SEVEN

440 20 1
                                    

"Why did you leave me?" Iyon ang bungad na tanong nito kaya naman napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko alam anong sasabihin ko, I know to myself na one of this moment ay magtatagpo rin ang landas namin at itatanong niya sa akin kung bakit ko siya iniwan.

"Ang babaw ng dahilan mo," mahina nitong sambit sapat lang para marinig ko.

"Look Klyde, I know may mali ako. I almost suffer 5 years blaming myself kaya ka nasasaktan, I already admit it. Okay, sorry for what I did to you. Can we start again? Can you forgive me." Sabi ko rito.

"Ang mahirap kasi sa'yo kampante ka na may babalikan ka pero hindi mo alam na kung kailan mo plano balikan." Sabi nito kaya tiningnan ko siya, seryoso lang ang itsura nito.

"Sorry..." Sabi ko na lang.

Wala na akong ibang masabi bukod sa sorry.

"Apology accepted, pinatawad na kita. Naiintindihan naman kita at alam ko naman na ginawa mo lang yung alam mo may assurance pero sana next time pareho mo hawakan para hindi ka magsisi." Sabi nito kaya naman napabuntong hininga ako.

"May pagkakataon sa buhay natin na minsan kailangan natin bitawan yung isa kasi naghihintay yung mas worth it, nakakahinayang man pero siguro gano'n talaga ang will sa atin ni God. Learn to accept it." Sabi ko rito.

Hinawakan nito ang kamay ko at pinag-interwine.

Bakit, I smell mix signal.

Binalewala ko na lang kung ano yung nasa isip ko, assuming lang siguro ako.

"Natatakot ako," sabi nito kaya naman tiningnan ko siya habang seryoso lang na nakatingin sa harapan.

"Saan?"

"Natatakot ako na baka kapag umalis ka hindi na kita tuluyan makita,"

"God's will," nakangiti kung sabi kaya naman tahimik lang siya habang nakasandal sa ulo ko kaya sumandal ako sa balikat niya kaya pinatong niya ang ulo niya sa ulo ko.

"Nasaktan ako nung iwan mo 'ko, akala ko kasi aalis lang kayo sandali tapos babalik kaso wala na akong balita. Hindi talaga ako naniniwala sa putangina na destiny na yan, tayo gumagawa ng destiny natin eh." Sabi nito kaya natawa ako.

Tama nga naman di ba? Kumbaga kung gusto may paraan kung ayaw palagi mayroon dahilan. Bale, if you really want her or him chase them. Kumbaga ikaw gagawa ng paraan kasi kapalaran mo yan at ikaw mismo gagawa ng destiny mo kasi desisyon mo yan.

"Saan ka tutuloy?" Tanong nito matapos ang mahabang katahimikan.

"Hindi ko pa alam, baka magpalipas ako ng gabi sa condo ng ate mo Klarissa." Sabi ko rito.

Si Diane kasi ay nasa tita nito kaya wala akong matutuluyan bukod sa kanila, mukha naman na welcome ako kay Ate Klarissa eh.

Napahikab na lang ako.

"Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita." Sabi nito kaya naman napatango ako at agad pinikit ang mata.

Nagising ako ng maramdaman ko na may humalik sa noo ko kaya napadilat ako ng mata.

"Good morning," nakangiting bati ni Klyde kaya inirapan ko siya.

"Taratando!" Singhal ko saka umayos ng pagkakaupo.

"Where here," sambit ko saka tumayo.

"Ate is waiting to us, let's go." Sabi nito kaya kinuha ko ang maleta ko.

Nauuna siya kaya nakasunod lang ako sa kaniya.

Bigla ko na lang natanong sa sarili ko kung anong ginagawa ng isang 'to sa Batangas at mag isa lang siya.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon