TWENTY-NINE

178 11 0
                                    

"Almost done na rin pala siya," sabi ni Aliah pagkakita sa bahay nila Ate Klarissa at Kuya Roman.

"Kaya nga, finishing na lang talaga tapos pak tapos na siya. 2 months na lang. Sakto sa 6 months." Sabi ko sa kaniya.

"Naitanong mo na ba yung color niya?" Tanong nito habang nilibot ang paningin.

"Sinabi ko na sa iyo yun last time sa bahay,"

"Ay oo nga pala, nasa note ko rito sa phone. I-di-discuss ko na lang 'to sa kaniya para alam niya yung idea ko. Malay mo may gusto siya ipalagay then try ko baka maganda naman siya." Sabi nito.

"Sabay tayo kumain ng lunch before ako pumunta sa condo ni Dr. Klarissa." Sabi nito habang nakatingin sa relo niya.

"Busy ka pa ba after nito?" Tanong nito ulit.

"Hindi na rin, tatambay lang ako for sure sa Mall para magpalipas ng oras." Sagot ko.

"Nasaan jowa mo? Hindi ata kayo magkasama?"

Pumunta sa Batangas para humanap ng construction worker para after daw nito ay yung sa kaniya naman daw. Pinapasama ako kaso nag pass ako kasi sila Mama lang pinupuntahan ko, wala rin akong natatapos kaya wag na lang muna.

Gustong gusto ko naman kaso saka na lang muna, kailangan ko muna mag sipag ng bongga para sa bahay na gusto ko.

"Nasa Batangas," tipid kung sagot.

"Oh! Bakit hindi ka sumama?"

"Pass muna, walang mag-ma-manage sa mga tao rito. Sandali lang naman siya mawawala. Kampante naman akong trabaho ang pinunta niya roon at hindi babae. Edi sana noon pa niya ginawa kaso hindi naman niya ginawa. Tigilan mo 'ko Aliah nanapak ako kahit matalik ko pa 'tong kaibigan." Sabi ko rito kaya natawa siya.

"Gaga wala naman akong sinasabi, masyado ka ng OA dai. I was saying na baka pumunta siya kila Tita at Tito pero close naman sila kaya alam ko naman welcome siya. Yiee, part of the family." Sabi nito kaya inirapan ko.

"Ikaw kasi illegal mo na para hindi ka namomroblema, malapit na kayo mag one year hindi mo pa rin pinapakilala." Sabi ko referring to Jomar.

Hindi kasi legal si Jomar sa parents ni Aliah. Paano hindi pa raw puwede mag jowa si Aliah since kagagaling lang din sa break up, na-depress pa kaya medyo nahuli sa lesson buti na lang hindi kami umalis sa tabi at dinamayan talaga namin siya hanggang sa makabangon.

"Wala naman daw kasi magandang idudulot ang love life, sana all kasi nasa tamang tao. Naiingit ako sa inyo ni Diane na masaya na pareho." Sabi nito na halatang nalungkot kaya naman tiningnan ko siya saka hinawakan sa magkabilaang balikat.

"Look Aliah, I know nasasabi mo yan kasi hindi pa legal si Jomar. Kailangan mo maging matatag, kailangan mo maging matapang. Mahal mo kaya dapat lang na ipaglaban mo siya. Alam ko na nasasaktan sila sa nangyari pero tapos na yun. Pinatunayan na sa'yo ni Jomar pati sa amin na deserve niya ang pagmamahal. Nung panahon na ayawan mo sarili mo at sobrang kinain ka ng anxiety mo nandoon siya hindi ka niya iniwan, hindi ka niya pinabayaan kasi sinamahan ka niya sa laban mo." Sabi ko saka siya tinapik sa balikat.

"Kung mahal mo ipaglaban mo, walang masama aa sumubok muli." Sabi ko saka siya niyakap.

"Mahal na mahal kita kaya gusto ko makita ka na maging masaya. At kung siya ang magiging kasayahan mo sige ipaglaban mo. Ipaglaban mo ang kasayahan mo." Sabi ko rito kaya naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

Inalo ko lang siya habang tahimik lang kaming dalawa.

"Thank you, the best ka talaga." Sabi nito pagkabitaw sa yakap.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon