Welcome (PROLOGUE)

51 1 0
                                    

Late. Late na 'ko. How can I be late for the day I've been looking forward to? "YOU OVERSLEPT?!" Sigaw sakin ni Ate Kyla, my older sister, pag baba namin sa lobby ng hotel.

"Naiwan na tayo ng van, bilisan mo," we were running as fast as we can para makapunta sa airport. I'm going back to the Philippines tapos nag-decide ako na uminom the night before, unbelievable.

"Sige lang Samaira, mag inom ka pa ha," sabi ni Kyla

While we were running, I bumped into a man and I almost fell down. Nakatitig lang ako sa harap, 'di maka galaw.

I looked at him with anger in my eyes. Napatingin ako sa likod, trying to find the man na nakabangga ko to lash out on him, pero sa dami ng tao di ko na s'ya nakita.

Hinila ni Kyla ang tenga ko at hinila ako paalis.

"Talagang hihinto ka pa ehh, no?" Galit na tanong n'ya sakin. Napahinto lang kami sa pagtakbo ng sumakay kami sa taxi.

"LAX, please, we're in a hurry,"

"Yes, ma'am." Maikling sagot ng driver.

Hindi parin nawawala sa isip ko yung nangyari kanina. "May nakabangga ako kaninang lalaki, tapos piningot mo pa 'ko? Payag ka non inaapi api lang ako?" Tinanong ko si Kyla kasi ang lakas ng pingot nya sakin kanina, as in.

"You overslept, you dumbass. Late na nga tayo, makikipag away ka pa?" inis n'ya akong tingnan at biglang nalang kaming nauwi sa tawanan. Lagi naman kaming ganito.

Tuwing nagkakainisan, mauuwi lang sa tawanan. Ganon na kami pinalaki. We don't hold grudges. Atleast not at each other.

I admit that no one can take my cold rude attitude, except my sister, and my friends. They were the only ones who understands me.

"I'm sorry that I drank last night, ok?" I said sorry to her since I feel guilty for being late on our flight. We had to rebook because of that.

Everything went by and arrived at the Philippines after 15 hours. I slept most of the time. Nanood din ako ng ilang movies, pero putol putol.

We left there at 9:00 am and arrived 12:00 am base sa oras sa Pilipinas.

Pagkalabas namin ng airport, mmm. Langhap sarap. Amoy usok. Pollution nga naman ng Pinas, kamiss

"WELCOME BACK MY FREN!" Sigaw ni Jay, kababata namin ni Kyla. Nag insist sya na sunduin kami kaya pumayag nalang kami.

"Ano, ganda ng bebe ko noh?" He asked with a smirk on his face.

Nagkatinginan kami ni Kyla, nagtataka kung sino ang tinutukoy. Na-realize ko na hindi ito sino, kung 'di ano. He was pertaining to his Ford Mustang.

It was really good to see him with his accomplished goals. "Nasan na sasakyan mo?" I asked, just to tease him.

Nanlaki bigla ang mata n'ya at gulat na tumingin samin. Kaming dalawa naman dahil malakas ang trip namin, nagpipigil lang kami.

"Anong nasan? Eto ang bebe ko, Mustang!"

'Di na naming mapigilan ang tawa namin dahil sa expression n'ya, kahit alam naman din niyang biro lang iyon.

Jay was one of the people who never gave up on me, even though my attitude is unbearable. Naiintindihan n'ya lagi yung side ko.

"So Jay, kailan mo to binili?" Sinimulan ni Kyla ang usapan habang nasa loob kami ng sasakyan. "Last year lang. Lumaki na din kasi yung business namin ni Amy," sagot naman n'ya.

Si Amy isa din sa mga kaibigan kong nakakaintindi sakin. Last time I heard they were a thing.

"Naging kayo ba ni Amy?" Tanong ko sakanya. "Dude, 2 taon lang kayo nawala, tapos magiging kami? Pag tropa, tropa lang."

"Oo na lang, Jay. Di lang kayo nagkabalikan ni Maya, eh." Kyla said before laughing.

"Lakas mang asar ahh, ikaw may progress ka na ba kay Bridge?" Sabat naman neto. Of course madadamay ako

"Ikaw Sam? May nahanap ka na ba?"

Nadamay ako, sabi na eh.

"Wag mo nang tanungin, kahit anong pilit ko ayaw talaga n'ya, 'di daw s'ya interesado," sagot ni Kyla para sakin.

Natawa nalang si Jay at di na ako pinilit pa. "So, ano na balak n'yo? Saan kayo mag i-istay?"

"Merong inoffer na suite saamin ung kaibigan ni Kyla sa HP," sagot ko.

"Ahhh, may gusto ba kayong puntahan bago ko kayo ihatid do'n?" Tanong n'ya ulit.

Wala kaming maisip na lugar na pwedeng puntahan dahil halos buong Pinas na ang nalibot naming magbabarkada... including him.

"Samaira, don't get this the wrong way. Pero do you want to see him again? Napuntahan na namin s'ya nung isang araw nila Shane." He suggested.

I haven't paid him a visit since 2 years ago. How was he doing, I wonder?A small smile started to appear on my face along with a few drops of tears.

"Yes please, I want to see him." I answered

~▪▪¤¤☆☆☆¤¤▪▪~

Your Ordinary Love Story: Gifts Of Wine and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon