"The client has confirmed the date." imporma ni Lexus.
"When?" mabilis niyang usisa.
"This afternoon. Actually, we'll still have to confirm if we could go there. Ang sabi ko kasi, tatanungin muna kita."
"It's approved. Would we stay there for long? Saan nga kasi iyong location?"
"Sa Bohol. We'll be staying there for a week or so. Depende sa pictorials."
"Cool. Sa lahat ng transaction na hinawakan mo, dito lang ako natuwa ng sobra sa'yo."
"May tinatakasan ka ba?"
"A-ano ba iyang sinasabi mo?" patay malisyang aniya.
"Malay ko naman."
"Hanggang chicks na lang talaga ang alam mo."
"Speaking of chicks. Maganda iyong client natin. Sayang lang, ikakasal na."
"Pati ba naman ikakasal, pinapatos mo na rin? Patingin nga ng profile niya."
Lexus handed her over the folder. "She's Francheska Aguila. Pretty, isn't it? Swerte ng mapapangasawa. Sexy pa at mahinhin." nakangising pagbibida nito.
Tinignan niya iyong larawang nasa loob ng folder. Napangiti siya. Indeed, the lady was beautiful. No, understatement pa nga yata iyon. Mukha itong goddess.
"Call her right away. Lilipad tayong Bohol ngayon din."
***************
"Okay, chin up girl. Van, hold her right hand. Itaas mo ng konti iyong isang kamay mo. No, put it exactly on her tummy. Yes, that's right. Now, give me your best smile. Good. Isa pa. Both of you look at the sky. Great. One more time. Done! Perfect!" tuwang-tuwang nilapitan ni Lira sina Francheska at Van.
"That was awesome!" bungad ni Francheska.
"No, you guys are awesome. Bakit di na lang kayo magmodel? Papatok kayo." biro niya sa magkasintahang malapit ng ikasal. They were like a perfect couple. Parehong gwapo at maganda. They were obviously inloved with each other.
Ngiti lang ang isinagot ni Van sa sinabi niya. As usual, natigilan na naman siya sa ngiti nito. He's got almost the same smile as...napapikit siya. Kung tutuusin, pamilyar ang mukha nito. Kung hindi lang ito dark-skinned, iisipin niyang kamag-anak ito ni Yvo. His features, except for his amber eyes were almost exactly the same as Yvo's. Siguro, namimiss lang niya ang binata kaya feeling niya, lagi niya itong nakikita sa iba. Napailing siya.
"Goodluck for tomorrow. Matatapos na rin ang paghihintay mo." biro niya kay Van na biglang napangisi, habang si Francheska ay pinamulahan ng pisngi.
"Thanks!" natatawang sagot ni Van.
"Tomorrow's your big day. Layuan mo muna itong si Van at mag-beauty rest ka."
"Sus, alam ko namang magiging maganda pa rin ako sa wedding pictures namin bukas e. Paki-edit mo na lang pag lumabas na panget." biro ni Francheska.
Natatawang nagpaalam ang dalawa. Siya namang dating ni Lexus. Tumulong ito sa pag-aayos ng mga ginamit nila sa pictorial kanina. Umalis lang ito saglit dahil may importante itong tinawagan. Deadspot kasi sa lugar na kinaroroonan nila ngayon. Kailangan pang umakyat ng burol para magkasignal.
"Siya nga pala. Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Lina, hindi ka raw kasi matawagan. Kinakamusta ka." ani Lexus.
"Okay, I'll give her a call later. Ready na ba ang lahat? Magiging busy tayo bukas."
"Para namang baguhan ako sa propesyong ito."
"Sinasabi ko lang. Madami kasing chicks bukas, baka iwanan mo na naman ako. Remember, trabaho muna bago iyang pambababae mo." ingos niya.
BINABASA MO ANG
My Night Angel (PHR)
Romance"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa...