CHAPTER SEVEN

736 31 1
                                    

"Nabusog ka ba?" nakangiting tanong ni Yvo sa kanya.

"Nabundat nga ako sa kabusugan e." natatawang sagot niya. "Ikaw?" baling niya rito.

"Look at these." inililis nito ang suot na polo at ipinakita sa kanya ang tiyan nitong...natigilan siya sa nakita. Ang six-pack abs niya! Sa maumbok at matigas na tiyan na iyon naglakbay ang mga kamay niya. She swallowed, right after she hauled back her eyes away from his hairy tummy. "Ang laki na diba? Andami ko kasing nakain." pagbibida nito.

Hindi niya alam kung maiinis ba siya o mayayabangan dito. She glanced at him sideways. Tinapiktapik pa nito ang tiyan. "Yabang mo! Pinapakita mo lang iyang abs mo e." kantiyaw niya.

"Hindi mo ba nakikita na halos mabundat na itong tiyan ko?"

"Whatever." she rolled her eyes. "Sana nadala ko iyong camera ko. I bet you would look good on pictures."

"I always looked good on pictures."

"Yabang!" muli silang nagkatawanan. Hanggang sa pareho silang napagod sa kakatawa at halos sabay na natigilan. Silence caught them again. As much as she didn't want to feel euphoric, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng ganoon. They were both in a romantic place at a romantic moment.

They were on the beach. Nag-aya si Yvo kanina na mag-star gazing muna sila bago umuwi. Tutal naman ay hindi pa gaanong late kaya pumayag siya. They were sitting on the seashore, facing the calm sea. Kung titingala lang sila ay madaming mga naggagandahang mga bituin ang tatambad sa kanila. It was a perfect scene for lovers...funny though, hindi sila tunay na lovers. Trying hard lovers, pwede pa.

She smiled bitterly. Rico never did something sweet like that. Napalingon siya kay Yvo na matamang nakatitig sa dagat. Kung ganon pala, pareho lang silang hindi nakaranas ng isang normal date. Napailing siya. Unti-unting nagiging beneficial sa parte niya ang kalokohang napagkasunduan nila ni Yvo.

"What's wrong?"

"Ah...uh, nothing." iling niya.

"Come on, you can tell me."

"Wala nga."

"Meron e."

"Wala."

"Meron."

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Makulit ka rin e."

"Ewan ko sa'yo." napapangiting iling niya. "Sino'ng mag-aakalang ang isang kagalang-galang na katulad mo ay may pagka-isip bata pala?"

"Cute ko 'noh?" he grinned.

"Sus."

"Walang nasabi oh, ang cute ko kasi talaga."

"May sasabihin ako sa'yo." tumigil ito sa pagtawa at matamang napatitig sa kanya. His face went blank, gone was his smile. Bigla siyang kinabahan sa biglaang pagseseryoso nito. "H-hey, this is nothing serious, really. Huwag ka ngang ganyan." saway niya.

"Tell me about it."

"Ayoko ng sabihin." maktol niya.

"Why not?"

"Niloloko mo ako e."

"Okay okay, titigil na." muling bumalik ang nakakalokong ngisi nito. "Di ka na mabiro. Akala ko kasi magpro-propose ka na e. Hindi ako handa."

"Ano ka, chicks?"

"Siguro nga, chicks ako. Madalas akong makatanggap ng proposal e. Indecent proposals nga lang."

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon