"Girl, hatid ka na namin sa Site." Sabi ni Aliah habang pinapanood ako lagyan ng concealer ang under eye ko. Masyado kasi malaki eye bags ko kakaiyak kaya tinatakpan ko.
"How many time do I have to tell you that I'm fine, ang kulit niyo talaga eh. Ilang beses ba kayo inere ha? Gigil niyo ako." Sabi ko sa kanila saka sila inirapan.
"Maganda na yung sigurado, mamaya sa sobrang dami mo iniisip ay tumalon ka sa tulay o kaya magpasaga kasi depress ka. Aba! Mahirap na dai, nasa huli ang pagsisi." Sabi ni Diane saka sila nag apir ni Aliah kaya napailing ako.
"Alam niyo nagtatampo na ako kasi pakiramdam ko wala kayong tiwala sa akin," sabi ko pa kaya nagkatingin sila at magkasabay na tumayo.
"Let's go," sabi ni Aliah saka ako hinawakan sa braso.
"Wait yung folder ko malulukot dai, dahan dahan naman di ba?" Naiinis kung sabi pero deadma lang.
Aba! Aba! Nagiging nanay mode ang mga 'to.
"Tara," sabi ni Diane saka ako hinila palabas kaya hindi na ako nakapalag pa.
Katulad ng gusto nila ay hinatid nga nila ako sa Site kaya wala na akong nagawa.
"If ever na may mangyari na masama, tawagan mo agad ako. I'll be there." Sabi ni Diane saka ako niyakap.
Hindi na ako nagsalita pa at tango lang ang ginawa.
"Bye," sabi ni Diane saka mabilis naglakad paalis sa site.
"Huh!? Hinatid ka pa talaga." Sabi ni Klyde pagkalapit sa akin kaya inirapan ko siya.
"Gano'n lang talaga nila ako i-care, duh!?" Sabi ko pa saka mabilis na naglakad papasok sa loob.
"Ma'am?" Tawag sa akin ng worker na nasa edad 40+ kaya naman natigil ako sa paglalakad.
"Po?" Magalang kung sagot.
May galang ko sila kausapin habang sila may respeto kasi mas mataas ang posisyon ko sa kanila. Ako ginagalang ko sila since mas ahead sila sa akin.
"May incoming project po ba kayo bukod rito?" Tanong nito kaya pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib.
"Mayroon po, baka hindi pa po tapos 'to kapag sinimulan yun. Bakit po?" Tanong ko rito.
Napapaisip agad ako na baka gusto niya ulit mag apply. Napag alaman ko kasi na may ilan kasi sa kanila ay walang permanent work at puro lang sideline. Tumatanggap ng contract at stay in.
"Wala po tay pero puwede po kita hanapin if ever po na matapos 'to. 6 months naman po tayo kaya don't worry." Sabi ko saka siya tinapik sa balikat.
"Hindi kasi tinatanggap yung anak ko sa trabaho dahil sa ex convict siya, mahirap pala talaga makapasok kapag galing kulungan. Hinuhusgahan ka agad nila, hindi ba puwedeng magbago." Sabi nito na halatang nalulungkot.
So... true lang! Ang mga tao kasi isang beses ka lang magkamali wala na yung mabubuting ginawa mo. This is the reality that we have to accept. This is the society where we belong.
"People deserve second chance po, ano po ba ang kasalanan niya bakit nakulong?"
"Nagtitinda kasi siya ng droga?"
"Oh!? Did he use drugs po?"
"Hindi, taga benta lang talaga siya. Nag pa drug test siya at negative siya."
Napabuntong hininga ako.
"Kaya po kaya niya ang maging sales man. Ang alam ko po kasi ay open for sales man yung boutique ng Mommy ng kaibigan ko. I will ask her po for you. Para makatulong na rin po. Atsaka isa pa po, I believe they deserve a second chance. Hayaan natin siya i-prove ang sarili niya sa atin na kaya niya magbago." Sabi ko pa rito.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️
Teen FictionNOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1 Meet Yazmine Montivilla a woman whose only goal is to pursue her dream and help her parents. She did not expect her goal is about to change when Klyde Samonte suddenly came into her life. Gen...