XIX

0 0 0
                                    

Assurance







Kanina pa ako tulala at nakahiga sa window bed habang tinatanaw ang malawak na kalangitan. Maraming bituin at malamig ang simoy ng hangin pero hindi ko iyon inalintana. My mind keeps running about Ad.

Magpapahinga? Kaming dalawa at sa kuwarto ko pa?!

Napatakip ako sa mukha ko at hindi ko mapigilang mapangiti. Mababaliw na ata ko! Hindi ko nga alam bakit ko nginingitian iyon. Sa gulat ko at mangha sa sinabi niya ay tinakbo ko ang kuwarto ko at hindi siya nilingunan. Ni hindi ko nga maisip na kaya ko pa lang gawin iyon.

"Aleera! Halika na sa baba!"

Narinig ko ang boses ni Faith sa labas ng kuwarto ko at ang paulit-ulit niyang katok.

Napasimangot ako at ayaw pa sanang bumaba. I'm sure Ad isn't there anymore kaya ayos na rin siguro. Sinara ko ang bintana at lumabas na. Nang nakita kong bumukas ang kuwarto ng guest room sa gawi ng kuwarto ni Faith ay huminto ako sa ulunan ng hagdan para hintayin ang dalawa. 

Si Faith ang nauuna sa amin, sunod ang dalawa kong kaibigan na hindi na natigil ang bibig sa pagsasalita.

Sa terrace kami sa kanang bahagi nagpunta. Naroon na si Annona, kung kanina ay pakiramdam ko tumitilaok ang puso ko sa kaba at hindi maintindihang saya, ngayon pakiramdam ko nakikipagsabong na!

Jesus! What is he doing here?!

Naestatwa ako habang nakatanaw sa dalawang lalaki sa dulo. Nakaupo sa bakal na upuan at may Bacardi sa lamesa. Ad holding his shot glass while my brother is talking about something casually. Pakiramdam ko ay naputol ang hininga ko ng dumapo ang tingin niya sa akin. I saw him smirked. I hardened my face and rolled my eyes at him.

Akala ko naman nakauwi na! Nandito pa pala! Kung hindi pa ako tinawag ni Lynnea ay hindi ko maiisipang umupo sa grupo nila. Kaya lang natigil ako sa paglalakad ng makita na ang bakanteng upuan ay sa tabi ni Ad. Kahit na magkaiba kami ng lamesa ay kapag umupo ako roon ay mapapalapit ako sa kaniya. Bahala na nga!

Dumating ang katulong na may dalang board game. Scrabble. Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman alam na maglalaro pala kami nyan.

"H-hindi na ko sasali"

Mahina kong sinabi ng magsimula silang mag-ayos at mapagtanto na apat lang ang dapat na lalaro.

"Partner-an na lang tayo!" suhestiyon ni Gia.

"Unfair naman iyon! Lima lang tayo, talo tayo sa dalawa ang utak!" napatango naman ako sa sinabi ni Lynnea.

"Kuya! You want to join us?"

Si Faith sa katabing lamesa. Mas lalo ko lang napigil ang paghinga ko. I think I know where this is going.

"Sure..."

Binuhat ni kuya ang upuan sa likod ni Faith at inilagay sa kanan nila. Faith lifted her own chair. Dumasog rin ako ng pagdikitin nila ang dalawang parisukat na lamesa. My chair leaned on the railing of terrace. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila. Kuya facing Ad, katabi ko naman si Ad sa kaliwa habang sa kanan ay ang dalawa kong kaibigan. Kuya, Annona and Faith is on the other side. 

"Kulang pa tayo ng isa" si Annona.

Nakaakbay na si Kuya sa kaniya na tinanggal ni Annona. Kuya pouted. Nang madaanan ako ng tingin ay ngumiwi ako. He chuckled. Napatingin sa amin si Annona na lumipat sa akin ang tingin at sa katabi ko. I swallowed hard. Mahangin naman at nilalamig ako dahil naka sando ako pero parang ang init bigla.

"Oh ayan na pala si Port!"

Si Kuya. Nilingon ko ang kanan ko at nakita si Port na paakyat sa hagdanan at papunta na sa'min.

Crows Of TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon