CHAPTER FOURTEEN

710 31 2
                                    

"Kanina ka pa tulala diyan. May nangyari ba kagabi?" kunot-noong tanong ni Lexus.

"H-ha?" napakislot siya. Kahit walang malisya ang tanong nito ay biglang sumagi sa isip niya iyong nangyari sa kanila ni Yvo, just the thought of it made her blush. Lihim siyang napangiti. Last night was the best night of her life. "W-wala ano."

Wala? Sino ba'ng niloko niya? Kinikilig na iwinaglit niya sa isipan ang namagitan sa kanila ni Yvo kagabi. Speaking of Yvo, hindi pa niya ito nakakausap. Of course, dahil kasama ito sa entourage ng kasal, him being the busy bestman and her being the busy photographer. Hanggang malalagkit na sulyapan at ngitian lang sila kanina. Ngayong nasa reception na sila, maaari na siguro niya itong kausapin. "At ano naman ang sasabihin mo aber?" kastigo ng isip niya. Ano nga ba? She sighed.

Lexus gave her a weird look. "Nasaan na ba iyong bride?" he changed the topic. Napailing ito, tila ba sinasabi sa isip na may sira na siya sa pag-iisip.

Luminga siya sa paligid. Indeed, the bride was not in sight. Katatapos lang ng kasal. They still need to take some pictures in the reception hall, bagamat konti lang naman iyon. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib. Mas lalong tumindi iyong nararamdaman niya ng mapansing wala rin ang bestman sa kasal—si Yvo.

"Sige, ako ng maghahanap." aniya.

Don't be a fool, Lira. Tigilan mo iyang masamang iniisip mo! Paulit ulit niyang isinisiksik sa utak niya ang mga katagang iyon. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na imposibleng mangyari ang iniisip niya. She irately shook her head. I'm going crazy.

Bakit ba siya pa ang kailangang maghanap sa bride? Hindi naman iyon kasali sa trabaho niya. Deep inside her, she knew the answer. Gusto niyang makasiguro na mali ang iniisip niya. Nagpatuloy siya sa paghahanap, hanggang sa makarating siya sa likod ng malaking fountain na iyon. Hindi niya alam, pero parang may pwersang nagsasabi sa kanyang lumapit doon.

And just as she did, siya namang pagkagulantang niya sa naabutang eksena. Yvo was holding Cheska's face, drying her tears with his soft hands and comforting her with a kiss!

***

"She's the only girl I've loved. Kahit na hanggang kapatid lang ang turing niya sa akin, kahit na si Ivan ang mahal niya, kahit na nilalapitan niya lang ako kapag umiiyak siya dahil hindi siya pinansin ni kuya, I never cared. All I knew was that, I love her. And I'd do everything for her."

Parang tuksong nag-play sa utak ni Lira ang mga katagang iyon, mga katagang binitiwan ni Yvo nang gabing una silang nagkakilala. Napakagat-labi siya nang maramdaman ang pamimigat ng dibdib niya, tila ba may matigas na bagay na pumipiga sa puso niya. Higit pa ang sakit na naramdaman niya noon, nang makita niya sina Rico at Vivian sa loob ng opisina nito.

Napahigpit ang paghawak niya sa camerang nakasabit sa kanyang leeg. The painful sight immobilized her. She wanted to run away, para matakbuhan ang katotohanang ayaw tanggapin ng utak niya. She wanted to close her eyes, para hindi makita ang unti-unting pagbagsak ng pag-asa niya. Pero, hindi niya magawa. Dahil napako na ang tingin niya sa dalawang taong nanatiling magkayakap ng mga sandaling iyon.

Cheska, with her white long wedding dress looked stunning while Yvo looked like a demi-god with his black three-piece-jumpsuit. Kung hindi niya lang nasaksihan ang kasalang naganap kanina, malamang na naisip niyang ang mga ito ang bagong kasal. Umagos ang mainit na likido mula sa kanyang mga mata ng marinig ang tinuran ni Yvo.

"I love you, Cheska. That would never change. I wish for your happiness."

"Thank you Yvo. Thank you and I'm sorry."

She couldn't take it. Hindi na niya kayang tagalan ang panoorin ang eksenang parang matalim na punyal na paulit-ulit na tumutusok sa kanyang dibdib. With restrained sobs, she turned her back and walked away—not minding where her feet would lead her.

Habang tumatakbo ay bumuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hindi niya matanggap na wala siyang pag-asa kay Yvo. Na hanggang doon lang siya, pang-kama lang, pang-alis sa boredom nito, at ang mas masakit, panakip butas. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Right, when did he ever tell her that he loves her? Ni hindi pa nito nasasabing gusto siya nito. Siya lang naman itong umaasa e.

Everything that's happened between them was just out of his guilt and responsibility, anyway. Kaya ano iyong ipinagpuputok ng butse niya? Kasalanan naman niya dahil umasa siya. Kahit na kailan ay hindi siya nito mamahalin gaya ng pagmamahal nito kay Cheska. Napakasakit isiping sa pangalawang pagkakataong umasa siya, sa pagkakataong nagawa niyang ipusta ang lahat sa kanya, ay nabigo ulit siya.

And that everything has to end. Masakit man para sa kanya ay dapat na niyang itigil ang kahibangan niya. She has to hate him, otherwise, she'll continue loving him. Kung si Cheska pa rin pala ang mahal nito, bakit pa siya nito inangkin kagabi? What for? Para sa pagnanasa nito? Para sa pangangailangan? Kung gayon ay hindi totoo ang lahat ng nadama at nakita niya kagabi.

His sweet whispers, his soft touch, his passionate kisses, his tender stares, everything must has been just a trick to lure her to give in! Binabalak ba nitong kunin ang lahat sa kanya, bago siya nito tuluyang iwan? Naikuyom niya ang mga palad. Hindi niya ito dapat iyakan.

Pinahid niya ang luhang malaya pa ring umaagos mula sa mga mata niya.

May isang paraan siyang alam para isalba ang sarili sa sakit—ang lumayo—gaya ng madalas niyang gawin sa tuwing nahihirapan siya. 

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon