Lisa's POV
Pagkatapos naming kumain sa resto nila Chae ay derecho na kami agad sa campo ni IU, pinagrereport kami don dahil may hindi nanaman magandang nangyari. Sana naman ay hindi na sangkot si Lucas dito.
Habang nasa sasakyan kami ni Jisoo papunta sa campo ay nabalot kami ng katahimikan, nananatili akong nakatingin sa labas dito sa may bintana sa gilid ko.
Paano kaya nagagawa ni Lucas ang mga bagay na to, aware naman siguro siya na Pulis ako dba? Tapos ang lakas ng loob nya na maging drug lord. Kapag nalaman talaga to ni Mom di ko na alam ang mangyayari pa ulit. Baka sa kulungan ang bagsak nito. Kahit na mayaman kami ay hindi parin ito pinapalampas ni Mom lalo na kapag ilegal na gawain.
"Uhmm Lisa.." pambasag sa katahimikan ni Jisoo.
"Oh? Ano yun." maikling tugon ko pero nakatingin parin ako sa labas
"Sa tingin mo ba dapat na akong mag the moves kay Chae??" seryoso nyang tanong at nakatingin parin sa daanan, siya kasi ang nag ddrive muna.
"Grabe, kakakita niyo lang kanina liligawan mo na??, iba ka talaga Kim Jisoo." pang aasar ko sa kanya at tinignan lang ako ng matalim
"Oh eh bakit ikaw ba Lisayah? Wala kang balak manligaw kay Ms. Jennie Kim?" taas kilay nyang tanong sa akin.
Hmm dapat nga bang ligawan ko na siya agad? Pano na yung ibang mga chics ko? Chos HAHAHAHAHA
"UHMM, di ko sure...gusto ko sana makilala ko pa siya bago ako manligaw." seryoso kong sabi sa kanya at kinuha ang cellphone ko sa bag.
Inilagay ko ang number ni Jennie sa contacts ko. Baka kasi makalimutan at mawala ko pa yung card.
======================
Maya maya pa ay nakarating na din kami dito sa campo
"Salute!" pagsaludo namin ni Jisoo bago tuluyang pumasok sa Opisina ni IU
"Maupo kayo. Pag uusapan natin ang tungkol sa drug lord na ngayon sy pinaghahanap na."
"Kailangan natin makakuha ng lead, General..para masimulan na ang pagsalakay." seryosong sabi ni Jisoo na ikinalunok ko naman.
Sa ngayon kasi ay hindi ko pa sinasabi ang tungkol kay Lucas, kami pa lang ni Kai ang nakakapagusap ukol don. Di ako makahanap ng tyempo para sabihin ang bagay na yun, kailangan ko munang makausap si Mom tungkol dito, o kaya si Nancy para mapatigil nya ang ginagawa ng kanyang asawa.
"Hey Srgt. Manoban are you listening?" Takang tanong ni IU na may pag aalala
"Huh? Ahh, Y-yes General." tugon ko at tumango lang si IU
"Wag mong sabihin Lisa na...si Atty. Jennie Kim parin ang nasa utak mo at di ka makafocus??" kunot noo na pang aasar ni Jisoo. Lakas maka ngisi nitong babae na to ah
"Oy! Di kaya." maikli kong sabi at tinarayan lamang sya.
"At sino naman si Atty. Jennie Kim??" takang tanong ni IU at napangisi lng si Jisoo at napapailing
"The girl who steal my heart." wala sa sarili kong sabi at napangiti na lang habang iniimagine ang mukha nya.
Di ko namamalayan na papalabas na pala ako ng pintuan ng di manlang namamaalam.
A/N: Pag ibig nga naman oo..Manoban umayos ka!
"Anyare don?" dinig kong bungisngisan ng dalawa habang papalabas ako ng pinto.
Ahhh Lisa!!! Ano bang nangyayari sayooo!! Ganun na ba talaga kalakas ang tama mo sa kanya??
=======================
BINABASA MO ANG
One Step Closer
FanficThis story will prove how powerful love is. Pagtatagpuin pa kaya sila ng tadhana?