Chapter 37

539 14 2
                                    

After 3 months of being married, everything went well..but Lisa still feel guilt dahil sa nagawa niya.

Jennie's POV

Umaga pa lang ngayon pero nakakaramdam ako ng hilo hays..napapadalas na to ah para din akong nasusuka. Si Lisa nga muna magdala nito sa laundry.

"Lisayaaaah!! Pakidala naman tong labahan sa laundry shop oh.." sigaw ko sa kanya dahil nasa taas sya at kung ano ano lang naman ang ginagawa

"Yes hon wait." sigaw nya at nakita ko na pababa na din siya.

Kinuha nya agad ang basket hindi naman masyadong marami ang labahin eh kaya na nya yan.

"Are you okay hon? You look pale." sabi niya sakin at binaba ang basket sabay yakap sa akin.

"I'm fine..nahilo lang hehe." sagot ko at tumango naman siya.

"Okay then alis na ako. Balik ako agad." sabi niya.

"Ah wait hon..baka pwedeng bilhan mo ko ng dumplings hehehe. Nagutom ako." sabi ko sabay pa cute

"Yiee gutom lang pala yan ihh, okay then wait for me. I love you." sabi nya at kiss sa forehead ko

"Ingat ka ha! Bilin ko? I love you too." sabi ko at tinignan siya habang papalabas.

Everything went well sa relasyon namin may mga times lang na parehas kaming busy pero nakakapag bonding padin naman. Si Jisoo at Chae naman ay parehas di na ganun kadalas mamalagi dito dahil mas busy silang dalawa kesa samin. Si Jin Goo naman ay nagpropose na din sa wakas kay IU. Yieeee, Si Jisoo talaga ang hina..di pa magpropose hays.

Nandito ako ngayon sa bakuran at naisip ko na magwalis walis. Pampapawis lang.

Habang nagwawalis ako ay naisipan ko na tignan ang mail box dahil baka may bill na kami para sa kuryente at tubig. May isang letter don na napansin ko at ngayon ko lang nakita. Tinignan ko ito at nakapangalan ito kay Lisa. Since kay Lisa ito hindi ko na to pinakealaman baka sa work nya to. Kinuha ko ang mga bills kasama ang letter na yun at pinatong sa table sa sala.

Pinagpatuloy ko ang pagwawalis pero hindi maalis sa isip ko yung letter na un para kay Lisa. Ayshhh baka work lng..pero wala nmn nakalagay kung kanino galing. "?????" Lang ang nakalagay sa from:

Tss bahala na nga. Si Lisa na lng tatanungin ko kung ano ang nilalaman non.
.
.
.
Natapos na ako sa pagwawalis at paglinis ng bakuran ng makaramdam ako ng hilo. Mukhang di ko yata kakayanin magluto ah..di bali sa resto na lang nila Chae at Jisoo kami kakain HAHAHA.

Maya maya pa ay dumating na si Lisa at may dalang dumplings at milk tea. Yey

"Yun ohhh" na eexcite kong sabi at kinuha agad ang mga ito.

"Ya!! Yung kiss ko asan? Basta pag dumplings nakakalimutan ako eh no?" sabi nya at nag pout

Kyeopta.

"Ayshh to naman nagtampo kaagad. Ito na oh." sabi ko at hinalik halikan ng madami ang mukha nya. Naamoy ko naman ang pabango nya at di ko nagustuhan ang amoy.

"Lisaya palitan mo pabango mo." seryosong sabi ko at nagtaka naman siya.

"Wae? Matagal ko na tong pabango ah ngayon ka pa nagsawa sa amoy?" sabi niya at inamoy ang sarili

"Just do what I said." sabi ko at napabuntong hininga na lang siya

"Arasseo." sabi niya at nginitian ko na lang siya.

Hindi ko talaga gusto yung amoy. Pwe

================================

Lisa's POV

One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon