Lisa's POV
Pagkatapos ng usapan namin ni Jennie ay nagtatatalon ako sa tuwa. Ang akala ko ay di siya papayag buti na lang at pumayag sya huhuhu. Sisimulan ko na ang panliligaw ko sa kanya. Magbabago na ako, di na ako magiging babaero pag sinagot nya ako. Pangako yan.
Pero sa ngayon matutulog na ako ng mahimbing at mag iisip kung paano makaka leave sa trabaho HAHAHA
Ipagdadasal ko na sana walang sagabal bukas. I want this date to run smoothly.Habang nakahiga ay unti unti na akong nilalamon ng antok at tuluyan ng nakatulog.
====================
The Day comes.Nagring bigla ang alarm clock ko at agad naman akong gumising. Kailangan ko munang pumunta sa campo at saka magpaalam na di ako makaka duty.
Bumangon na ako at tumuloy sa C.R para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Naka tshirt lang ako at pantalon na maong. Simple lang ang sinuot ko dahil kahit anong isuot ko ay pogi parin naman ako. Tsk.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Jisoo na nag aabang sa akin.
"Oh? San punta? Bihis na bihis ha?" pambungad ni Jisoo na ikinalunok ko naman.
"M-magpapaalam lang ako sa kay General na di ako makakapasok. Kukuha ako ng leave. Mga 2 araw." napapalunok kong sabi at agad na napakunot si Jisoo ng noo
"At bakit lisayah? First time ka lang kumuha ng leave ah? Mahalaga ba talaga yang lakad mo?" takang tanong at sinamaan ko lng siya ng tingin.
Ang daldal ng manok na to daming tanong.
"Wala ka na don manok. Kung gusto mo ayain mo na lang din ng date si Chaeyoung." sabi ko at nagliwanag naman ang mukha nya. Pasalamat ka Jisoo nabigyan tuloy kita ng idea HAHAHA
"TAMA KA JAN LISA!! GALING MO TALAGA!" pasigaw nyang sabi at nagmamadali na kinuha ang cp at saka bumaba ng hagdan
"Ako pa, Manoban ata to." bulong ko sa sarili ko ket walang nakarinig HAHAHA
Kinuha ko ang cp ko at tumawag kay IU na papunta ako jan at may mahalagang sasabihin. Oras na siguro para sabihin ko sa kanila ang nalalaman ko kay Lucas.
Bumaba na ako at kinuha ang susi ng kotse ko. Dumerecho ako sa garahe at agad na pinaandar ang sasakyan.
================
Matapos ang ilang minuto na pagbyahe ay agad akong bumaba ng sasakyan at nag si saludo nman sakin ang mga kapulisan kahit di ako nakauniform. Aba dapat lang kutusan ko sila eh. Jokee
"Sunod ka sakin Srgt. Manoban" maotoridad na sabi ni IU.
Sinundan ko siya papuntang opisina at saka umupo, di ako pwede magtagal dito.
"So..ano yun? At bakit di ka naka uniporme?" takang tanong ni IU at umupo sa swivel chair nya.
"Uhmm unahin ko muna yung pakay ko General. Gusto ko sanang kumuha ng 2 araw na leave. May mahalagang aasikasuhin lang po ako." magalang kong pagkasabi at napatango naman siya
"Okay sige, ayos lang naman kasi first time mo lang naman kumuha ng leave, may iba ka pa bang sasabihin?" tugon ni IU at napalunok na lang ako.
"Uhhh yung t-tungkol sa drug lord na pinagusapan natin nung nakaraan. Kilala ko na kung sino s-sya." nauutal kong sabi at napakunot ng noo si IU
"Tell me Srgt. Sino siya??" sabi ni IU
Ito na talaga kailangan ko ng sabihin habang di pa nahuhuli ang lahat.
"Ang k-kapatid ko. Si L-lucas." nerbyos kong sabi at kagad na nagulat si IU sa sinabi ko.
"Sabi ko na nga ba eh. Malakas din ang kutob ko sa kapatid mo na yan. Nung nakaraan lng nakita ko siya na parang nagmamasid sa isang village. Di ko alam kung anong ginagawa nya don. Pero kutob ko na di maganda ang gagawin nya."
BINABASA MO ANG
One Step Closer
FanfictionThis story will prove how powerful love is. Pagtatagpuin pa kaya sila ng tadhana?