Two timer
Imbes na bumalik ang sasakyan ay dumiretso na lang ito dahil may daan rin naman papunta sa amin. Kung tutuusin ay kapag nakatawid sa hanging bridge nila ay lupain namin.
Nagsisimula ng dumilim at natanaw ko pa si Ad na nakasandal sa kubo at may hawak na manok bago tuluyang lumabas ang sasakyan. Pagdating sa bahay ay hindi na ako nag-abalang batiin silang lahat. Gulat pa ang katulong ng makita ako. Diretso ako agad na nagpunta ng banyo. Naligo at pilit iwinaksi ang laman ng utak.
Ni hindi niya nagawang sumabay sa amin kanina nang makita niya ako. Siguro ay galit siya sa'kin kahit wala naman talagang dapat na ikagalit pa.
Paglabas ng walk-in closet ay naabutan ko si Faith na nakaupo roon. Wearing her usual outfit. Fitted jeans, boots and longsleeve. Her hair is always in a whole pony-tail. Mas lalong nakita ang magandang hubog ng kaniyang mukha. Inihiga niya ang kalahati ng katawan habang pinaglalaruan ang lower body niya sa kakaugoy ng paa.
Umupo ako sa harapan ng tukador kat nagsimulang magpahid ng lotion sa braso. Mula sa salamin ay pinanood ko si Faith na inihilamos sa mukha niya ang dalawang kamay. She seems so problematic.
Ano ba namang uwi ito?!
Lahat na lang masama ang mood. Umalis at dumating wala akong nakitang nakangiti bukod sa mga kasambahay na nakapinta na ata ang masayang kalokohan na iyon sa labi nila.
"Why don't you stop working in our farm. It's not as if you're required to do that"
Umayos siya ng upo at lumipat sa gawi ko habang matamang nakatingin sa akin sa salamin.
"I have to Aleera, ito lang ang silbi ko sa pamilya" she uttered in a low voice.
Para akong tinamaan sa sinabi niya. She's first year college in our school. Yes, in our school. State university of El Larasca. But at the same time managing in our farm. She's holding the finance department. Siguro kung meron man akong bagay na gusto sa lugar na ito.
Yun ay ang mas moderno kami kumpara sa iba. Like our house, it's a combination of marbles and glass walls. The curtains and the color were not looks like too old. Sabagay, kahit naman ang sa mga Velasco ay magandang tingnan kahit pa puro makakapal at makikintab na kahoy, lalo na at may daan taon ng nakatayo iyon.
Between me and Faith, she always want to prove something for herself. Para siyang parating may ipinaglalaban. Tho, that's one of my reason why I left Larasca.
"Bakit mo hinayaan na pabalikin ka nila?"
She said and get my hairbrush. Sinimulan niya ng tanggalin ang tuwalya sa buhok ko at suklayin ang basa kong buhok.
"Hindi ko naman talaga gusto, pero anong magagawa ko? They all did go there just to bring me back here!" I said annoyed.
Tumawa siya ng mahina at ngumiti. Pinapanood ko lang siya habang sinusuklayan ako.
"Hindi mo matiis" she stated, her words hit me like a rock.
I want to deny that but who am I kidding anyway. Pinaglaruan ko na lang ang jewelry box na nakapatong sa tukador. It was a bracelet given to me by our mother.
"At first...gusto kong patunayan sa pamilya na may kaya kong iambag sa pangalan natin. I don't want them dictating my life. Kaya nga...hindi ko maintindihan kung bakit kahit hindi ka nila pinapakielaman ay ayaw mo pang umalis rito!"
Baligtad kami ng sitwasyon. Huminga ko nang malalim.
"But eventually...I just realized na..."
I stopped. Hindi ako makapaniwala na aaminin ko sa sarili at sa ibang tao ang isa ko pang dahilan kung bakit umalis at bumalik rin ko kaagad rito.