Chapter 9

1K 31 0
                                    

Fast forward na tayo!!

Pagkatapos ng 5 buwan na panliligaw ni Lisa kay Jennie ay finally!!

Lisa's POV

Andito kami sa veranda ng pinuntahan naming resort. Napagpasyahan kasi namin nila Jisoo,Chae,at Jennie na magbakasyon muna saglit mula sa mga trabaho namin. Masyado na kasing nakaka istress ang mga pangyayari. Si Lucas nawawala. Hindi ko alam kung saan nagsuot ang kapatid ko na yun.

"Hey Lisa! Kain na tayo!" sigaw ni Jisoo na narinig naman namin ni Jennie.

"Coming!!" sigaw ko at hinawakan ang kamay ni Jennie para sabay na kaming bumaba sa hagdan

Nagbubungisngisan ang dalawa pagkababa namin

Anong meron at parang ang saya ata ng dalawang ito??

"Lisayah! Jennieyah! May announcment kami ni Manok." nakangiting sabi ni Chae

Manok pa nga.

"Anong manok ka jan? Umayos ka nga Chaeyoung!" sabi nya at kinurot ang tenga nito

Hay nako lagi na lang sila nag aasaran.

"Spill it." maikling tugon ni Jennie

"Kami na!!!" sabi nilang dalawa at ikinagulat naman namin ni Jennie

Sa wakas! After 4months na panliligaw ni Jisoo ay sinagot na din ito. Sana all

"Congrats Manok!! Sana all, ehem..sakit ng lalamunan ko ah." pagpaparinig ko at tumingin naman si Jennie sakin

"Ito oh strepsils. HAHAHAHA" sabi ni Jennie at tinawanan lang ako. Tsk

"Be patient Manoban." Dagdag pa niya at ngumiti naman ako

"I will.." sagot ko ng nakangiti

Nagsimula na kaming kumain at nagtawanan habang nag kwekwentuhan

=========================

Natapos na din ang pagkain namin at naisipan namin na pumunta sa isang dalampasigan. Di lang kasi to basta resort na may swimming pool. May beach din ito.

Si Jisoo at Chae naman ay napagpasyahan na mag swimming dahil maganda daw mag swimming kapag pa sunset na.

Kami naman ni Jennie ay nandito sa dalampasigan at magkahawak kamay. Habang naglalakad. Di ko alam kung san kami patungo pero isa lang ang alam ko, kahit saan pa ito patungo ayos lang sa akin basta kasama at hawak ko ang kamay ng babaeng papakasalan ko pagdating ng araw.

"Uhmm Lisa? I have something to tell you." sabi ni Jennie na ikinakaba ko naman, mukhang seryoso kasi siya eh.

"What is it Nini.." sabi ko at nakangiti sa kanya para itago ang kaba ko

"I know na matagal mo na akong nililigawan. Sinusubukan ko kung hanggang saan at hanggang kailan ang kaya mong pagtitiis para makuha ang matamis kong OO, kaya naman siguro sa tingin ko ito na ang tamang panahon."

"I know I'm new to love pero bakit kapag kasama kita iba yung nararamdaman ko. Bakit parang feeling ko matagal na ako sa love, kapag kasama kita di ko maiwasan na mag imagine kasama ka sa pagtanda." dagdag pa niya at mas lalong tumibok ang puso ko. Di ko alam ang sasabihin ko ngayon.

"Jen does that mean..you're saying ye-" naputol ang sasabihin ko ng sinunggaban niya ako ng halik isang halik na di ko inaakala. Passionate kiss.. we are here sa gitna ng dalampasigan. Kasabay ng paghampas ng alon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang kami ay naghahalikan. Perfect girl with this perfect kiss and perfect sunset.

She broke the kiss and held my both hands

"YES!, I am now you're official girlfriend from now on Ms. Manoban." nakangiti niyang sabi sakin at agad ko siyang niyakap. Ang saya sa pakiramdam.

One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon