Chapter 2

1.5K 41 0
                                    

Lisa's POV

"Aba punyeta talagang nga kapulisan to oh!" Sigaw ko habang pinaghahampas sila ng kanilang mga uniform

Punyeta kasi hinubad nila ang kanilang uniform at ngayon ay nakasando na lang. Kinuha ko ang mga uniform nila at pinaghahahampas sila. Parang nambubugaw lng ng langaw ganon. Ang hihimbing pa ng tulog ng mga hayop na to. Nakuha pang matulog kahit nakaupo lang ang mga to

"Wala ba kayong plano pang mabuhay ha! Gusto niyo na bang mamatay? Right now na!" Bulyaw ko na ikinagising ng mga diwa nila at kaagad na nagsaludo sakin

"Pasensya na po Srgt., inantok lang talaga kami kasi tirik na tirik ang araw eh, kaya hinubad muna namin." Pagdadahilan ni Suga na ngayon ay namumutla nang nagpapaliwanag sakin.

"Aba! Nakuha pa magdahilan ha? Mga mukha kayong tambay sa ginagawa niyo! Nanghuhulas ang mga pawis niyo oh! Punasan niyo nga! Kadiri" sabi ko at kaagad nilang inayos ang mga sarili nila

"Pasensya na po talaga hindi na mauulit."
sabi nilang lahat at pumasok na lng ako sa opisina ng pailing iling

Anong klaseng mga pulis to..ano bang nangyayari sa Pilipinas ngayon! Mga balahurang kapulisan.

Habang nakaprente ako ng upo rito ay biglang nagring ang cellphone ko..

On the line:

"What is it Kai?" tanong ko sa kanya pero bakit naririnig ko sa kabilang linya ay hingal na hingal sya

Si Kai ang matalik kong kaibigan, isa syang Lawyer mga 3months pa lang naman siyang licensed lawyer.

"Lisa pwede favor? Puntahan mo naman ako dito sa Supreme Court please? May paguusapan lang."

"Ano ba yun at di pwede sabihin sa tawag?" Irita kong tanong dahil ngayon ay tinatamad akong lumabas dahil sobrang tirik ng araw at nakakasunog.

"Tungkol sa hawak kong kaso tungkol sa drug lord, mukhang may kinalaman dito ang kapatid mo eh. Nagsalita na kaso yung client ko ukol dito sa wakas at napaamin ko din." mahaba nyang paliwanag na ikinagulat ko naman.

Si Lucas?. Ano nanaman ba ang kagaguhan na ginagawa nya? Hayst

Kaagad kong binaba ang tawag at kinuha ang susi ng aking motor. Motor lng muna gagamitin ko tutal malapit lng naman ang pupuntahan ko.

==================

Ilang minuto ang nagdaan at nakarating na din ako. Sa wakas! Buti na lng di ako nasunog dahil naka leather jacket ako. Hindi ko sinuot ang formal kong uniform kundi ang tshirt lng namin at leather jacket na may nakaukit na "Srgt. Lalisa Manoban"

Lupet no? Mainggit kayo please! Jokeee

Papasok na ako ng building, dumerecho ako sa east wing dahil don daw kami magkita ni Kai. Doon kasi ang office nya.

Bakit ang daming tao? Anong meron? Ang daming lawyers at ang ingay. Hayst at may kanya kanya silang hawak na papel. Luminga linga ako sa paligid at nakakita ako ng isang magandang binibini. Ang ganda nya. Yung mga mata nyang mala pusa ay nakaka akit. Arghh manoban wala ka rito para humarot okay? Tsaka mukhang busy ang babae na yon sa pagbabasa. At sino namang asungot ang katabi nya? Tss ang lapit lapit pa ng mukha sa kanya.

"Asan ka na ba kasi Ka-" naputol ang binubulong ko sa sarili ko ng biglang may kumalabit sakin.

....

"Hey, Lisayah! Sa wakas nahanap din kita, ang dami kasing tao" hingal na sabi ni Kai

"Oo nga ang daming tao, ano ba meron??" Takang tanong ko sa kanya

"Naghihire kasi ng mga bagong lawyers, kaya yan andito sila for interview." paliwanag nya na ikinatango ko

Tumingin ako sa gawi kung saan nakaupo ang babaeng may cat eyes kanina, pero paglingon ko ay wala na sya. Sayang naman.

"Hey Lisa? Are you listening?" nakakunot na sabi ni Kai.

"I'm sorry what is it again? I was j-just distracted." kamot ulo kong sabi na ikinabuntong hininga nya naman

"I said pasok tayo sa opisina ko at don mag usap ang ingay kasi dito."

"Uhmm yeah! Right." sabi ko at agad na sumama papunta sa opisina nya

========

Pagkapasok ko sa opisina nya ay namangha ako kasi....ang daming tambak na files HAHAHAHA halatang di pa nya natatapos ang mga to

"So what is it again? Bakit nadawit si Lucas dito?" sabi ko at sumalampak sa sofa.

Infairness malambot HAHAHA sarap matulog dito ah.

"Well, sabi ng cliente ko nakita daw nya ang drug lord na nagbenta sa kanya ng droga. Nung una ay tinatanggi nyang di nya nakita, buti na lang at inuto ko, sinabi ko ng bababa ang sintensya nya kung tutulong sya sa paghuli sa drug lord."

"Then?" Tanong ko at nakikinig lamang sa kanya

"Buti na lang at napicturan nya ito."

"Teka bakit nya naman pipicturan ang drug lord?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Di mo kasi tinanong sakin kung babae or lalaki ung cliente ko dba? Babae sya, at HAHAHA.." di nya natapos ang kanyang sasabihin dahil tawa sya ng tawa

"Why are you laughing??" Takang tanong ko

Umayos sya ng pagkakaupo at

"Kasi nagwapuhan yung cliente ko sa drug lord kaya nya pinicturan. hahahahah" napapatawa nyang sabi sa akin na ikina tawa ko rin

"Wait what? Tf HAHAHAHA, so balik tayo sa topic, bakit nadawit si Lucas?"

Sumeryoso ang mukha nya at kinalikot ang cp, pero di naman yun ang cp nya, malamang ay sa cliente nya cguro.
Inabot nya sakin ang cp at nagulat ako ng makita ang litrato na kinuhaan ng cliente nya

"So...yo-you're telling me na..Si Lucas ang druglord na gwapo na pinicturan ng cliente mo???" Walang expresyon kong tanong sa kanya. Habang nauutal

"Yes." Maikli nyang sagot at sunod sunod ang paglunok ko ng laway.

Di parin talaga nagbabago si Lucas, akala ko ay maayos na sya dahil pinarehab namin siya pero ngayon ay naging drug lord naman sya kung dati sy pusher lang sya. Hindi matutuwa si Mama kapag nalaman nya to.

"Hey, Lisa, ayos ka lang? Napapalunok ka ata at parang mabibilaukan ka na sa sarili mong laway?? Hahaha"

"I-I'm fine Kai, labas lang ako saglit bibili lng ng meryenda, balik din ako kagad." Sabi ko at tumayo sa sofa, hindi ko ma hinintay pang magsalita si Kai at lumabas na ng pinto.

==============

After 20mins

Pagkatapos kong bumili sa labas ay pumasok na din ako kagad sa building..
Sa mga oras na to ay di ko na alam ang magiging reaksyon ko sa nalaman ko.

Kapag nalaman ko lang talaga ang totoong mong balak Lucas, hindi na ako magdadalwang isip pa na hulihin ka gamit ang sarili kong kamay.

Nahagip ng mata ko ang mukha ng babaeng kanina ko lang nakita. Si Ms. Cat Eye pero ngayon ay mukhang paalis na sya. Di ko siya tinignan ng direkta pero kita ko ang paglabas nya sa gilid ng mga mata ko.

Makikita pa kaya ulit kita Ms. Cat Eye? Sana nga at pagtagpuin ulit tayo ng tadhana.

One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon