle at Ven kapag namimiss nila ako.

Since we are planning the construction of the house, bahay ni Klyde napadpad ulit kami rito sa bahay pero this time tanghali na siya. May design na final na siya yung employee na lang ang wala pa. Naghahanap pa kami. Linggo ngayon kaya nasa bahay sila Mama at Papa gano'n din yung apat. We ended up having chika since last time ay hindi na namin nagawa mag chikahan since pagod na pagod kami ni Klyde sa bahay tapos maaga rim kami umuwi since alam kung mag aalala mga kaibigan ko sa akin.

"Break time kasi namin when I decided to read a story, siya kasi all time favorite ko. Nakalimutan ko na I'm using my real account kaya ayun. Marami na rin nakakita that time kaya wala na akong chance to delete it. As in na-realize ko lang nung bigla akong sinabihan ng kaklase ko na laman ng RP." Napangiti ako sa kaniya.

"At least na-notice ka," sabi ni Ven.

"Na-sa-sad at the same time kasi syempre ang tagal ko gusto mag-pa-notice tapos nung RA ko na yung gamit saka ako na-notice pero happy akong na-notice niya ako." Sabi nito habang nakangiti.

See? Sikat talaga siya?

"Ang lola mo lu-ma-love ata, kabogera talaga ng taon." Sabi nito kay Elle saka niya hinila ang buhok nito.

"Pakyu ate," sabi ni Elle.

Natawa ako sa kanila, napansin ko na si Ven ay tahimik at tila malalim ang iniisip.

Umupo ako ng maayos saka siya inakbayan na naka sandal sa head board ng kama.

"What's new with you aside from being vloggerist?" Tanong ko rito kaya sa kaniya natuon ang atensyon.

Ayoko kasi na-fe-feel ng mga 'to na may favorite ako sa kanila. Gusto ko ma feel nila na pantay pantay ko silang mahal, ate ka at natural na dapat marunong ka mag-manage ng time sa kanila. Ang sarap kaya sa feeling na 4 girls kami tapos ate pa ako.

"Ay ate, promblemado ang baby natin. May dare kasi kami sa kaniya about sa 24 hours mag jowa challenge, we want kasi na ma-try niya yun. Ang lola mo kasi hindi marunong mag-flirt. Sabi nga nila matuto ka mag out sa comfort zone mo, like different content. Then, I dare her to having a 24 hours mag jowa challenge sa guy na kakilala nung kakilala ko." Sabi ni Yla na tuwang tuwa.

"May jowa 'to si Ate Yla, ate." Sabi ni Elle.

"Gaga ka," sabi na naman ni Yla saka niya hinampas si Elle sa braso.

"May naghatid sa kaniya last time, aba ang lola mo lu-me-level up. May label na ata." Sabi ni Ven kaya nakatanggap ng pananabunot.

"Epal talaga kayo," sabi nito sabay irap.

"You mean yung jowa ni Yla yung kakilala nito ang magiging jowa ni Ven for 24 hours para sa vlog tama ba?"

"Bingo," sabi ni Elle.

"Kayong tatlo improvement talaga ha? Baka next time na bibisita ako ipapakilala niyo na sila as jowa. Yiee so excited." Sabi ko kaya inirapan nila ako.

"NO WAY!!" Magkakasabay na sabi nila kaya natawa ako.

"Next time na bibisita ka mamanhikan na yun, road to tita na ako yiee. So excited." Sabi ni Yla.

"Mag anak ka na lang din ate para may baby ka." Sabi ni Elle.

"Duh! Bata pa kaya ako." Sagot nito.

"Anong bata sa 20 ate ha?"

"Teenager pa rin, enjoy landi muna dai." Sabi nito sabay flip ng buhok.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon