"Architect Montivilla, why don't you join us on our lunch." Sabi ni Mrs. Samonte kaya naman natigil ako sa paglalakad palabas.
"Huh!?" Gulat kung sabi.
Ayoko mag assume kaya naninigurado lang ako, ayoko mapahiya!
"Join us sa lunch, if you don't mind." Nakangiting sabi ni Ate Klarissa.
Medyo awkward kasi na makisalo since family yun pero ayoko naman tanggihan since maayos nila ako in-approach.
"Baka busy siya," seryoso lang na sagot ni Kylde.
Halata sa kaniya na naiirita kasi ang tagal ko mag desisyon.
"Sure po," nakangiti kung sabi.
"Okay then let's go," sabi ni Mrs. Samonte.
Nauna na kami lumabas since nagpaalam yung mag asawa sa mga tao na nasa loob. Lima sila na nag-interview sa akin including ate Klarissa and Klyde pero wala naman pake si Klyde kaya parang apat lang sila totally talaga na nag-interview sa akin.
Sinunod ko yung sinabi ni Mama sa akin na relax at yung Papa na on point wag paligoy ligoy para hindi sila maguluhan sa akin.
"Are you okay?" Tanong ni ate Klarissa kaya naman nginitian ko siya sabay tango.
Tiningnan ko si Klyde na nauna na sa amin. Mula pagkapasok ko at pagtawag sa name ko ay seryoso lang siya at walang imik, ewan ko bakit siguro dahil ganyan naman talaga siya noon pa. Laging seryoso at tahimik.
"Naku! Wag mo na pansinin yan, he have their period." Bulong sa akin ng ate niya kaya napailing ako.
I know na hindi yun totoo kaya hindi na lang ako umimik pa.
Tinext ko si Mama at Papa na baka gabihin na ako ng uwi since balak ko muna gumala. Wala akong plano sabihin na sumama ako sa isang family lunch kahit alam ko na it's kind of awkward o baka ako lang ang gumagawa ng big deal.
Naging tahimik ako habang papunta kami sa restaurant since malapit lang 'to sa company at napansin ko na ito yung restaurant nila tapos katapat nito ay ang kanilang hotel.
Bigatin na talaga sila.
"What do you want to eat?" Tanong ni Ate Klarissa pagkaupo namin.
Paupo pa lang kasi kami inabot na agad yung menu.
"Wala naman po akong alam dito seryoso, anything will do na lang po. Kayo na lang po ang bahala mag decide." Nahihiyang sagot ko.
This is my first time eating in restaurant kaya medyo hindi ako familiar sa si-ne-serve nila, wala akong idea kung alin ang masarap sa hindi o kung ano ang appetizer sa hindi.
Karinderya lang ang alam ko kainan at mga turo turo sa gilid gilid since matipid ako at alam ko marami akong bayarin kahit scholar ako. Natuto akong magtipid para makatapos ako at sa apat na taon na pagsisikap ko putek na yan I made it.
"Hey," nagulat ako ng tapikin ako sa balikat ni Ate since magkatabi kami.
"Po?" Nahihiyang sabi ko.
Self, umayos ka!
"You really love architect?" Tanong ni Tito Kris.
"Yes po, if ever man po na hindi ako pinalad Sir, engineering po ang i-te-take ko at kung hindi pa rin jojowa po ako ng engineering soon pero malabo po yun." Sabi ko sa kanila.
Sinabi ko yun para mawala yung pressure na nararamdaman ko na nahaluhan ng kaba feels.
"Hmm... Interesting, ayaw mo ba sa chef, ipagluluto ka niya." Sabi ni Ate Klarissa kaya naman napangiti ako.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️
TienerfictieNOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is to pursue her dream and help her parents. She did not expect her goal is about to change when Klyde Samonte suddenly came into her life. Gen...