Manliligaw
I came back to my room immediately pero wala na roon ang dalawa, naabutan ko na lang si Port na nakaluhod at nakatulala. Hindi ako makapagsalita, hindi ko rin alam anong sasabihin ko. Umalis rin siya nang hindi na ako napapansin pa at dumaang muli sa bintanta ko.
Habang naliligo ay bumabalik ang lahat. Mommy still thinks na nagkikita pa rin sila ni Faith pero base sa mga na witness ko ay matagal na pa lang iniiwasan ni Faith si Port. I'm hoping that the cold water can give me an acceptable reason why the two became like that but it just failed me.
Gayunpaman hindi natapos ang gabi na puro sakit sa ulo ang natanggap ko. Ad went here though Lolo treated him badly I can't help but feel greatful na hindi niya pinansin ang bagay na iyon. He actually held my arm to remind me to low down my voice in front of my grandfather.
Sa huli, nakapagpahinga rin ako ng maayos at nakatulog ng mahimbing. Paglabas ng kuwarto ay nagkasabay pa kami ni Faith. Her room is on the right side when you're in my place, sa pagitan ay hagdanan kaya kapag nasa baba ay matatanaw ang kuwarto niya hindi gaya ng akin na tago.
Sinalubong ko siya, maaga na naman akong nagising dahil sa mga nakakabinging manok. If only I could kill those. Kaya lang baka biglang mapatayo si Lolo sa wheelchair at ako ang patayin. Though, that's a good idea right? Makalakad na si Lolo ulit?!.
Faith smiled at me like nothing happened. It's a saturday morning and we don't have classes. Monday pa ang start ko. I wanted to ask Faith about what happened last night but I shouldn't meddle in their lives. It's their relationship, kung gugustuhin ko man ay bilang kapatid niya at hindi ang kung ano mang bagay sa relasyon niya ang dapat kong pakielaman. I can always be there for her. Gaya ng nakaraan na siya ang laging nagtatakip sa lahat ng pagtakas ko makapunta lang sa La Verga Arena para lang makita si Ad doon na nanonood ng cock fights.
Sabay kaming bumaba at ipinagsawalang bahala ko na lang ang gustong pagtatanong. I almost rolled my eyes in happiness. Nauna akong bumaba kay Faith papunta sa sofa. Kahit nakatalikod ay alam ko kung sino iyon.
"Ad..." I stifled my smile dahil kasma biya si Mommy.
Umikot ako at hinarap siya ng mas maayos. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang damit. He's wearing a brown thin longsleeves ruffled in his arm with two buttons, a track pants with three lines on the both sides and a rubber shoes. He's also wearing a yellow and black combination color of sports watch.
How can he be so handsome with their simple outfit? Humahaba na ang buhok niya at naka pony-tail ang gitna. Hindi pa abot ang nasa gilid kaya siguro ganoon.
"Aleera..."
Kung hindi pa ako tawagin ni Mommy na umiinom ng tea ay hindi ko mapuputol ang tingin sa kaniya. Nahihiya akong napaiwas at humalik sa pisngi ni Mommy.
"Where's dad?"
Agad ring nasagot ang tanong ko ng mula sa library namin ay lumabas siya dala ang isang makapal na libro.
Cocks on the ground.
Napairap ako sa title ng libro. This is about roosters and I know kahit anong piga sa utak ang gawin ko ay hindi ko iyon maiintindihan. Lumapit ako kay Daddy. Nakalapit na si Faith at ganon rin ang ginawa kay Mommy at Daddy. She looked Ad. Napasimangot ako ng magbeso ang dalawa. Faith smiled at me teasingly, Ad looked away and turned to my father. Umupo sila sa isang mahabang sofa. Ako naman ay mataman silang pinanonood. Faith sitting in the armrest of the sofa.
"This is the first book I gained in the Cock fight cup 1973 in Mexico...how I managed my farm comes form this book..."
Daddy started turning the pages. I can't help but to roll my eyes. Mukhang kailangan ko nang kaibiganin si Mabelle para maintindihan si Ad at mga ganito.