XII

2 0 0
                                    

Pretentious
I feel like I was splashed by cold water. Natulala ako at pakiramdam ko ay tinakbo ko ang ekta-ektaryang lupain sa Larasca sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko makuhang ikurap ang mga mata ko habang tinitingnan siya ngayong nakayuko at nakakuyom ang mga kamao sa harapan ko. Controlling himself for bursting out for more. I saw his face softened and shut his eyes tightly. Sa pagkakatulala ko sa kaniya at gulat, pakiramdam ko ay nag-ugat na ang mga paa ko.
Kanina ang bilis ng utak ko sa lahat nang naiisip sa kaniya na baka nga dapat tigilan ko na siya dahil kung tutuusin dapat hindi ko na ipinipilit ang sarili ko sa kaniya. I know I've been desperate for him back then but the situation now is different.

At ngayon? I feel like I can't absorb what he just said.

"H-hindi k-ko maintindihan..."

I uttered. I don't know what to say. I mean, totoo bang lahat iyon?

I looked down to gather all his words and think about that again. Nasulyapan ko ang mga paa niyang naglalakad palapit sa akin. Pakiramdam ko ay sinemento ako sa kinatatayuan ng manigas.

He rested his head on my right shoulder. Ang paghawak niya sa beywang ko ay pakiramdam na kahit kailan hindi ko inasahan but I know this is the first time I felt that.
I don't know if it's because it's the first time he did that or because of his
words earlier. Hindi ko nga alam anong una kong iisipin o ipapasok sa sistema ko. Yung mga salita niya ba na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa utak ko o ang distansya naming dalawa. This isn't the first time we're close like this. But right now?...it feels cloud nine.

Her big hands captured my small waist. He buried his face on my neck. Hindi ko na naisip kung may makakita sa'min dito at kung meron man wala akong pakielam. It's beyond a dream I never imagined.

"I...am... jealous...ganito ka rin noon pero pinili mo siya sa huli..."

He whispered. I can feel his warm breath in my neck that made me stunned as if I am not.

Everything is too fast and too much to absorb. I didn't expected any of this to happen. Tsaka kung hindi man niya ko nilingon kanina. Kahit na sinabi ko ang mga salitang iyon, hindi ko pa rin naman kayang gawin sa huli.

It's Ad. I like him for five years and going on. Hindi ko iyon agad makakalimutan kahit pa nagalit siya sa akin noon at umalis ako ng Larasca hindi naman nagbago ang nararamdaman ko.

Lumayo siya sa akin na para bang napapaso. Kumurap-kurap ako at tinignan siyang nakatungo pa rin hanggang ngayon.

"I know your beautiful...pero sana...wag ka namang mang-akit. I know that's not your intention but please...lumayo ka naman..."

Ang kabado kong mukha ay napalitan ng pagkakakunot sa noo sa mga sinabi niya.

"H-hindi naman ako nang-aakit ah... kasalanan ko bang maganda ko...uhm...I-I mean-"

Naputol ang sinasabi ko nang bigla niya akong higitin palayo roon. Natanaw ko na naman ang grupo nila Led na mukhang papunta sa sports comfort room sa ilalim ng bleachers sa dulong bahagi ng field. Nahinto at tulala kahit si Lowd ay hindi magawang ngumisi kagaya kanina nang makita kami.

Nagpadala lang ako sa higit niya hanggang sa makalabas kami ng school. Tumigil kami sa gilid ng gate. Malaki naman ang ngiti ni Manong guard at tinaasan ako ng kilay.

Another witness of how much I love this man.

Huminto kami sa harap ng nagtitinda ng street foods napalunok naman ako ng sumagi sa akin ang ala-ala ko dito noon. I was grade nine when he tried to pursuade me to eat those fried I don't what to call to it. I forgot eh.

Nagsimula siyang tumusok sa kawali at sinawsaw sa kulay brown na malapot na punong-puno ng sili na halos mapangiwi ako.

"Salvacion?" gulat na tanong ni ng nagtitinda.

Crows Of TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon