FINALE

1.2K 59 12
                                    

Ilang beses din niyang tinangkang umalis para takasan si Yvo, pero sa tuwina ay lagi siyang pinanghihinaan ng loob. Alam niyang matutunton at matutunton rin siya nito. What's the use of running away? Sigurado siyang gagawin nito ang lahat makuha lang ang bata. He was very persistent before, edi mas lalo na ngayong may ebidensyang buntis nga siya.

Kailangan niya itong makausap sa lalong madaling panahon.

It's been a week since he came, pero simula nung dumalaw ito ay sunud-sunod na deliveries na ang dumating sa bahay niya. Food deliveries, groceries, clothes, even maids! Nakakapag-init talaga ng ulo ang lalaking iyon. It scared her too. Hindi niya mapigilan ang sariling matuwa sa mga pinaggagagawa nito.

"Ano, natawagan mo na ba iyong mayabang mong amo?" asik niya sa driver na ipinadala rin ni Yvo. May hinala siyang hindi ito driver kundi bodyguard mismo. Hindi talaga siya patatahimikin ng lalaking iyon!

"Mukhang andiyan na po si senyorito." anito ng makarinig sila ng ugong ng sasakyan sa labas.

Pinigilan niya ang sariling lumabas upang salubungin ito. Baka isipin pa nitong excited siyang makita ulit ito. "Hindi nga ba?" kastigo ng sarili niya. Nagpasya siyang antayin na lamang ito sa loob. Hindi naman naglao't sandali ay dumating na nga ang lalaking kanina pa niya inaantay.

He looked heavenly gorgeous with his white lacoste poloshirt, dark denim pants, white rubbershoes, habang ang itim na mga mata nito ay natatakpan ng eyeshades. Kahit medyo malayo pa ito sa kanya ay amoy na amoy niya ang pamilyar at nakaliliyong pabango nito. Oh God, how she missed him! Pinigilan niya ang sariling mapapikit.

"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." nakangising anito habang nanunuksong tinatanggal ang suot nitong shades.

Agad siyang pinamulahan ng mukha ng makita ang panunukso sa itim na mga mata nito. He sure can read minds! Hell! "Hindi kita pinapunta rito para landiin ako." nakasimangot na aniya.

"Kung ganon, bakit mo ako ipinatawag?" naglakad ito palapit sa kanya.

"I want you to stop distressing my life." diretsahang sagot niya.

"It's impossible to stop."

Kunot-noong tinapunan niya ito ng tingin. "Pabayaan mo na ako. Bakit ba ginugulo mo pa ako? Hindi ko hinihingi ang responsibilidad mo." napakagat-labi siya. She's starting to get emotional again. Tumalikod siya upang itago ang pamumuo ng luha mula sa gilid ng kanyang mga mata.

"Angel..." bulong nito habang masuyong hinahaplos ang likod niya. Hindi niya napigilan ang mapahagulhol. He took it as a cue to turn her around and hold her in his arms, just like the way he always did.

"Leave me alone." umiiyak na pakiusap niya.

His grip tightened. "I can't, angel. I can't." nahihirapang bulong nito.

She looked up to him, even with tears in her eyes. "W-why?"

Imbes na sumagot ay gumalaw ang mga kamay nito ay masuyong pinalis ang luha sa mga pisngi niya. And at that same moment, she saw that familiar look in his eyes again. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga tingin hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbaba ng mukha nito sa kanya.

She willingly closed her eyes. When their lips met, doon niya napatunayang ni minsan ay hindi siya tumigil na mahalin ito. There has never been a day that she didn't long for his kiss, to feel his warm embrace again. Matagal din niyang niloko ang sarili at inisip na galit siya rito, pero ngayon ay hindi na niya pwedeng gawin iyon.

Dahil alam niyang mahal niya ito, mahal na mahal. Muling bumalong ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Noon napatigil si Yvo sa paghalik sa kanya.

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon