CHAPTER THREE

873 33 1
                                    

What are you doing here?" takang tanong ng mommy niya nang mamataan siya nitong pasilip-silip mula sa pinagkukubliang halaman. Naroon sila sa hardin ng mga Constancia, sa mismong bahay ng groom ni Lyka na si Mark. Doon ang reception ng bagong kasal.

"Ah...n-nahulog kasi iyong singsing ko mommy. H-hindi ko mahanap."

"Ipahanap mo na lang sa katulong nina Mark. Let's go, I'll introduce you to my friends."

"No! I mean...mommy, I'm tired. I need to go to the restroom."

"Tired, tapos pupunta ka ng restroom? Are you really okay, baby?"

"Basta, susunod nako sa'yo mom. Okay?"

"O-okay?" hindi kumbinsidong anito bago siya tuluyang iniwan. "Sumunod ka doon."

Natampal niya ang sariling noo. Kahit kailan talaga, palpak siya sa pagpapalusot. Muli siyang sumilip mula sa pinagkukublian. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang wala na ang "lalaking" sinisilip niya kanina. Where the heck did he go?

"Are you looking for me?"

Muntik na siyang napasigaw nang malingunan ang pormal na mukha ng lalaking kanina pa niya pinagtataguan. She silently cursed under her breath. She took one step back and swallowed. Naunsyami ang balak niyang pag-alis ng biglang maglakad ang lalaki palapit sa kanya.

"H-huwag kang lalapit." umatras siya.

"Why not?" he took a step closer.

"H-hindi kita kilala. I don't t-talk to strangers."

"Then why are you avoiding me? Bakit mo pa ako kailangang pagtaguan kung hindi mo naman pala ako kilala."

"I...I just thought that you are some stalker. S-sinusundan mo ba ako dito?"

"Not really. I came because of Mark."

"H-how are you related to him?"

"I am his boss." he said smoothly.

She caught her breath. Apparently, nalaman niya kanina na hindi naman pala ito ang bestfriend ni Mark na nais ireto sa kanya ni Lyka. But the fact that he was there, and was staring solely at her during the whole ceremony was a burden in her part. Mas nakakainis pa na hindi siya makatakas dahil tiyak niyang mapapatay siya ng pinsan kapag nagwalk-out siya sa mismong kasal nito. Naisip niya tuloy kung sinusundan ba siya nito. Kung sakali naman, bakit?

"J-just, stay away from me." as if afraid of him, she stepped back.

"Why are you being like this, angel?" his tone serious, so as his face.

She froze as she stared at him wide eyed. At ano ang gusto mong gawin ko, ang makipagbeso-beso pa sa'yo na parang wala tayong ginawang "kababalaghan" sa loob ng kwarto mo? Kung ikaw, walang hiya, pwes, ibahin mo ako! Inis na humalukipkip siya sa harap nito. "I told you, hindi ako si Angel."

"I know you're angel."

"Bahala ka sa buhay mo. I'm sick and tired of your accusations of me being—"

Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong hapitin palapit. Mahigpit ang pagkakayap nito sa kanya, not giving her even a slight chance to escape. Nanginginig na itinukod niya ang mga kamay sa malapad nitong dibdib. She tried to push him away but his steel-like strength didn't let her move him a bit. She winced.

"Gusto mo ba'ng ipaalala ko sa'yo ang lahat, angel?" his soft whispher made her shiver.

Pinanuyuan siya ng lalamunan ng marinig ang mapang-akit na boses nito. His husky voice made her dredge up things that she swore to forget. Ipinilig niya ang ulo. She shouldn't muse over that night again...not now, not ever. "C-can you not get it? I am running away from you." sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon