"You really are crazy! How can you say that in front of my family?" hindi matapos-tapos ang pagbubunganga ni Lira sa lalaking prente pa ring nakaupo sa harap niya. Naroon sila sa bahay niya. Iniuwi niya agad ang lalaki matapos nitong ipabida sa lahat na boyfriend niya ito.
Para siyang lumusot sa butas ng karayom bago sila nakaalis kanina. Siguradong sa kanyang pagbabalik sa bahay ng mga magulang ay madidikdik siya tanong ng mga ito. Lalo na ng kanyang daddy. With that thought in mind, hindi niya napigilan ang napangiwi. She glared at him when he didn't even bother to react about her outburst.
He shrugged. His unfeeling answer made her feel more furious. She scowled at him. "What were you thinking? Gumawa ka pa ng eksena! Usap-usapan na ako ngayon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin, na nag-iiiyak ako dahil niloko ako ng exboyfriend ko, iyon pala may ibang lalaki rin ako?"
"And what do you want, ang kaawaan ka ng mga tao dahil napakatanga mo? Na ni hindi mo nalaman ang relasyon ng dalawang malalapit na tao sa buhay mo? You wanted to remain to be the victim huh? Tapos ano, iiyak ka tuwing gabi? Now, who's really crazy? Tell me, angel."
His words made her freeze. As much as she doesn't want to admit it, she knew he has a point. Kahit gaano pa kasakit ang mga sinabi nito, hindi niya ito magawang pasubalian dahil batid niyang totoo iyon. Did he just want to save her from humiliation? Dapat niya ba talagang ipagpasalamat na nakialam nga ito?
"W-why did you do that?" she asked in a whisper.
He gave her a knowing look. Napasinghap siya sa napaka-simpleng sagot nito. Mayamaya pa'y napangiti na siya ng tuluyan. She remembered that sweet little conversation between them. "Unlike you, my memory is still tight." anito.
"Y-you still remembered. Akala ko, beertalking lang iyon."
"I always mean what I say."
"I am always here, whenever you needed help, always remember that I am always here. Kung babalikan ka ng gagong iyon, ako'ng bahala sa'yo! Show him your worth, angel. Hindi ang tipo mo ang basta na lang iniiwan at niloloko. You're a gem. I will always protect you."
Nangilid ang luha niya nang maalala ang sinabi nito. Ngunit kahit gaano pa kaganda at kasarap sa tengang pakinggan ang lahat ng mga sinabi nito ay batid niyang maaaring bunga lamang iyon ng epekto ng alak kaya nito nasabi ang mga bagay na iyon. She didn't want to risk...again. This time, tinitiyak niyang magiging mas maingat na siya. She can't risk her heart... again. Once is enough, twice is just too much for her.
"E-everything about that night, was just a dream. H-hindi ko iyon kailanman sineryoso." she said in an uptight tone.
Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. Hindi naman siguro makakabawas sa pagkalalaki nito ang mga sinabi niya. It was just a one-night stand, anyway! Siguro naman ay hindi siya ang unang babaeng naikama nito. Sa hitsura ba naman nitong iyon, tiyak niyang maraming mga babae ang handang magpakamatay makasama lang ito.
"Gusto pa rin kitang panindigan." he uttered while gritting his teeth.
"W-why?" naiiritang tanong niya."Alam mo ba'ng hindi talaga kita ma-gets?"
"Ano ba'ng mawawala sa'yo?"
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Tiyak niyang dahil iyon sa pinaghalong hiya at inis rito. Kulang na lang ay sabihin nitong, "Ano pa ba'ng mawawala sa'yo eh nakuha ko na?". Pinigilan niya ang sagutin ito. She pursed her lips, instead.
"Aren't you glad I came just in time? It's like hitting two birds in one stone. You can use me to show your jerk ex-boyfriend how stupid he was because he's let you go while I can make sure that you aren't really pregnant."
BINABASA MO ANG
My Night Angel (PHR)
Romance"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa...