"Hindi ka man lang nagsabi na darating ka anak," iyon ang bungad na sabi ni Mama pagkapasok ko sa bahay.
"Sorry naman, trabaho talaga ang pinunta ko eh." Sabi ko pagkaupo sa sofa.
"Nasaan po sila?" Tanong ko kung nasaan yung tatlo kung magagaling na kapatid.
"Si Yla may practice raw ng cheer dance, Si Elle nagpunta sa Mall tapos si Ven ay baka nasa kuwarto at nag ba-vlog siguro o baka natutulog." Sabi ni Mama.
Halatang kakauwi lang ni Mama dahil nakasuot pa siya ng uniform.
"Anak?" Tawag ni Mama kaya napatingin ako sa kaniya.
"Po?" Kinakabahan kung sabi.
Yung tono ng pagtawag sa akin ni Mama parang nakakakaba, parang may something na hindi ko ma explain.
Aba, sana paranoid lang ako.
"Nung nakaraan araw kasi umuwi si Elle rito na kinikilig, hindi ko alam kung bakit at laging hawak ang phone niya. Nagtataka lang ako kung yung bata ba na yun ay may nobyo. Samantalang si Yla ay wala naman. Baka nag kuwento sa inyo at nahihiya lang siya sa amin magsabi." Sabi ni Mama kaya napaayos ako ng pagkakaupo.
"Hindi naman po yun katulad namin na pala kuwento, malihim po yun pero once nagsalita asahan niyo ng feeling may jowa. Kakabasa niya po yun ng stories kaya malalim hugot. Baka na-notice lang po kaya kinikilig." Sabi ko rito.
Alam naman ni Mama na certified na wattpad reader ang isang yun hindi niya lang alam na may crush yun na writer. Ang labo naman masyado ng crush niya, lugi siya. Tapos recently ko lang napag alaman na she use RP to support the writer, ibang klase natuto na siya. Samantalang ako tumanda na lahat lahat ngayon lang nalaman yung RP na yun.
"Ikaw na lang kumausap sa kaniya anak," sabi ni Mama kaya tumango ako.
"Sige lang po, atsaka Mama hindi rin po ako magtatagal. Bumisita lang talaga ako kasi nag baka sakali ako na nandito yung tatlo, kukutusan ko lang sana." Sabi ko habang inaayos ang buhok ko na nagulo dahil sa pagkakahiga.
"See you again Ma," sabi ko rito saka siya niyakap.
Sana man lang araw arawin ni Klyde pagbisita rito para makita ko man lang pamilya ko. Nanghihinayang kasi ako sa pamasahe kaya nagtitiis ako sa video call, mapapalitan naman lahat ng paghihirap ko next time, kaya sa ngayon sipag at tiyaga muna. Laban lang.
"Sino ba kasama mo na nag punta rito?" Tanong ni Mama palabas na ako ng bahay.
"Si Klyde po, project ko po yung bahay nila malapit lang din dito. Kabilang kanto lang po yung dati rin nila na tinitirhan." Sabi ko saka tumigil sa gate.
"Okay na pala kayo?"
"Siguro po, hindi naman kami nag away sadyang mayroon lang sama ng loob, pero sa tingin ko naman napatawad na niya ako." Confidence kung sabi kasi alam ko naman totoo yung sinasabi ko.
"Kung gano'n pala ay dapat namin siya makita, namimiss na naman ang batang yun. Walang nagbago sa kaniya sa ugali niya, naging matured lang siya tapos sa pisikal lang pero ang ugali ay alam na alam mo na siya talaga. Seryoso mukha o kaya nakakunot o kaya naman ay naka poker face parang hindi nausuhan ng pag ngiti. Buti na lang at natagalan mo siya anak. Layo ng ugali niyo, magkaibang magkaiba talaga." Sabi ni Mama na halatang nagtataka kaya natawa ako.
"Gano'n daw yun," natatawa kung sabi kaya napasandal ako sa poste.
Sinabi ko naman kay Klyde na hintayin ako kasi alam ko naman matatagalan ako since pala kuwento 'to si Mama, once nag open siya ng topic ay hahaba na yung pag uusap niyo. Katulad na lang ngayon.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️
Novela JuvenilNOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is to pursue her dream and help her parents. She did not expect her goal is about to change when Klyde Samonte suddenly came into her life. Gen...