"Ah, yes. Tita Alice, I'd like you to meet my boyfriend, Yvo. Yvo, this is my Tita Alice." pakilala niya sa dalawa.
"Hello ma'am. It's my pleasure to meet such a pretty woman like you." Yvo planted a soft kiss at the back of Aunt Alice's hand. Narinig niya ang mahinang pagsinghap ng kanyang tita. Nagblush din ito.
"Oh my. It's nice to meet you too, gentleman." pigil ang kilig na anang tita niya.
Hindi napigilang tumaas ng isang kilay niya. Napatingin siya sa nakangising si Yvo. He surely knows his way to get through a woman's heart. Napangiti siya. Mukhang wala naman pala siyang dapat na ipag-alala. "Shall we go?" aniya.
"Sure. Come in, hijo. They will be thrilled to meet you." masiglang yakag ng tita niya.
Pasimple niyang siniko si Yvo. "Grabe, pinakilig mo ang tita kong may malaking galit sa mga lalaki. Ikaw ah, napaghahalatang babaero." bulong niya.
"Epekto lang iyon ng charms ko. Huwag ka ng magselos, sa'yong sa'yo tong kagwapuhan ko." he grinned.
"Yabang." napahagikgik siya.
"So, you're finally here." sabay pa silang napaigtad ni Yvo nang marinig nila ang malalim na boses ng kanyang daddy. Napatuwid sila ng tayo at mabilis na napalingon sa nagsalita. "Bilisan ninyo. Hindi pinaghihintay ang pagkain." nauna na itong pumasok.
Nagkibit-balikat ang Tita Alice niya bago sumunod sa kuya nito, her father. Kinakabahang sumunod sila ni Yvo. Napanganga siya sa nadatnan sa loob. All the while, she thought that she would see all of the Mysterio's inside their house. Nagtatakang napatingin siya sa kanyang tita.
"Napadaan lang ako. May kinuha ako sa daddy mo." paliwanag nito. Tila ba nabasa nito ang nasa isip niya. "Which was a good thing, dahil nakilala ko ang napakasimpatiko mong boyfriend."
"Akala ko ba aalis ka na?" sikmat ng daddy niya.
"Oo nga. Paalis naman na talaga ako kuya. Inihatid ko lang sila papasok."
"Now you can go." muwestra ng daddy niya sa pinto. Umismid ang tita niya bago nagpaalam at umalis. Matapos umalis ng tita niya ay bumaling naman sa kanila ang matalim na titig ng ama. It was her first time to see her father look like that. Ni minsan ay hindi nito hinarap ng ganon si Rico. Iba naman kasi ang sitwasyon noon. Niligawan siya ni Rico ng halos isang taon bago sila officially naging mag-on.
"Err...dad, s-si Yvo nga pala. Boyfriend ko po." alanganing pakilala niya.
"It's a pleasure to meet you sir. By the way, I am Yvo Mondragaon." magalang na pakilala nito sa kanyang ama. Hindi nito pinansin ang malamig na pagtrato ng ama sa binata. Iniabot nito ang kamay sa harap ng kanyang ama.
Ngani-nganing hawakan na niya ang kamay ni Yvo at ibaba iyon. Ayaw niyang mapahiya si Yvo. Ito na nga ang tumutulong, ito pa ang mahihirapan? Unfair naman iyon.
Her father stared coldly at Yvo's hand. Nakaramdam siya ng tension sa pagitan ng dalawa. Should her father not accept Yvo's hand, tiyak niyang mapapahiya si Yvo. Pigil ang hiningang inantay niya ang susunod na gagawin ng ama.
"I am Ramon Mysterio, Lira's father." inabot nito ang kamay ni Yvo. The two of them shook hand politely. Nakahinga siya ng maluwag. "We'll have to talk later."
"Ah...where's mom?" mabilis niyang salo sa usapan.
"Have a seat. Inaayos na ni Lina ang hapag." anitong tinutukoy ang kanyang ina. "I'll go check on her." anitong iniwan sila sa gitna ng sala.
BINABASA MO ANG
My Night Angel (PHR)
Romance"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa...