3. Achievements For the Lost

10 1 0
                                    

Amazed. I was amazed by what he said.

"Lahat? Nangyari sayo yon?" Tanong ko.

Kunwari casual talks lang pero deep inside napaka bilis na ng tibok ng puso ko.

"Oo, dun ako kumukuha ng inspiration. Kasi hindi kapani-paniwala kapag gawa gawa lang, kaya sa sarili ko kinukuha," paliwanag n'ya.

Nakakakilig na mga nobela nya eh, ngayon... parang nararamdaman ko yon kahit hindi ako nag babasa ng mga nobela n'ya. Nakakapanibago, ano ba kasi nararamdaman ko.

"Sabagay," 'di ko na alam isasagot ko, nag kakabuhol-buhol na dila ko, di ko lang pinapahalata.

"HOY, SAMARIA!" Sigaw ni Jay mula sa loob.

Ayos na eh, tapos may manggugulo? Bad yon.

"Hanap ka ni Kyla sa loob," sabi n'ya pag pasok sa balcony.

Sumabay na si Niel sa pag pasok. May mga binati siya sa loob kaya 'di ko na din s'ya nakita nang hinila ako ni ate.

"Ikaw ah, 'di kita nakikita kanina nandoon ka lang pala. Mukhang nag enjoy ka pa," pang aasar niya saakin.

"Talaga! Niel Asul yun eh," sagot ko sakan'ya. 'Di ko akalaing makakausap ko siya ngayong gabi at mas lalong hindi ko inasahan na makakakuwentuhan ko siya ngayong gabi.

Maya-maya ay umalis na ang mga bisita nila at kami kami nanaman ang natira. Kinuha ni Jay ang gitara nilang dalawa ni Ares. Mahilig talaga kami mag kantahan pag kami-kami lang ang magkakasama sa bahay ni Ares.

"Ano magandang kantahin? Yung masaya," tanong ni Jay. Katabi n'ya si Ares, pareho silang may hawak na gitara. 'Di ko talaga alam kung bakit pa n'ya tinatanong, iisa lang naman ang madalas naming tugtugin mula nung una namin iyong narinig.

"One Hit Combo na, mag tatanong pa yun din naman," sabi ni ate Kyla sabay tawa. Nakaupo s'ya sa beatbox ni Ares dahil s'ya ang nagawa ng beat.

"Oh, game!"

Pagtugtog nilang tatlo ay nag kantahan na kaming lahat.

"Nandito nanaman kami,
Nagkakantahan sa isang tabi.
Katulad ng dati pagkatapos ng klase,
Lagi kang merong katabing nagsasabingn
Wag kang magkakamali,
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati .
Dapat maniwala ka na merong mangyayare!"

Sa sobrang dalas namin tong kantahin , mas na-perfect pa ata namin 'to kesa kila Chito.

Si Amy ang kumakanta ng verses ni Gloc-9 sa kantang iyon. Mabilis kasi bibig neto eh, bagay talaga sakan'ya mga verses ni Gloc-9.

'Di ko alam, pero feeling ko wala akong problema pag kasama ko sila kantahin ang kantang ito. Talagang nakaka tanggal problema. I feel free.

Pagkatapos namin mag kantahan ay nagsimula na kaming mag ayos.

Isa-isa na silang nag si alisan. Si Ares ay natira at mag aayos pa daw s'ya pero susunod daw s'ya kila Sloane at Jay. Tumulong nalang kami ni ate Kyla dahil tinatamad pa ako mag drive.

"Ang saya nung first 15 minutes, nung nalaman kong meron tayong latin honors, tapos tumawag sila Papa na aalis daw sila. I wasn't given even a minute to tell them the good news," kuwento ni Ares habang nagpupunas ng lamesa.

"I honestly thought they'll be there, all of that was for them... well, I that's what I thought," dagdag pa n'ya at mahinang tumawa ng sarkastiko.

"I know the feeling, don't worry. You're not alone," sabi ni ate Kyla sakanya. Ares knew she was pertaining to her parents... our parents. Napatingin si Ares dahil sa sinabi n'ya.

Your Ordinary Love Story: Gifts Of Wine and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon