PROLOGUE

1.3K 30 4
                                    

"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE"bakit nakikita ko ang sarili ko sa harap ng altar ng simbahan katabi ang isang lalaking hindi ko makita ang mukha..naramdaman kong hinalikan ako ng lalaki kasabay ang palakpakan ng mga tao sa simbahan..

"Aaaateeee"

Napabangon ako sa akin higaan dahil sa sigaw ng aking kapatid na si paula..nanaginip nanaman ako na kinasal ako sa lalaking di ko makita ang mukha.. Madalas ko itong mapanaginipan..hindi ko alam kung bakit sa pakiramdam ko ay ngyari na ito sa akin.pero imposible ni hindi pa nga ako nagkaka nobyo sa edad kong 23 ay hindi ko pa naranasan magka boyfriend.

Hindi naman ako panget may mga nanliligaw sa akin.pero ni isa sa kanila hindi ko magustuhan,hindi naman sa choosy ako o maarte.kaya lang para kasing yung puso ko may hinahanap na hindi ko maipaliwanag....

"Ate?"napalingon ako bigla sa nagsalita sa tabi ko.kinakausap pala ako ng kapatid ko..

"Oh bakit?ang aga aga nakasigaw ka dyan!!!sabi ko kay paula habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kamay..

"tawag ka na ni mama!! mag almusal na daw tayo" nakasimangot na sabi ni paula..         "bumaba ka na lang ha!!" pahabol niyang salita bago lumabas ng kwarto namin..

Tinignan ko na lang sya at tumango. Hayssss ... Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko? Hindi kaya sya ang aking prince charming? Hihihihi... Kahit hindi ko makita ang mukha nya,sa kanyang tindig ay mukha syang gwapo.. Kelan ko kaya makikita ang prince charming ko?

Ako si Anne Roble,23 years old.highschool lang ang natapos,mas pinili kong magtrabaho para makatulong sa aking ina at mapagaral ang aking kapatid.16 na si paula at graduating na ng highschool.

Kinailangan kong hindi mag college dahil hindi kaya ni mama ang pag aralin kami ng sabay.

Tindera lang sa palengke ang akin mama.

Ako naman ay nagtatrabaho bilang waitress sa isang restaurant..

Ano kaya ang ibig sabihin ang akin panaginip?

Isa ba itong parte ng nakaraan ko o di kaya ay mangyayayari ito sa kasalukuyan...

A/N

Hello po!!!! This is my first story.sana po ay magustuhan nyo..

Gusto ko lang po itry kung pwede din akong gumawa ng isang story.....

Shisha^^

My Love For You.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon