Papauwi na ako ngayon sa aming bahay at may dalang isang supot ng ulam para sa'min ng kapatid ko at ni Papa. Ako lang naman kasi ang inaasahan. Wala namang balak si Papa.
Simula nung namatay si Mama ay parang namatay na rin siya dahil ako na ang kumikilos upang matustusan sila.
Kapag dating ko sa bahay ay naabutan ko si Papa na parang balisa at paikot-ikot sa paglalakad at maya maya ay napapabuntong hininga.
"Pa?" Tawag ko dito kaya napansin niya ako na nakatayo sa harap ng pinto namin.
"A-anak?" Utal na tawag nito at nahimigan ko pa ang pagkabigla sa boses niya na mas ikinakunot ng noo ko.
"Pa, bakit parang gulat na gulat kayo? May problema ba?" Takang tanong ko dito magsasalita na sana ito nang may biglang lumabas na isang matandang lalaki mula sa banyo namin.
Hindi ko ito napansin kanina ah? Pinagmasdan ko ito at napansin ang magarang suot nito at halatang mayaman. Kaibigan ba ito ni papa?
"Nandito na pala ang anak mo Jacinto," nakangiting bumaling ito sa'kin.
May isa pa ulit lumabas sa kusina naman namin kaso mas bata ito kasunod naman niyang lumabas si Anton na nakita ako kaya nagmamadali itong nagpunta sa'kin at yumakap sa binti ko kaya naman lumuhod ako at niyakap siya humalik naman ito sa pisnge ko pagkatapos ay inilagay ko siya sa gilid ko.
"Pwede bang pag-usapan muna natin ito? H'wag naman ganito." Natatarantang sabi ni papa.
Anong meron? Muli kong pinagmasdan ang mga tao sa aming bahay na halatang mayaman at si papa na matataranta.
"Pa? Anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ko habang hawak si Anton sa aking gilid.
"Why don't you tell her?" Nakangiting sabi ng matanda kaya nagawi sa kaniya ang tingin ko.
Ano ang sasabihin? Napansin ko namang naupo ang lalaki na may blankong mukha sa tabi ng upuan ng kaniyang tingin ko ay ama niya.
"Pa? Ano 'yong sasabihin? Tsaka mga kaibigan mo ba 'yan? O may gulo ka na namang pinasukan?" Naging magkasalubong ang kilay ko habang tinatanong ito na nagiiwas ng tingin.
"So ayaw sabihin ng ama mo. I'll be the one who will tell to you then." Sabi ng matanda kaya nabaling ang paningin ko sa kaniya.
Hindi ko alam pero bigla namang akong kinabahan. Napansin ko naman ang tingin sa'kin ng lalaki kanina.
"A-anong sasabihin mo po? Pa?"
"Pwede bang ako nalang ang magsabi? Bigyan mo 'ko ng oras." Pagmamakaawa ni papa ngunit natawa lang ang matandang lalaki at pagkatapos ay seryosong tinignan si papa.
"Maraming oras na ang binigay ko!" Sigaw nito na ikinapitlag naming dalawa ng kapatid ko ngunit mas ramdam ko ang takot ng aking kapatid kaya itinago ko ito sa likod ko.
"Armeio naman. Nagmamakaawa ako."
"P-pa? Paki-explain n-naman anong nangyayari?"
"Ipapakasal ka sa anak ko." Diretsong sabi ng matanda na ikinagulat ko kaya napaatras ako. A-ano? Papakasal?
"Armeio!" Sigaw ni papa.
"Bakit? Anong ba'ng pinagkaiba ng pagsasabi ngayon sa pagsasabi sa susunod malalaman niya rin iyon." sabi ng matanda.
"Ngunit sabi ko bigyan mo ako ng oras at ipapaalam ko!"
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko kaya sa'kin nalipat ang atensyon ng matanda.
"Your father has a lot of debt to pay at tapos na ang palugid ko sa kaniya. At wala siyang maipapambayad pa kaya naman ang kaniyang anak, ikaw, ang kaniyang magiging bayad sa lahat ng kaniyang utang." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Married To A Playboy
Short StoryPLAYBOY SERIES #3 Keycee Fyree Juarez is a poor girl who just want to be successful for her brother. Gustong makaahon sa kahirapan na nangyayari sa kanila pagkatapos ng trahedyang pinagdaanan. Lantch Andrei Castelle is a playboy outside the universi...