XV

0 0 0
                                    

Pissed






Ad told me na babalikan niya ako. I asked him kung saan kami pupunta pero kabilin bilinan niya na huwag akong magsusuot ng skater skirt kaya nung bumalik ako sa kuwarto ay short shorts ang sinuot ko at isang fitted shirt with ruffled strap. Naglagay rin ako ng kaunting liptint at itinali ng buo ang buhok. But the baby hair fell. Hinayaan ko na lang.

Nakatingin ako sa kung anong dadalhin kong bag or should I bring one? Siguradong hindi kami pupunta ng mall dahil wala namang mall rito. Meron nga pero hindi gaya ng sa syudad and I rather don't go there. Hindi ako makakapagsuot ng bucket hat dahil nakatali ang buhok ko, kaya cap na lang ang isinuot ko. Napanguso ako ng mapagtanto na ibang-iba ang mga damit na isinuot ko kumpara sa mga tao rito. Maybe because it's more expensive than theirs? I don't know. O baka maganda talaga ako magdala ng damit kaya mas bagay na bagay sa akin.

"You ready?"

Nabigla ako sa tanong ni Faith nang makababa ako at maabutan siyang nakaupo sa unang baitang ng hagdan.

"Nasa labas na sila Celestine parating na ang ibang Navarrete at mga kasama natin!"

Hindi pa rin ako makabawi. Para akong nag-aalangan na makausap si Faith, hindi lang talaga ako sanay na ganito siya ngayon. She looks...okay and never bothered by anything.

Pinasadahan ko siya ng tingin. She wore her usual dress up. Longsleeves, boots and fitted jeans. Nakalugay ang diretso niya ring buhok at nakasuot siya ng bucket hat. The adjacent of hat were pushed on her chin. That colored dark blue hat made me smiled. It's my gift for her.

"Aalis kami ni Ad"

She shook her head and smiled to me, she stood up.

"Oo nga, kasama kami. Nag-aya si Heirald!"

"The second generation first born of Navarrete?"

Tinutukoy ang unang apo ng mga Navarrete. The heiress. The next leader of Rancho Del Mundo.

"I thought he's in Mexico?"

Tinuloy namin ang usapan habang palabas ng bahay. I went to the edge of our terrace before the stairs to finally down on the ground. Natanaw ko si Celestine na nakasakay sa atv. Kailangan talaga ng sasakyan sa lawak ng manukan. Palapit na sa amin ay kumaway siya, agad kong napansin ang suot niyang damit. She's wearing a jeans like Faith but tube top and her natural blonde hair blowing by the cold morning wind.

Tuluyan na kaming bumaba ni Faith at sinalubong siya. Nakakunot ang noo ko nang napansin na wala man lang kahit ano sa mukha niya. Not even a liptint. But her natural tanned mexican skin color suits her very well. Mapula rin naman ang mga labi niya.

Naisip ko lang, ganon na ba talaga dapat ngayon? Pang probinsiya kasi ang datingan ni Celestine. Aaminin kong medyo naba-bother ako. It doesn't matter if I am dressed up very well with a slight make up on my face and I'm beautiful, medyo nakaka-insecure lang na makakita ng mga taong walang ayos sa mukha pero maganda pa rin.

"You really change a lot and I know it isn't because of your Grandma. Are you flirting with someone who likes probinsiyana?" dire-diretso kong tanong nang makalapit siya, na tinawanan niya na lang.

"Boys here like that, eh..."

Lumingon siya sa pinanggalingan.

"Kabado ka na noh?" napalingon ako kay Faith.

Kumunot ang noo ko at hindi nakuha ang sinabi niya. She just laughed and shook her head.

I don't know, pero medyo naapektuhan ako roon. That does mean Ad like those girls who's wearing decent dress? But I'm wearing a decent dress too! Maayos naman ang short shorts ah! But at some point napaisip rin ako. Mabelle doesn't wear dress like this.

Crows Of TeardropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon