Call
Para kaming hindi nag-usap nang bumalik sa bahay. He's quiet and too stiff, puro mabibigat na paghinga ko lang at yabag nang kabayo ang naririnig ko.
Inalis ko ang hawak sa dalawa niyang beywang at inikom sa harapan ko. Lumingon siya ng bahagya at umiling. Nakababa na ako at nasa harap na kami ng bahay ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa'kin habang ako nanunuyo ang lalamunan kakalunok nang sariling laway.
Ugh! That's gross!
"Uh...b-breakfast?"
I said and fought his gaze.
Umiling lang siya at at tinignan ang palapit ng tauhan ng mga Navarrete. He gave the leash of the horse and nodded. Nakapameywang siya at sa bawat paglipat ng tingin kung saan ay pairap.
He looked at me and wrinkled his forehead before turning his back on me. Noon ko lang napansin ang itim niyang wrangler. I pouted when I realized, he didn't even bid his goodbye.
What a rude!
Wait?! Didn't we talk about us? Pumayag kaya siya. Eh ba't ganiyan? Bumalik na naman sa pagiging tahimik na laging mainitin ang ulo. Napaismid na lang ako at naglakad na para makapag-agahan sa loob. Matalim naman ang tingin sa akin ni Lolo.
"Lo, why you look like I did something wrong?"
Umiling lang siya at agad nalipat ang mapait na mood ng pumasok si Faith. She stopped and looked at me then to Lolo. Kumunot ang noo niya at nagpatuloy sa paglapit.
"Lo, Kain na po tayo sa dining," she said and was about to push Lolo's wheelchair.
Tinaas ni Lolo ang kamay niya at itinuro ako. Tinanguan ko si Faith at tumango na lang rin siya.
Nakaupo na kami at kasalukuyang kumakain ng sumalo si Mom at Dad. Mom keeps on talking to Lolo while Dad keeps on talking to Faith beside me. Ngayon iniisip ko anong gagawin ko rito. Ang sasakyan ko naman ay narito na, I can drive to market place pero wala naman akong makikita roon. That place is so sticky and the people always smells fishy o kaya naman ay amoy karne na kumakapit na sa balikat nila.
Hindi ako maarte at matapobre. But the fuck! Ayoko namang madikit sa kanila. Sayang naman ang lotion ko. Sayang ang pera. See? I'm concerned about the money I'm spending.
Nakakakalahati na ako sa pagkain ng magsalita si Mommy para sa akin.
"We're gonna attend party Aleera, after this the designer will arrive so be prepared"
Akala mo naman kung anong dadating eh. Kailangan prepared? Sus! Damit lang naman iyon. Napalingon ako kay Daddy na nakatingin kay Mommy.
"And Faith, just don't go to farm Gallo farm. Ayokong mawala ka sa paghahanap mamaya ng damit!" Aniya ni Mom na tinguan naman ni Faith.
I actually really like her name. Faithanasia. That's so unique.
"Anong ginagawa ng batang Velasco rito Faith?" Lo asked.
Huminga ng malalim si Faith at umiling bago sumagot.
"Kasama po siya ni Celestine L-"
"Okay then"
Napayuko siya ng putulin ni Lolo ang sinasabi niya.
Sinundan ko si Faith sa kwarto niya after we ate our brunch. She looks tired and it's getting ten in the morning. She smiled to me but I know it's a weak smile.
"Why don't you stop managing the Gallo farm? Maybe Lolo will favor you, alam mo na...para magaan na ang tingin niya sa'yo. Alam mo naman, kahit my sariling desisyon tayo it's always the men will decide for us."
Sabi ko habang pinapasadahan ng kamay ang mga damit niya sa walk-in closet.
Kita mo itong babaeng ito oh! She has a lot of designer dresses. Different kind of heels and signature bags. It's more simply elegant than those dress she always wore. Brown boots, skinny jeans and longsleeve. Plus, the cowboy hat in her head. Wala naman kaming rancho pero puro ganon ang damit niya. Sabagay, farm naman ito kaya ayos pa rin ang suot.
"Hindi ba kaya ka nga tumakas kay Daddy dahil gusto mo ng sariling desisyon?"
Ngumiwi nman ako sa sinagot niya. She starts stripping and change her longsleeve. Nagpalit siya ng tee-shirt na kulay sky blue at hinubad ang boots. She wore her flipflops. Pabagsak siyang humiga sa kama habang ako naman ay dinaganan siya. I chuckled when she growled.
Umayos ng may maalala sa sinabi niya kanina.
"I thought you're gonna invite Marco?" tanong ko nakadungaw sa kaniyang nakahiga habang ang mga braso ay nakaunan.
"Do you really want to piss you're sabungero don't you?" ngumiwi naman ako sa pag-adress niya kay Ad.
"You haven't share anything to me regarding to your lovelife?" I asked teasing her.
Kaya lang she turned serious, kaya naging hilaw ang ngiti ko.
"I have..." my eyes widened.
Hindi inaasahan ang biglaan niyang pag-amin.
"Sino?!" Kuryoso kong tanong habang niyuyugyog ang kanang braso niya.
She pouted and sat properly and faced me serious. Ano ba iyan?! Napakaseryoso naman ng babaeng ito!. Hindi ba dapat masaya nga kami dahil shini-share namin ang mga ganito?
"P-port...," bumagsak ang tingin niya.
"R-Rusco?..." I felt my heart became wild.
Kinabahan akong bigla at umasa na sana hindi nga. It's Rusco! H-hindi pwede iyon?! Paano kung mapahamak siya?!
I felt like my walls for my sister crumbled down when she nodded and looked at me pleading.
Natahimik kami ng ilang minuto at wala ni isang gustong maunang magsalita. I averted my gaze at her and think about those possible things that might happen.
Ruscos are known for being crucial and brutal. Hindi ko alam kung anong basehan nila sa mga iyon pero kung may prominenteng pamilya sa El Larasca na hindi gusto ng mga tao at nang nasasakupan nila ay ang mga Rusco iyon. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya kung anong klaseng tao ang mga iyon pero ayoko siyang masaktan. Ngayon pa ba? Now that she mentioned that she's into Port? The middle son of old Ruscos?
Ano na lang ang sasabihin nina Mommy at Daddy? lalo na ni Lolo? Baka lalong lumayo ang loob niyon sa kaniya.
"P-please...d-don't tell them...please.. "
Nabasag ang boses niya at nang tumingin sa akin ay namumuo ang tubig sa sulok ng nga mata. Maybe it looks like exaggerated that she's just crying over that fact. Pero Rusco ang mga iyon! Ni wala ngang nangingielam sa kanila dahil masyado silang marumi maglaro pagdating sa negosyo. Matapobre at walang pakialam sa mga mabababa sa kanila.
Total opposite of the Salvacions. And Faith is a Salvacion.
Sigurado akong hindi niya sinasabi sa kahit na sino rito ang tungkol sa pagpunta niya sa mga Rusco at ngayon pa lang kinakabahan na ako para sa kaniya.
"W-what if? H-he's just fooling you? Na gamitin ka lang niya kapag nagkataon? H-hindi ka ba natatakot na may mangyari sa'yo? kapag naroon ka sa baluwarte nila?! Hindi naman sila kasundo nang pamilya natin! They are monsters Faith!"
Tumaas ang boses ko sa huling pangungusap. Bumagsak ang balikat niya at tumingin sa kamay niyang kinukurot ang isa't-isa.
"Y-you know Port diba? Alam mong mabait siya, m-masiyado lang natin silang nahuhusgahan. But believe me Aleera! Believe me! They are kind!"
She pleaded while holding my arm. I pull it and stood up. Tinignan ko siyang nakaupo sa kama at tuluyan ng tumulo ang luha sa pisngi niya.
"No!, Hindi ko papayag! I don't trust them Faith!"
Tumaas ang boses ko at hindi na nag-aalala na baka may makarinig.
Desidido ako sa gusto kong sabihin. Kung kanina ayaw ko siyang masaktan, ngayon ayos na lng sa'kin kung magalit siya. Pero! Oh my god! Everyone knows how cruel they are! They are inhumane!. Idagdag pa ang mga balita noon na pumapatay sila ng tao!
Can you imagine that? Pumapatay? We're not in some sort of teleserye para kami ang makaligtas sa huli!
"Aleera please...kahit sa'kin ka na lang magtiwala!"
I feel like my heart broke when another tears escaped from her eyes. Never did I imagine her being weak and pathetic like this.
Mahal nga niya ang lalaking iyon?!
"Mabait ang mga Rusco-"
Our both eyes widened when the door opened. My mouth half open. Para akong nanigas ng makita kung sino ang nagbukas niyon.
"Ano ang narinig ko?!" Lolo's voice thundered.
Naghatid iyon ng kaba sa akin. Unti-unti akong lumingon kay Faith na nanginginig ang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa makapal na kumot. Nakayuko at hindi makasagot. Lolo looked so mad.
"Tama ba ang narinig ko?! Na sinasabi ninyong mabait ang Rusco!"
Napakurap-kurap ako at huminga ng malalim. Unti-unti ko siyang nilapitan para pakalmahin sana pero huli na. Napaatras lang ako ng parang kulog ang boses niya.
"What are you talking about Faith! Wala ka ng ginawang mabuti sa pamilyang ito! You stupid woman!"
"Lo!"
Nanlaki ang mata ko at agad sinisi ang sarili.
"Idadamay mo pa ang kapatid mo?! Tinuturuan mong magsinungaling! You stupid! Nilalandi mo siguro ang isa sa mga batang Rusco!"
"Lolo"
Sigaw ko hindi na nakapagtimpi. Kahit na hindi para sa akin ang mga masasakit na salitang iyon ay parang ako ang sinasaksak. How much more to Faith.
"Siguro! Ikaw rin ang nag-imbita sa batang Velasco kanina ano?! Wala ka na ba talagang gagawing matino?! Puro sarili mo ang inisiip mo?! If you want your life to be miserable by your stupid decisions then do what you want! Don't. Include. Aleera!"
May banta sa huling salita ni Lolo. Kung hindi pa siya maghabol ng hininga ay hindi siya matitigil. Sakto naman ang dating ng ni Mom at Dad.
"Anong nangyayari rito?!" Mom asked.
Kahit wala pang alam ay galit na. Tumayo ang kapatid ko at may kinuha sa tukador niya. Nangingnig ang mga kamay na inabot niya iyon kay Lolo. Tinabig lang iyon ni Lolo at masamang tumingin sa kaniya.
"Papa!" sid Dad na agad dinaluhan ang kapatid ko.
Mom is looking at me questions were evident on her eyes.
"A-ayos lang ako...d-daddy..." mahinang sinabi ng kapatid ko. Nakatungo lang at nanginginig ang mga kamay.
Hindi namin parehong inaasahan ang galit ni Lolo. My hands were trembling too. Pero Huminga ako ng malalim at pinulit ang gamot na tinabig kanina. Agad nagpunta sa two seater table malapit sa bintana at nagsalin ng tubig sa glass pitcher and drinking glass roon.
"Aleera! What happened here?! Faith? Are you okay?!" si Mommy nagtataka at nagsisimula ng mainis dahil walang pumapansin sa kaniya.
"A-ayos lang po ako m-mom..."
"Aba! Kita mo nga naman ang batang iyan! Ayos pa talaga?! She's flirting with the young Rusco! Dinadamay pa ata ang kapatid niya! Do you even know what you're doing you stupid!"
"Pa!"
Sabay si Mommy at Daddy.
"Don't talk to my daughter like that! And...don't talk like that. Apo mo si Faith!" Daddy said and hugged her.
"Nag-aalala lang ako para sa mga apo ko!"
"Please...if you're just going to insult her just. Don't!"
Mahina pero mariin na sinabi ni daddy. Lolo is fuming mad but Mommy decided to remove Lolo from our sight. My heart breaking as I watched my father and sister breaking. Kasalanan ko iyon! Maaaring narinig ni Lolo ang isinigaw ko kanina.
Faith is serious and secretive. Hindi ko maiwasang ma-disappoint sa sarili ko na kung kailan nagkaroon siya ng lakas ng loob na magsabi ng nararamdman niya ay ganito ang nangyari.
Hindi ko na napansin na tumulo ang luha ko. I wiped it and leave them. Pumunta ako sa kuwarto ko at hindi alam kung ano ang tamang isipin. I'm just fucking guilty that I raised my voice. Our Lolo said foul words and I know it pained her so much. Sa loob ng pamamahay namin, it's always Lolo she wants to be proud of her.
Gusto ko pa sanang balikan ang mga nangyari kanina at gusto ko pang sisihin ng sarili ko na kung sana naging mahinahon ako sa pakikinig sa kaniya. But then, my phone rang above my bedside table.
Sinagot ko at hindi na nakita kung sino ang tumawag. Isa pa non-registered naman ata ang numero.
"Hello?" My voice a bit shaky.
Matagal na wala akong narinig sa kabilang linya kaya tinignan ko pa iyon para makasigurado at ibinalik sa tainga nang on line pa rin naman.
"Aleera..."
His cold baritone voice sent shivers down my spine. Para akong naestatwa ng hindi inaasahan ang tawag niya.
Akala ko galit siya sa akin? But why...did he just call me?.
"I'll wait for you five in the afternoon outside Laraha"
I gasped when he hanged up the phone.