Magpapahinga
After what we talked about everything became off. For me, nagsimula na rin ang klase ko at halos tatlong tatlong linggo na. Madalas ay iniiwasan ko si Ad. I went to Laraha School.
Nang nakauwi ako matapos ang kaunting sagutan namin ni Ad ay wala na roon si Emmanuel at ang kasama niyang babae. Hinayaan ko na lang nawalan rin naman ako ng balak na usisain ang bagay na iyon. When I thought everything is fine between Faith and the people here, I found out na hindi pa rin pala. Twing lalabas akong kuwarto pagkagaling sa eskuwelahan ay naririnig ko si Mommy at Lolo na sinasabihan siya.
Isang beses magkasama kami ni Faith dahil weekend, pinapanood ko siya kung paano niya asikasuhin ang itlog at ilagay sa incubator para sa mga manok. Ang kabila naman ay may dilaw na ilaw.
"Why won't you tell to Mommy and Lolo that you're not seeing Port anymore? Hindi ka ba nabibingi sa kanila?"
I'm wearing pink checkered skater skirt while she's wearing her usual dress. This time rubber boots ang suot niya. Bota.
"For what?"
"For them to stop nagging you or for them to shut up!"
I leaned on the wooden cage for roosters. Nakatagilid ang ulo ko at patuloy lang siyang pinagmamasdan sa paglalagay niya ng rice straw sa bawat gilid ng incubator.
"It's not always about Port"
"About what then?"
"Something doesn't matter at all..."
Huminga ako ng malalim.
"Hindi naman pala importante. Then why does they have to nag you everytime?" I said annoyed.
"I don't know...wala ka bang aaralin?"
Meron...and Ad offered me through texts and calls that we can study together but I refused.
"What about Ad?" kaswal niyang tanong nang hindi ako nakasagot agad.
"We're okay..." not totally but we're fine "...ayos naman" my voice were void.
"Do you know what happened in Velasco?"
Hinarap niya ako matapos isara ang incubator. Matamang tumingin. Umiling siya na parang wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Her father's friend died. No...he was killed..."
Napaawang ang bibig ko. Hindi inaasahan ang narinig.
"You should be the first one who's there for him right?" marahan niyang tanong.
"I-I didn't... know" umiiling kong sinabi.
"Stop avoiding him Aleera...baka pagsisihan mo" her voice became husky.
Nag-iwas siya ng tingin ng ibalik ko ang akin. Nagbuga siya ng hangin at tuluyan akong tinalikuran. She went to renegade jeep and sat in drivers seat. Sumunod na rin ako. Sa lawak ng lupain ba't ako magtyatyagang maglakad. Tahimik kami habang mabagal siyang nagmamaneho pabalik ng harapan ng mansiyon. Sa likod kasi ng bahay ang pinaggalingan namin. Mainit ang araw at hangin na tumatama sa akin lalo pa at open car ito.
Napaisip ako sa sinabi niya. Ad never told me about that. Naririnig ko nga ang usapang iyon sa school pero kahit kailan hindi pinagtuunan ng pansin dahil hindi rin naman ako sigurado.
But I felt something inside me. Hindi ako sigurado kung ano pa, baka dahil iniisip ko kung sinong kaibigan iyon na namatayan?. If it's Mabelle then I shouldn't bother him more. Panigurado akong wala akong maitutulong roon. And it hurts to think that he doesn't even need nor demand my presence.