CHAPTER FIFTEEN

812 30 1
                                    

"Aling Mely, nakita ninyo ba iyong—" napangiti siya nang makita ang album na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. "Hindi na po, nakita ko na." nakangiting iniwan niya ang iiling-iling na matanda.

Si Aling Mely ang kasama niya ngayon sa bahay. Napatingin siya sa di-katandaang ginang. Mabait ito, maalalahanin, at higit sa lahat ay madaldal—just the right one she wanted to spend her boring life with. After running away from Cheska's wedding, hindi na siya nagpakita sa lahat—to her parents, friends, and Yvo.

Wala na siyang komunikasyon sa mga ito. She miserably sighed. Hinaplos niya ang hawak na photo album. Sa pictures na lang niya nakikita ang mga taong nami-miss niya. Pagkunwa'y nalipat ang kamay niya sa kanyang maumbok na tiyan. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. She was pregnant.

Kung kelan tinakasan niya ang lahat. Kung kelan napag-isip isip niyang itama na ang lahat, tsaka naman siya nawalan ng kakayahang gawin iyon. And because of what's happened to her, hindi na niya magawang magpakita man lang sa kanyang mga magulang. Paano siyang matatanggap ng mga ito kapag nalaman nila ang kalagayan niya?

Tiyak na ikahihiya lang siya o mas masama pa ay itakwil siya. Mas mabuti na iyong siya na mismo ang umiwas. Mas lalong hindi na siya magpapakita kay Yvo. Ayaw na niyang masaktan, ayaw na niyang maging panakip butas lang. Isa pa, sigurado rin naman siyang lalayuan na siya nito matapos ang gabing namagitan sa kanila. Nakuha na nito ang gusto nito sa kanya, diba?

She wiped away her tears. Hanggang kelan kaya siya magluluksa sa pagkabigo niya kay Yvo? Akala niya ay magiging madali lang ang lahat. But how can she forget about him, kung nasa sinapupunan niya ang patunay na naging bahagi ito ng buhay niya? Hinaplos niya ang maumbok na tiyan at niyuko iyon.

"Baby, pasensya ka na kay mommy ha? Iyakin ano? Ang daddy mo kasi e." pinigil niya ang sariling ipagpatuloy ang pagsasalita. As much as possible, she didn't want to say bad things about Yvo when she's talking to her child. "Pero don't worry, malapit ng maka-get over si mommy. You'll see, magiging masaya tayo. Kahit na tayong dalawa lang."

Napangiti siya ng maramdaman ang mahinang pagpitik sa tiyan niya. She was 7 months pregnant. At pitong buwan na rin siyang nagtatago. Nagpasya siyang tumayo at puntahan si Aling Mely. Siguro ay tapos na itong magluto ng pananghalian nila.

"Ah...hija, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. May bisita ka sa labas." bungad nito sa kanya ng masalubong niya ito papabalik.

"Sino ho?" kunot-noong untag niya. Wala naman siyang inaasahang bisita.

"Ayaw magpakilala e. Gusto ka lang daw makausap."

Kinakabahang napahawak siya sa tiyan. Hindi naman siguro siya natunton ng mga magulang? Napailing siya. Hindi siya haharapin ng mga ito lalo na kapag nalaman nila ang kalagayan niya. Imposible ring si Lexus iyon dahil kagagaling lang nito doon noong nakaraang araw. Tanging ito lang ang may alam ng tunay na kalagayan niya.

Sino nga kaya ang naghahanap sa kanya? Mabilis niyang ipinilig ang ulo sa naisip. Bakit siya umaasang si Yvo ang nag-aantay sa kanya? She's really crazy. Feeling naman niya ay hahanapin pa siya nito. Malamang ay masaya ito sa pagkawala niya. Alam na nitong hindi siya buntis, nasabi niya iyon bago pa man may mangyari sa kanila. He's guilt free now.

Lulugo-lugong tinungo niya ang sala, kung saan, ayon kay Aling Mely ay nag-aantay ang kanyang bisita. At tila napako sa lupa ang mga paa niya nang mapagsino ang bisitang nag-aabang sa kanya. Wala sa loob na napaatras siya matapos mapasinghap.

"L-lira..." bulalas ng lalaking hindi itinago ang panlalaki ng mata ng makita siya—lalo na ang kanyang maumbok na tiyan.

"W-what are you doing here?" she asked in a firm tone, trying to calm her rapid heartbeating. Wala na rin naman siyang pagkakataon para tumakas, kaya minabuti na lang niyang harapin ito. Naupo siya sa silya sa harap nito. "Have a seat, Rico."

My Night Angel (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon