"Bilib naman ako sa'yo. Nagawa mong palambutin agad ang daddy ko?"
"Ako pa? What can a Mondragon not do?" pagmamayabang ni Yvo.
"Honestly, nagtataka ako kung bakit nag-effort pang manakot ng daddy ko, para agad din namang lumambot sa'yo. Surely, hindi iyon dahil sa mayaman ka. Hindi naman iyon mukhang pera."
"I don't know either."
"I'll have to ask them some other time. Anyway, maaga tayong pinakawalan nina mommy ngayon. I didn't expect this. Saan mo gusto pumunta?" nakangiting tanong niya.
"Napagod ako sa interview ng parents mo. How about my place?"
"A-ayoko doon." mabilis siyang nag-iwas ng tingin. She looked at the car's window instead. Bakit ayaw mo? Kasi ayaw mong maalala ang namagitan sa inyo ng gabing iyon? Gimme a break Lira! Kastigo ng sarili niya. "H-how about my place?"
"Okay."
Habang nasa daan ay patuloy pa rin siya sa pag-iisip. Ano kayang iisipin ng mga magulang niya oras na maghiwalay sila ni Yvo? What would other people think of her? A month is not that long. She sighed.
"Ang lalim noon ah."
Napalingon siya kay Yvo. His eyes were glued on the road, pero batid niyang pinapakiramdaman siya nito. "Wala ito. May naisip lang ako."
"Si Rico ba?"
"Paano namang nasingit sa usapan si Rico?" kunot-noong tanong niya.
"Forget about him. Gaano ba kahirap gawin iyon?"
"H-hindi naman kasi—"
"Nevermind." pinaharurot nito ang sasakyan. Hanggang sa makarating sila sa condo niya ay hindi na ulit sila nag-usap. Isa iyon sa mga hindi niya naiintindihan sa binata—his mood never failed to irritate her. One moment he's sweet, tapos magsusungit naman ito. Hindi kaya may sakit itong split personality?
Nauna na siyang bumaba at hindi na hinintay pa na pagbuksan siya nito ng pinto. Akala nga niya ay hindi na ito susunod sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya ang elevator. Muntik pang maipit ang kamay ni Yvo nang tangkain nitong humabol sa kanya. Narinig niya ang halos magkakapanabay na pagsinghap ng mga kasama niya sa loob.
Kung dahil iyon sa muntikang pagkaka-ipit ni Yvo o dahil sa kagwapuhan nito ay hindi na niya alam. Basta ang alam niya ay mas lalong uminit ang ulo niya dahil pinagpapantasyahan ng iba ang boyfriend niya. Wow naman! Kung maka-boyfriend naman siya, wagas!
Umisod siya para makapasok si Yvo. Tumabi ito sa kanya. Masama ang tingin nito habang hinihimas ang kamay na muntikan ng maipit kanina. She just gave him a crisp smirk. Umisod ito ng mas malapit sa kanya. Siya naman ang tumingin ng masama rito, sabay isod palayo. Napansin niya ang pagtatagis ng bagang nito.
"What's your problem, huh?" hindi nito napigilang itanong sa kanya.
Napalinga siya sa paligid. All eyes were on her now. Hindi niya tuloy matapatan ng pagsusungit ang tanong ni Yvo. "Let's talk later."
"Dapat lang! I need to know why you are acting like this."
At siya pa ngayon ang kataka-takang nag-iinarte sa harap nito? Eh kung iumpog kaya niya ito sa pinto ng elevator para matauhan ito? Sino ba sa kanila ang naunang nag-inarte at biglang hindi namansin? Siya ba? Nakakainis!
Hindi pa man tuluyang bumubukas ang pinto ng elevator ay mabilis nang nahawakan ni Yvo ang kamay niya. He dragged her out of the lift as soon as the door opened. Tahimik na lang siyang sumunod rito at hinayaan itong dalhin siya sa tapat mismo ng condo niya. Binuksan niya iyon at mabilis na pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
My Night Angel (PHR)
Romance"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa...