SHAWN'S POV:
2years na ang nakalilipas mula ng mabalitaan naming natagpuan ang ginamit na sasakyan ni Miyuki sa parteng malabon na halos magkahiwa hiwalay na ang bawat piyesa sa sobrang pagka wasak.
at gaya ng dati.... walang Miyuki.... walang bakas o presensya ni Miyuki.
mula noon hanggang ngayon walang nakakaalam kung nasaan si Miyuki... ang girlfriend ko.
pero hindi ako nawawalan ng pag asa.
kahit buong buhay ko pa ang gugulin ko sa paghahanap gagawin ko! gagawin ko dahil pakiramdam ko nandyan lang sya.
matatanggap ko pa ang kadahilanang nagka amnesia sya kaya sya nawala at hindi.... Hayssttt!!! ano ba tong iniisip ko.
basta hahanapin ko sya higit na kaylangan nya ako ngayon at kaylangan ko din sya.
"Good evening sir". Guard
tango at tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa guardiya.
magmula kasi nang mawala si miyuki at mapag alamanan kong pamilya ang turing nya sa lahat ng katiwala nya sa mansyon nila ay ginagawa ko na ang lahat para ituring din silang kapamilya sa bahay man o dito sa mansyon ng mga azumi.
"hon please kahit ngayon lang magpahinga ka naman parang awa mo na".rinig kong pakiusap ni tito Nate kay Tita miya.
ayan nanaman yung eksena nilang buong pamilya na lubos kong ikinapanlulumo sa tuwing dadalaw ako dito.
"No! my baby princess needs me Nate!! don't you understand me? papaano kung kinakawawa na sya ng masasamang loob? kawawa naman ang anak ko huhuhu". tita Mia
napapikit ako ng mariin sa sobrang pagkaawa ko kina tita.
"baby... please talk to me! I'm so sorry baby mommy loves you please forgive me". yan ang eksena kung saan una kong kinaawaan si tita habang umiiyak at paulit ulit na kinakatok ang pintuan ni Miyuki na para bang may sasagot na Miyuki doon.
oo at galit ako sa kanila dati pero nawala lahat ng yon at napalitan ng awa.
simula kasi nong wala na kaming mabalitaan pa tungkol kay miyuki ay ganyan na lagi ang eksena sa bahay na toh lagi silang hindi magkaintindihan halos mabaliw si tita sa paglipas ng panahon malaki narin ang ibinagsak ng kaniyang katawan.
madalas na mag away ang mag asawang azumi.
madalas namang nagmumukmok ang panganay na si Eithan at paulit ulit na sinisisi ang sarili.
"hon please tama na! it's been two years let's move on... si Eithan... si Eithan na panganay natin! sya muna ang pagtuunan natin ng pansin! can't you see? magkakaanak na sya pero hanggang ngayon hindi parin makausap ng maayos! papaanong makakapag move on ang anak natin kung tayo mismong mga magulang nya'y ganito?". nagpapasensyang ani tito Nate.
"but how about my princess?". parang batang ani tita.
"don't worry i'll do everything just to find her... don't you remember? we have our connection anywher and everywhere honey". pagpapalakas ng loob ni tito Nate kay Tita Mia.
napapikit ulit ako ng mariin sa kawalan ng magawa at naikuyom ang aking kamao halos mayupo na ang kahon ng binili kong cake.
huminga pa muna ako ng malalim bago pumasok.
BINABASA MO ANG
The Gangster Queen Is Back? (BOOK ONE)
Random(COMPLETED) Miyuki Annie Azumi... the so called gangster queen sa labas at loob ng paaralan at unika ija ng pamilyang azumi minsan ng mapahamak ang buhay mailigtas lamang Ang kanyang mga tauhan marunong syang magpahalaga sa lahat ng bagay bastos sya...