Jennie's POV"Sigurado ka ba na makakapasa ka?, ako kasi parang hindi haha." sabi ni Jackson at tinapunan ko siya ng tingin at tumingin ulit ako sa reviewer nya.
"Ay hindi namamansin..Ms. Ma attitude. Peymus ka gorl?." dagdag pa nya at agad kong sinara ang reviewer na hawak ko at tinitigan siya ng masama.
"Ikaw ba ay hindi titigil?? You're too annoying you know? Nagrereview yung tao eh, kung gusto mo sumabay ka na lng sa pag review tutal sayo naman to." mataray kong sabi at tumango lng siya at mas dumikit pa sakin
Ramdam ko ang mukha nya malapit sa mukha ko, grabe naman to makadungaw
Inusog ko ang folder banda sa gitna namin para ilayo nya ang mukha nya banda sakin.
Pero ganun parin ang pwesto nya at nakatitig maiigi sa reviewer..arghhh di na ako makafocus sa binabasa ko. Feeling close ampotek."Atty.Jackson pwede ba ilayo mo yung mukha mo sakin, di ako makafocus eh. Feeling close?!." mataray kong sabi at napatingin samin ang nasa paligid
Ayshhh nakaka asar talaga siya. Well wala akong paki sa nasa paligid namin, why dont they mind their own businesses.
"Now you're addressing me as an Attorney huh..what a nice of you Atty. Sungit." sabi niya at napatingin naman ako sa kanya.
Sungit?? Seryoso siya?
"Atty.Sungit?! Are you serious?!" taas kilay kong sabi sa kanya at napa atras siya ng konti
"Woah..Im asking you just a while ago what is your name, and now you're getting mad because I didnt call you in your name?..Wow." sabi nya sa akin at bigla kong naalala na di ko nga pala nasabi dahil sobrang inis ko sa kanya.
"Jennie Ruby Jane Kim." sabi ko at ngumiti ng kaonti dahilan para mapangiti siya.
Tsk..kung di nya lng ako pinahiram ng reviewer eh..edi sana di ko sasabihin name ko hays.
"Uhmm..Atty.Kim? Next na po kayo." sabi niya at agad naman akong tumayo at nagtungo sa office para sa interview.
"Goodluck Atty. Jennie!!" dinig kong sigaw ni Atty.Jackson at napailing na lng ako dahil nakatinginsa kanya lahat ng attoryneys. Sobrang lakas ng boses nya. Nakakahiya.
Nang matapos ang interview ay nakahinga ako ng maluwag at tumingin sa paligid pero di ko na nakita pa si Atty. Wang.
Siguro umuwi na siya or sa ibang interview room siya pumasok. Tsk bat ko ba hinahanap. Makaalis na nga
Habang naglalakad ako palabas ng building ay may nakasalubong akong magandang pulis at parang tumigil ang mundo ko at nag slow mo ang lahat.
Arghhh ano ba jennie kim! Yan ka nanaman eh!!
Tuluyan na akong nakalabas ng building at hinintay ko si chaeng. Ang tagal naman nya. Makabili nga ng pasalubong bago sita dumating. Tumingin ako sa paligid para tignan kung meron bang pwede mabilhan ng pagkain dito. Mabuti na lng at nakakita ako ng Cake shop malapit dito, cake na nga lang wala nman siyang choice eh eto lng andito. Ayoko ng lumayo pa para lang sa pasalubong na yan.Habang patawid ako ay bigla akong nagulat dahil may motor na biglang kumaripas ng takbo sa harap ko..di ba nya nakita na nasa pdestrian lane ako at naka red light! Hayup talaga kahit kailan.
Nahulog pa ang panyo ko sa pagtawid kaya akmang pupulutin ko na ito ng biglang may pumulot nito na iba.
"Watch out next time Miss.Cat Eye." sabi ng magandang babae na pulis na nakita ko kanina sa supreme court. Iniabot nya sakin ang panyo at napatulala lang ako, wala akong masabi ang husky ng voice nya kahit babae siya. Tinignan ko ang name nya na nakaukit sa uniform nya. Nakikita ko na Sergeant na siya.
"Srgt.Manoban,Lalisa" out of nowhere kong nasabi dahil binasa ko ito di ko namalayan na malakas pala ang pagkabasa ko. Patay
"At your service!, Atty?" sabi niya ng nakasalute. Omaygad ang hot nya. At napansin din nya na atty ako.
"Jennie Kim." maikli kong sabi at nakatitig parin ako sa kanya.
"What a beautiful name of yours, Atty.Jennie Kim."
"Thank you." sabi ko at ngumiti (gummy smile) ngayon lng ulit ako ngumiti ng ganto.
"If you dont mind can I have your number?." sabi nito at mukhang nahihiya pa
"Uhh sur-" naputol ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone ni Srgt.Lisa at sinagot ito..mukhang importante kaya naman napansin ko na napakunot ang noo nya.
"Uhmm, Im really sorry Atty. but i have to go now it's really urgent." sabi ni Lisa at sumakay na agad sa motor nya na nasa gilid
Sayang di ko manlang nabigay yung calling card ko pffttt..pero bakit nga ba kailangan nya hingin number ko? Ayshhh at bakit ko naman ibibigay??! Nababaliw na ata ako.
"Jendeuki!!!" rinig kong sigaw mula sa likuran ko at di ako nagkamali na si Chaeyoung nga ito.
Buti na lang late siya kung hindi di ko makikilala si Srgt. Lisa Manoban
"Hoy ano narinig mo ba ako Jennie? Bat namumula ka jan?!" sabi ni Chaeyoung at napa iling ko na lng nag ulo ko at bumalik sa realidad.
"Ah wala tara na. Pa deliver na lang tayo ng pagkain pagkauwi." sabi ko at tumango lng si chaeng at sumakay na kami sa kotse.
Sana makita kita ulit Srgt. Lisa Manoban.
BINABASA MO ANG
One Step Closer
FanfictionThis story will prove how powerful love is. Pagtatagpuin pa kaya sila ng tadhana?