CHAPTER FOUR

731 33 2
                                    

"Lira!"

Katangahan man sa parte niya ay nagawa niyang tumigil sa pagtakbo nang marinig ang pagtawag na iyon ni Rico. She bit her lower lip and tightly closed her eyes. Hindi siya lumingon, bagkus ay nagpatuloy lang siya sa pagtangis. Everybody was looking at her now. Sana matumba na lang siya bigla at mamatay sa harap ng mga ito. Amidst the blissful party, her desperate scene stopped everything in shock.

Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harap ng lahat. Pero dahil sa kahinaan niya, mukhang doon din pupunta ang kapalaran niya. Narinig niya ang bulung-bulungan sa paligid. Papalakas na ang mga iyon. Pinunasan niya ang mga luha kahit na patuloy pa rin ang mga iyon sa pagtulo. She wanted to run away. She wanted to escape and just evaporate. Pero paano?

Hindi niya maihakbang ang mga paa palayo. Ni hindi rin niya maidilat ang mga mata. Hindi niya kayang makita ang mga nangungutya at naaawang tingin ng mga tao sa kanya. Ano na lang kaya ang iniisip ng mga ito? Lalo na't nasa likuran lang niya si Rico? She didn't want to know.

"Wait!"

Kasabay ng pagsinghap niya ay ang halos magkakapanabay na pagsinghap ng mga tao sa paligid niya. She knew that voice. Could it be? Napahawak siya sa dibdib. Though afraid, she slowly opened her eyes. And there she saw, a set of coal black eyes staring intently at her. Kumilos ang mga kamay nito at masuyong pinunasan ang mga luha niya.

Just like in the movies, pakiramdam niya ay biglang umikot ang paligid. At habang mabagal na umiikot ang paligid ay unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid niya. And the only one that's left was the guy in front of her—the guy who's been staring at her like she's some kind of a delicate gem. Again, she felt that strange yet familiar throbbing of her heart.

"Please, have me back. I can't live without you."

Kasunod ng pagkunot ng noo niya ay ang mabilis na pagkilos nito. And just like the first time, before she knew it, his lips already covered hers. That kiss brought back immortal memories inside her. Ni minsan ay hindi niya nagawang kalimutan ang halik na iyon. The kiss wans't even long, but it sure made her every second feel like eternity. And it drove her crazy.

Mariin siyang napapikit. She wanted to pinch herself just to be sure that what has just happened was real. Pero mukhang hindi na niya kailangang gawin pa iyon. Dahil sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niya ang matalim at nang-uusig na titig ni Rico sa kanya. Kasunod niyon ay ang mabilis na pag-alis nito. Mas lalong lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.

"Who is he?"

Sabay silang napalingon ng lalaki sa nananantiyang tanong ni Lyka na hindi napigilang lumapit mula sa kinaroroonan nila. Naumid ang dila niya. Naramdaman niya ang pag-akbay nito at paghapit sa kaniya palapit.

"I am Yvo, her boyfriend." diretsong sagot nito.

Kung natigalgal si Lyka sa isiniwalat nito ay tiyak niyang mas tigalgal siya ng mga oras na iyon. Kailan pa siya nagkaroon ng boyfriend ng hindi niya nalalaman? She tried to open her mouth to explain, but her mother hurriedly came and asked the same question. And just like what he did, he gave her mom the same confident answer.

"B-boyfriend?" her mom asked incredulously.

"M-mom, let me explain."

"Yes ma'am." sabat ulit nito.

"Hindi ba't kabre-break ninyo lang ni Rico? How can you..." gulantang na tanong ng mommy niya. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ni Lyka.

"A-actually..." tahimik siyang napamura. Mapapatay niya talaga si Yvo mamaya. How can he put her into that kind of situation? Buti sana kung ito ang naiipit at hindi siya. Mas lalo siyang nataranta ng makitang papalapit na ang kanyang daddy.

"I knew everything about..." he stole a swift glance at her. "...Lira and her exboyfriend. That circumstance actually led us to move our relationship into a deeper level."

Nakita niyang napatunganga ang tatlo—damay pati ang kadarating na ama niya. Oh crap! What now? What the hell was he thinking? Paano nito naisip na ipamalita sa lahat na boyfriend niya ito? That idea has not even crossed her mind!

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon