CHAPTER EIGHT

741 34 1
                                    


            "Say ahhh."

"Sipain kita diyan e. Ako lang ang kumakain. Buka ang bibig, say ahhh..." iniumang ni Lira ang hawak na fishball sa nakapinid na bibig ni Yvo. "Ano ba, sabing buka ang bibig e."

"A-are you sure it's safe to eat here?" pabulong na anito.

Wala siyang ibang naging sagot sa tanong nito kundi ang mataginting niyang tawa. "Adik lang? Ano'ng tingin mo rito sa fishball, lason? Come on, safe ito."

"I shouldn't have let you choose the place to eat." iiling-iling na reklamo nito. "Just this one, okay? T-titikman ko lang." alanganing ibinuka nito ang bibig.

"Say ahhhh..." sumubo ito, marahan at walang reaction habang ngumunguya. Hindi niya tuloy malaman kung nagustuhan ba nito ang fishball o hindi. "Hmmm, what do you say? M-masarap ba?" nakangiwing tanong niya.

Hindi ito nagsalita. He swallowed the food and stared at the stick she was holding. Masama ang tingin nito sa fishball na hawak niya! Uh-oh. Mukhang hindi pumasa sa pang-maharlikang taste buds nito ang lasa ng fishball na isinawsaw sa thick sweet sauce.

"Ahhh..." parang batang iniumang nito ang nakabukang bibig palapit sa kanya.

"God! Akala ko magwawala ka na dahil sa lasa ng fishball." natatawang sinubuan niya ulit ang binata. "Masarap diba? Noong college pa ako, madalas kami rito ni Vivian. Dito kami madalas magmeryenda. Tapos, dito namin inaabangan si Rico noon. Kapag dumaan siya, inililibre ko si Vivian ng softdrinks. Tapos..." biglang nanikip ang dibdib niya sa naalala.

"L-lira."

"Ano ba itong naaalala ko? Panira ng moment." natatawang pinunasan niya ang luhang namuo sa gilid ng kanyang mga mata. "Lika na nga doon. Tikman naman natin iyong tokneneng."

Tahimik na sumunod sa kanya si Yvo. Inaya niya itong maupo sa isa sa mga bench na naroon sa park. Ibinaba niya ang maliit na plastic cup na kinalalagyan ng fishball at tokneneng na binili nila. Tahimik siyang kumain habang si Yvo at matamang nakatitig lang sa kanya.

"Alam mo ba'ng sa park kami nagkakilala ni Rico?"

He looked away. "Talaga?"

"Yeah. Graduating na kami ni Vivian noon, when we saw him sitting here. Mag-isa lang siya noon e. Tapos mukhang ang lungkot lungkot niya. Tuwing hapon, pagkatapos ng klase namin ni Vivian, lagi namin siyang inaabangang dumaan rito habang kumakain ng fishball."

"Memorable pala sa'yo itong park na ito?"

"Yeah. Dito nabuo ang..." she trailed off. "Change topic na nga." she faked a laugh.

"Do you still love him?"

Natigilan siya sa tanong ni Yvo. Hindi agad siya nakasagot. Mahal pa nga ba niya si Rico? It's been over two weeks now, since she broke up with him. Sino ba'ng niloloko niya? Matagal na ring nanlamig sa kanya si Rico bago pa man sila tuluyang naghiwalay. Kaya ba nagiging madali para sa kanya ang kalimutan ito?

Hindi kagaya dati na halos minu-minuto niyang iniiyakan sina Rico at Vivian. Was it because of Yvo? Maybe yes, maybe not. Hindi siya sigurado. Basta ang sigurado lang niya ay unti-unting nawawala ang sakit na dulot ni Rico sa puso niya. Naghanda siya ng isang matamis na ngiti kay Yvo, para lamang pala mapawi nang makita niyang tumayo ang binata.

"Let's go?"

"H-hindi pa tayo tapos kumain."

"Busog pa ako. You can eat that inside the car."

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon