"What?" iritableng sikmat ni Lira kay Lyka. Kanina pa niya napapansing tinititigan siya ng pinsan. Mukhang nais din nitong makisali sa pang-gigisa sa kanya. Kanina lang ay tinakasan niya ang mala-Mike Enriquez na pagtatanong ng kanyang mommy.
"Is it true?" anas nito.
Natigilan siya ng marinig ang tanong nitong paulit-ulit niyang sinagot sa parents niya kanina. Like them, it seemed her cousin couldn't believe it too. Or maybe, everybody who knew her couldn't. She heaved a deep sigh and gently nodded. "Yvo's my boyfriend."
"P-pero, paano nangyari iyon?"
"I met Yvo four years ago. Bago ko pa makilala si Rico. We've had a short relationship before. But due to his kind of work, we weren't able to work it out. So we've decided to stay as friends. Pero noong lokohin ako ni Rico, Yvo came to me. Y-you have to know that Rico and I have been struggling with our relationship for quite a long time now. And Yvo has always been by my side. When Rico and I broke up, Yvo never left me. Doon ko narealize na mahal ko pa rin pala siya." she lied.
"Y-you never mentioned this to me." her cousin accused.
"I'm sorry, couz. Hindi ko inakalang hahantong kami sa pagbabalikan." she lied.
Tinitigan siya ni Lyka. Isang nagdududang tingin ang nagpayuko sa kanya. Nagkunwari siyang inaayos ang kanyang camera para iiwas ang tingin rito. Her cousin knew her too well. Madali lang nitong mababasa ang pagsisinungaling niya. Nang hindi makatiis sa biglaang pananahimik ng pinsan ay mabilisan niyang isinalansan ang mga gamit. Tumayo siya.
"Where are you going?" takang tanong nito.
"I have a date." she calmly answered.
"Date?" she screeched.
"With my boyfriend, of course." kinuha niya ang bag. "Lex! You've gotta take care of the phone call I am supposed to get later. Maaga akong aalis ngayon. I have a date. Call Mr. Naval and confirm my approval for his project proposal." bilin niya kay Lex. Kagaya niya ay isa rin itong professional photographer. They own that little photo studio, dalawa lang sila. Bagamat maliit lang iyon ay puro mga bigatin naman ang mga kliyente nila.
"Yes honey bunch." magiliw na sagot ni Lexus.
She rolled her eyes. Dati niyang manliligaw ang binata na binasted niya. It's funny how they became friends and even business partners. Tanggap na ni Lexus na hanggang kapatid lang ang turing niya rito. Iyon nga lang, hindi na ito tumigil sa kakatukso sa kanya. He's become a certified playboy, pero ni minsan ay hindi na ito nagtangkang ligawan ulit siya.
Napatingin siya kay Lyka na mataman pa ring nakamata sa kanya. Nakaramdam siya ng guilt. Nagawa nitong i-cancel ang honeymoon dahil lang sa pakiusap ng mommy niya. Alam niyang nag-aalala ito sa rebelasyong pinasabog ni Yvo kahapon. "Lyka, you can go home. I'll just wait for Yvo to come."
"Why don't you call him?"
Nasamid siya sa suhestiyon nito. She silently cursed under her breath. Hindi niya alam ang cellphone number ni Yvo. Mukhang mahihirapan siyang itago ang sikreto sa pinsan. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang bag at nag-aktong kinukuha ang cellphone. "Y-yeah, nice idea." kinakabahang sang-ayon niya.
Mukhang sinusubukan siya nito. Nagkunwari siyang nagbubuting-ting sa cellphone niya. Mayamaya'y nakita niya ang pagngisi ng pinsan. "You can't hide it from me, Lira. I know you too well." kumpiyansang anito.
BINABASA MO ANG
My Night Angel (PHR)
Romance"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa...