PROLOGUE

5K 95 4
                                    

Disclaimer: This novel is a work of fiction. Names, characters, businesses, and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental. This is a work of fiction, and reader discretion is advised for mature themes.

Dream Series #1: Build Me Up, Engineer

***

Mag-isa akong nagmaneho papunta sa beach, at sakto namang papalubog na ang araw nang makarating ako. Paglabas ko ng sasakyan, malamig na hangin ang unang sumalubong sa akin. Hindi man ako sigurado sa gagawin ko, umaasa pa rin akong nandito pa ang wallet ko at wala pang nakapulot nito.

Habang naglalakad ako papunta sa dalampasigan, ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Nagbabakasakali akong matatagpuan ko pa ang wallet ko—lalo na dahil naroon ang pendant na matagal ko nang iniingatan. Pero pagdating ko sa pwesto kung saan ako umupo kahapon, wala na ito. Bakit ba lagi akong nawawalan ng wallet? At dito pa, sa lugar na walang lost and found room.

Ilang minuto rin akong paikot-ikot sa paghahanap, pilit sinisilip ang bawat sulok ng buhangin. Nang mapagod ako, napaupo na lang ako sa dalampasigan. Tahimik ang paligid, kaya’t muling bumalik sa isip ko ang mga alaalang iniwan ko rito. Hindi ko na napigilan ang bigat sa puso ko—tuluyan akong napaiyak habang nakatanaw sa malawak na karagatan.

“Bakit ba kasi ako laging nawawalan!” sigaw ko, halos basag na ang boses sa emosyon.

Patuloy ang pagbuhos ng luha ko nang bigla kong maramdaman ang presensya ng kung sino sa likod ko. Agad akong lumingon, at sa gitna ng ginintuang liwanag ng dapithapon, nakita ko ang mukha ng lalaking minsan ko nang minahal. Seryoso siyang nakatingin sa akin, at tila mas nagningning ang kanyang mukha sa haplos ng sinag ng araw. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

“Ako ang nakapulot nito,” aniya habang iniabot ang wallet ko. Hawak niya ito na parang kayamanang iniingatan. “Hindi na ulit mawawala sa’yo.”

:)

Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon