IV

2 0 0
                                    

Legit
Namangha na lang ako ng mas lalong gumwapo si Sigmund matapos maayos ang buhok niya. Mas lalong nadepina ang face features niya at panigurado ako maraming magugulat. Gwapo nman talaga siya kahit na ganon ang buhok niya kaya lang ang mga tao talaga. Feeling perfect.
Napangiwi nga lang ako ng tumayo siya sa harapan ko at makita ko ang malalaki niyang damit. Hindi ko lang talaga alam kung anong tawag sa mga ganon eh. Pero alam ko mabilis magsalita ang mga iyon tapos may kanta pa. He looks like one of them. After his hair done I dragged him to the boutique where he was kanina. I chose casual attire for him. Napaisip ako habang tinitingnan ang nakalapag na damit sa couch ng boutique.
What suits him better kaya? Khaki shorts? Or pants? Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. I pouted the shirt I chose.
Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya agad siyang nagpunta sa fitting room.
"Not bad..."
I uttered. Huminga siya ng malalim at bumalik ulit roon hanggang sa natapos na kami. Hindi ko na ipinasuot ang dati niyang damit.
I left him without bidding my goodbye.
Babalik rin naman ako ng school bukas para asikasuhin ang mga papel ko. Napairap na lang ako sa sarili. Talagang babalik na ako roon. I dropped by to my favorite spanish restaurant near in my school. Kahit paborito ko ang pagkain ay nakakawalang gana pa rin hanggang ngayon. Hindi ko magawang kainin ang vegetable dish. Napabuntong hininga na lang ako at natulala habang nakapangalumbaba.
Napalunok na lang ako ng nakakita ng mga bagong kakain. Wearing a decent dress. Kanina ko pa suot ang uniporme ko at ngayon lang nag-sink-in sa akin na kailangan ko ng magpalit dahil nanlalagkit na ako. I glanced at my wrist watch. It's seven thirty-six in the evening.
Why do I have to be like this? Bakit ba Kasi ayaw kong bumalik ng Larasca! Oo nga at ayaw ko talaga dahil naiingayan ako sa mga manok pero sino ang niloko ko?! Of course I have my other reasons for that. And remembering those moments made me want to be eaten by ground.
Nakakahiya!
Well, it's not that really embrassing pero nahihiya pa rin ako!
"Aleera..."
Marahang salubong ni mommy pagpasok ko ng condo. The kitchen is seen in living room kaya nakita ko siyang kumakain na roon. I walk towards the stairs and told them I already ate my dinner outside.
Nagbukas ako ng IG. Unang-una sa list ang stories ni Sigmund. It was me reading a magazine. Baka ito yung kanina sa salon. Tapos ako ulit naglalakad palayo.
Magpapalit na sana ako ng pantulog ng magsend siya sa akin ng photo. It was a replies on his story. Napairap na lang ako sa mga nabasa. Those were negative comments about us. Nag-init lang ang ulo ko ng mabasa ang isang reply galing sa isang babae base sa username niya. She just replied na malandi raw ako, kesyo ganon ganiyan, kuno hindi nagpapaligaw pero may kasamang lalaki.
Seriously?! What the fuck is their problem? Masyado bang big deal ang pagiging no boyfriend since birth?
Binalibag ko ang cellphone sa kama at naligo na lang, Nagbabakasakaling madadala niyon ang mga inis ko. I blow dried my hair while thinking if I still have reasons to stop my parents from bringing me back home to Larasca.
Kahit kasi nandoon ako noon ay parang iba ang buhay ko. Hindi katulad ni Faith na nakaayon ang pamumuhay roon sa probinsiya.
She likes going out just to see the mountains and our farm outside El Gallo. Kahit sa baluwarte ng ibang angkan ay nararating niya. Kahit ang sa Rusco ay pinupuntahan niya. Mas matanda lang naman siya ng isang taon pero parang magkaedad lang naman kami. I didn't even call her ate. Habang ako, kahit nasa probinsiya. I always watch movies and read magazines about cities. Lalo na kapag nakakakita ako ng news sa internet mas lalo akong ginaganahan na manirahan sa syudad kaysa probinsiya. Kahit sa pananamit ay magkaiba kami ni Faith.
I always follow the fashion trends on the internet. Habang siya. The decent one.
Tuluyan na akong napahikab sa antok matapos ang pagod na pag-iisip sa mga nangyari.
Wearing my usual fitted tube top dress with ruffled sleeves. I went downstairs with my silver sling bag from chanel. Malaki ang ngiti ni mommy ng salubungin niya ako. Daddy is having a coffee on our living room while reading newspaper. A usual old man morning routine. Si kuya naman ay natanaw ko sa veranda malapit kusina. May kausap sa cellphone at naniningkit ang mga mata.
Nang makababa ako ng tuluyan ay tumayo na si Daddy at sinabayan pa ako papuntang dining area. Nasulyapan kami ni kuya and he just gestured na susunod na siya. Siyempre pagkatapos ng gusto nilang mangyari hindi ako nagsasalita. Ano naman ang sasabihin ko?. Masama pa rin ang loob ko. May pakielam naman ako sa pamilya. May ibang bagay lang talaga akong gusto at hindi ko maaabot iyon kung nandoon ako sa probinsiyang iyon.
"A-anak bakit hindi ka nakauniform?" Mommy asked while putting food in Daddy's plate and mine.
Gusto kong umirap at sagutin si Mommy pero siyempre hindi naman ako pinalaking bastos. Anyone shouldn't use the power of their mouth to speak against mothers for the mother is the first one who taught us how to speak. Tumikhim ako at sinubukan na ang pagkain.
"I'm gonna fix my papers. Kahit anong sabihin ko hindi ako ang masusunod rito. Babalik ako ng Larasca like what you all want. Pero kay Razo na lang ako sasabay pabalik. I want to have atleast time with my friends,"
I said without looking at them.
"R-razo-?"
Naramdman ko ang tinginan ni Mommy at Daddy kaya nag-angat ako ng paningin sa kanila. Nagtataka ang mukha ni Daddy at nag-aalala naman si Mommy. Why is that?

Crows Of TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon