Kahit alam ko na namang dededmahin at susungitan lang ako ng gwapo nga pero supladong transferee student na si Kale ay hinintay ko pa rin siya sa huli niyang klase.
Alam kong makulit ako at hindi magpapatalo sa mga pagpapaalala sa akin ng bestfriend kong Ash na huwag akong makikipaglapit kay Kale dahil hindi raw maganda ang kutob niya rito ay wala na akong pakialam doon dahil nararamdaman kong isang mabuting tao naman si Kale, siguro ay shy type lang talaga siya at hindi socialize na tao.
Nang matapos na ang huling klase nila Kale ay unti-unti nang nagsilabasan ang mga kaklase niya mula sa classroom nila. Hindi ko na rin pinansin ang mga mapanuring tingin at titig sa akin ng mga lalake at ng iba pang mga kaklase niya.
Nang makalabas na sila ay saka pa lamang lumabas si Kale na may nakasabit na backpack sa balikat niya.
Kaagad akong lumapit sa kanya at nang makita niya ako ay inaasahan kong wala pa ring ekspresyon ang kaniyang mukha.
Dinedma niya na naman ako at maglalakad na sana siya papaalis nang hilahin ko ang braso niya dahilan para mapatingin ulit siya sa akin.
"Kale-" umurong ang dila ko nang makita ko ang naiirita niyang ekspresyon.
Binawi niya ang kamay niya sa akin at tinignan ako ng mariin.
"What do you want?" seryoso niyang tanong.
Napakamot naman ako sa ulo ko at nahihiyang nginitian siya.
"Pauwi ka na ba? Pwede bang sabay na tayong umuwi?" Tanong ko pero iba naman ang sinagot niya.
"Why do you keep bothering me? I'm not interested with you."
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya pero ngumiti pa rin ako ng pilit.
"G-gusto lang sana kitang maging kaibigan kung okay lang 'yon sa'yo?" Pag-amin ko at pinikit ang mga mata ko saka nagmulat ulit.
Ang hirap talaga kapag na in love ka na lang bigla sa lalakeng baguhan pa lang sa school niyo at ubod pa ng pagkasuplado pero keri lang ito, gagawin ko naman ang lahat maging kaibigan ko lang si Kale. Kahit pagkakaibigan lang ay okay na iyon sa akin.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at nanatili lang siyang nakatingin sa akin na walang ekspresyon pa rin ang mukha.
I can't see any emotion in his eyes kaya nahihirapan akong basahin siya.
"You don't know what you're doing."
Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya.
"Huh?"
Mas lalo siyang lumapit sa akin na ikinabigla ko.
"Please avoid me. You don't know what I can do once you entered into my life." Mariin niyang sabi pagkatapos ay lumayo na siya sa akin at nagsimula nang maglakad papaalis.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako bigla ng kaba at takot sa sinabi niya.
---
GENRE: Reverse-harem/Romance/Obsession.WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don't need to say offensive things to the story if you don't like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.
This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I'm not a professional writer so please bear with me. Thank you.
Please like my Facebook page:
"Ajai_Kim WP Stories"This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright originally © 2020 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.REPOSTED
Former Title: INTENSIFY
BINABASA MO ANG
Obsessed Kale
General FictionDahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na si Kale Marco ay hindi niya aakalain na magiging mitsa iyon ng pagbabago ng takbo ng normal niyang buhay. Be careful what your actions for.