SEVENTEEN

204 12 0
                                    

"Kanino ka in love?" Iyong ang bungad na tanong ni Diane sa akin pagkalabas ko galing sa cr.

Chismosa talaga 'tong kaibigan ko, narinig niya kasi yung sinabi ko kaya ayan maaga umuwi para lang daw sa chika.

"Spill the tea," sabi nito habang kumakain ng pop corn.

"Ay aba! Sakto ang dating ko. May pa tea ang ating Yazmine. Naks! Nagdadalaga ang ating architect." Sabi ng kararating lang na si Aliah kaya napabuntong hininga ako.

"Alam niyo guys, tigilan niyo 'ko. Atsaka isa pa hindi pa ako sure okay? Gusto ko muna siguraduhin kung tama ba o mali. I need fucking confirmation or at least assurance." Sabi ko pa kaya seryoso sila napatingin sa akin.

"Walang mali sa taong na-i-in love dai, wag mo na sa amin i-deny pa. Kami lang 'to. Sasamahan ka pa namin at susuportahan kung saan ka magiging masaya. Kasi magiging masaya rin kami kapag nalaman namin na masaya ka sa ginagawa mo o sa pinili mo." Sabi ni Aliah kaya natahimik ako.

"Kilala niyo ako as kalog pero hindi niyo lang alam nag o-observe ako. Na-realize ko lang na baka kaya okay lang sa iyo umattend sa kasal kasi may nagpapatibok na sa puso mo. Kasi... kung wala naman hindi ka naman a-attend sa kasal nila kasi in the first place sila dahilan bakit ka nasaktan at syempre kung ako yung nasa posisyon mo hindi ako pupunta kasi sasaktan ko lang sarili ko. Madali sabihin na okay ka lang pero deep inside you are not supposed to be okay, nagpapanggap ka lang na kunwari tinaggap mo lang. Babae tayo at tayong mga babae hindi agad tayo nakakalimot pero madali tayo ma-attach sa tao at sigurado akong na-attach ka kaya ka na in love. Yazmine... this is what you called unexpected love." Seryosong sabi ni Diane na sa sobrang seryoso ang nakakunot na ang noo.

Minsan lang mag seryoso si Diane pero asahan mo tatak sa puso't isip mo pangaral niya. Loko loko yan pero kapag seryoso na yung usapan sobrang seryoso niya.

Baka magulat ka pati ikaw seryosohin charot.

Gusto ko sana matawa sa facial expression ni Diane kaso pinigilan ko baka makatanggap ako ng kurot at sabunot, mapanakit pa naman 'to.

"Yung tipong hindi naman yun naka-plano pero dumating, kumbaga wala naman sa plano pero magugulat ka paggising mo ayan na pala. Boom! In love na pala ako." Sabi ni Diane with matching hand gesture pa.

Seryoso!? Sila ba talaga yung kaibigan ko.

"And the worst part of being in love is that you are being in love with your best friend," sabi ni Diane kaya roon na ako nagtaka.

"What!? Why did you know? How? Kanino? Paano? Saan? Shit! Tangina!" Naiinis na singhal ko kaya hinawakan nila ako sa kamay magkabilaan sila.

"Hindi ko na sinabi kasi ayoko na lumala pa, alam ko kasi na baka pangaralan niyo ako pero alam niyo na hindi ako marupok at hindi uso ang salitang comeback. You guys are hiding me some secret, nakakainis kayo." Sabi ko pa sa kanila kaya niyakap nila ako.

"Yazmine kaibigan mo kami, siguro may mga bagay ka na hindi kaya sabihin sa amin pero yung mga tao na nasa paligid mo na may alam ang nagsabi sa amin. Sobrang pala kuwento si Mrs. Samonte, nagulat ako one day nung naikuwento niya yung about sa pagkabata ni Eng. Klyde at nung moment na binaggit ka niya yun yung panahon na sinabi ko sa sarili ko na kailangan ka namin bantayan. Si Diane ang nakaalam." Sabi ni Aliah saka sila kumalas sa pagkakayap.

"Aksidente naikuwento sa akin ni Doc Klarissa since nandoon kami sa topic na first love, I taught it's just a co incidence na same name kayo pero nung binanggit niya na sa wakas nagkita kayo muli, kinabahan ako kaya ayaw ka namin mapag isa kasi natatakot kami na masaktan ka kasi kapag nakikita ka namin na nasasaktan ay nasasaktan din kami. Kaya please... Yazmine, piliin mo naman yung tamang tao." Sabi ni Diane habang umiiyak.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon