"Tulala ka na naman diyan."
Napakurap si Lira sa sinabi ng pinsang si Lyka. Nakita niya ang pag-iling nito. Napangiwi siya. "Kulang lang ako sa tulog. Ang ganda kasi ng librong binabasa ko kagabi kaya napuyat ako." pagsisinungaling niya.
"You're not a good liar."
Natigilan siya. She knew someone who used that same line. She heaved a sigh. Naalala na naman ang lalaki sa Midnight Heaven. It's been almost a week since she saw him. At mag-iisang linggo na rin siyang napupuyat dahil sa mga alaalang iniwan nito sa isip niya. She pushed the idea away. Hindi na niya dapat pang isipin ang gabing iyon.
Isa lamang pagkakamali ang nangyari.
"Is it about Rico again?" Lyka asked irritably.
Hindi na siya sumagot. Ayaw niyang sabihing hindi si Rico ang kasalukuyang gumugulo sa isip niya. Mas lalong ayaw niyang ipaliwanag kung bakit biglang nawala si Rico sa isip niya. Lihim niyang kinagalitan ang sarili. Why can't she take that man off her mind?
"Forget about that jerk. He doesn't deserve you." galit na tumabi ito sa kanya at niyakap siya.
Naluluhang napangiti siya sa inakto nito. Bukod kay Vivian ay si Lyka ang isa pa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan. Kasing edad niya rin ito. They were both twenty-five. Pero hindi gaya niya, masaya na sa buhay pag-ibig ang pinsan niya. She'll be marrying the man of her dreams two days from now. Umatake na naman ang inggit niya sa pinsan.
"Huwag mo nga akong dramahan. Mas lalo akong nade-depress sa'yo e." biro niya.
"Ay!" bigla itong kumalas mula sa pagkakayap sa kanya. "Sorry, nakalimutan kong naiinggit ka nga pala sa lovelife ko." ganting-biro nito. "May bestfriend na gwapo si Mark. Gusto mo ipakilala kita?"
"Lyka." saway niya.
"So what kung kabre-break ninyo lang ng manlolokong Rico na iyon? Come on couz! We're in the 21st century. Palitan mo na agad si Rico. It's not your lost, it's his."
"H-hindi naman ganon kadali iyon." napayuko siya.
Totoo iyon. It wasn't easy. It will never be easy for her. Aminin man niya o hindi ay batid niyang magagawa pa rin niyang maging tanga para sa dating kasintahan. Siguro nga, kung sakaling magdesisyong bumalik si Rico sa kanya ay magagawa ulit niya itong tanggapin. Ganon niya kamahal ang lalaki. She's willing to take him back and look like a fool again.
Tanga na kung tanga, pero mahal pa rin niya talaga ito.
"Hay ewan ko ba sa'yo Lira. Nagpapakatanga ka diyan kay Rico samantalang ang dami namang ibang may gusto sa'yo."
Hindi naman sa pagmamalaki, pero sa kabila ng pagiging mahiyain at mahinhin niya ay agaw pansin rin ang mala-anghel niyang mukha. Her amber eyes were round. Napalibutan iyon ng mahahaba at maiitim na mga pilik mata. Her nose was high, perfect nose nga raw sabi ni Lyka. At ang madalas mapansin sa kanya ay ang kanyang pula at manipis na mga labi na parang laging nakangiti. It was her best asset.
"Just give me time. M-makakalimutan ko rin siya."
"Sana lang, kung sakali mang maisipan ng lalaking iyon na bumalik dahil nagsawa na siya sa malandi nating bestfriend na si Vivian ay hindi mo namaiisipang makipagbalikan. Naku, kapag nagkataon, masasakal talaga kita pinsan. Promise!"
"Pinapunta mo lang ba ako rito para sermunan?"
"Eto na nga oh. Papipiliin lang kita ng gown na gusto mong isuot sa kasal ko. Aba, ikaw na lang ang walang damit e. Ikaw pa naman itong maid of honor ko."
BINABASA MO ANG
My Night Angel (PHR)
Romance"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind." Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa...