"boyfriend mo?".automatikong umarko ang magkabila kong kilay sa tanong ni Shawn.
kanina pa kasi magmula ng makapasok kami sa condo ko ay tinititigan na sya jerimie mula ulo hanggang paa paulit ulit na akala mong kinikilatis.
hindi na ako nagulat sa ikinikilos ni jerimie naikwento kona kasi sa kanya yung nangyare sa amin ni Shawn.
"Ehem".pag agaw ko ng atensyon nila.
"Je... ito si Shawn,Jake,Daryll at kyle magkakaibigan sila... sila din ang nagsabi sa akin ng tungkol don sa plano nong Eunice... and guys sya si Jerimie isa sa mga pinaka pinagkakatiwalaan at malapit kong tauhan".pagpapakilala ko sa kanila.
"Sus tauhan lang pala eh maka asta akala mo naman... tsk! tsk! tsk!".bulong ni Shawn na rinig parin naman pero hindi nalang namin pinansin.
isa isang ginawaran ng mabilis na pakikipag kamay ni jerimie ang mga kaibigan ni Shawn ngunit pagdating kay shawn ay nagtagal ang kamayan nila na pawang may nabubuong tensyon sa pagitan ng isa't isa kaya ako na mismo ang kumilos para paghiwalayin ang kamay nila.
"Ehem! guys take your sit".isinenyas ko sa kanila ang mahahabang sofa agad naman silang nagsi upo.
"so... you're Shawn huh? (smirk)".Jerimie
"eh ano naman sayo?".Shawn
"Wuy pre dayo lang tayo dito wag kang ano".bahagya syang siniko ni Kyle at pabulong na sinaway.
"dayo din naman sya ah".pabulong ding depensa ni Shawn.
"kahit na...".Kyle
"Ehem... pwede naba tayong mag Start?".pag iiba ko ng usapan mukang balak pang mag talo ng mga toh sa harap ko eh tsk! tsk! tsk!
hindi na sila nagsalita na pawang inaabangan ang mga sasabihin ko kaya nag umpisa na ako sa pagpapaliwanag... ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat ng nabuo kong plano.
"so sinasabi mo sa aming ikaw lang ang kikilos? tsss nababaliw kana! para saan pa ang tulong namin kung ikaw din pala ang kikilos ano kami display?".asar na anas ni Shawn.
"kung sa tingin mo'y iyon ang ibig sabihin ko sa mga sinabi ko ikaw ang bahala hindi kona problema yon".walang emosyon kong turan.
"ipaliwanag mo ulit queen mukang hindi gaanong naintindihan".mayabang na ani Jerimie.
"Isa ka pang mayabang! pababayaan mong kumilos yan eh babae yan?".Shawn
wag nyang sabihing balak nya pang mag amok dito leche sya?
"manahimik ka kuda ka ng kuda nakakairita na yang boses mo lalake ka ba talaga? ano naman ngayon kung babae ako?! bwiset ka kanina pa ako naiirita dyan sa bibig mo huh konti nalang sasabog nayan!!".irita kong sabi habang pinanlalakihan sya ng mata.
"sabi konga tatahimik na (pout)".Shawn
narinig ko pa ang matunog ngunit mahinang tawa ni Jerimie sa tabi ko.
"bukas may lakad ako....".panimula ko na ikinakunot ng mga noo nila.
"saan ang lakad mo queen e-este Miyuki?".Kyle
"sa kampo ng kalaban (smirk)".
"What?".sabay sabay nilang anas maski si Jerimie ay napasapo narin sa gulat.
BINABASA MO ANG
The Gangster Queen Is Back? (BOOK ONE)
Random(COMPLETED) Miyuki Annie Azumi... the so called gangster queen sa labas at loob ng paaralan at unika ija ng pamilyang azumi minsan ng mapahamak ang buhay mailigtas lamang Ang kanyang mga tauhan marunong syang magpahalaga sa lahat ng bagay bastos sya...