7. Change of Plans

3 0 0
                                    

Sleepy. I feel sleepy. It feels like I just fell asleep and now Ares is here to wake us all up.

"Rise and shine, sleepy heads!"

Ugh. Kakatulog nga lang eh

Bumangon parin ako na antok na antok pa ako. I was also getting hungry so I had no choice.

"Someone enjoyed the drinks last night," pangaasar ni Sloane kay Jay tungkol sa sinabi niya kagabi.

Nahiya bigla si Jay kaya naman umiiwas s'ya ng tingin.

"Ano yon? Nililigawan mo si Sam? How about Maya? Naka move on ka na ba?" Sunod sunod na pangaasar ni Amy.

Nabulunan bigla si Niel at natawa nalang sa pangaasar nila kay Jay.

Maya maya pa'y dumating na si Ares at Athena dala ang niluto nila at nilapag sa lamesa para makakain na kami ng sabay sabay.

Pagkatapos naming kumain ay naligo ako at umupo ako habang nakadungaw sa bintana. I still can't get over what Jay said last night.

Maya maya pa'y pumasok si Amy para kausapin ako.

"Hey, iniisip mo parin yung sinabi ni Jay, 'no?" She asked. I just nodded, still staring outside.

"Si Niel, never pa namin nakitang nagseryoso sa babae, kung ano ginagawa n'ya sayo, ginawa na n'ya sa iba no'n. Masarap siyang kaibigan, pero 'di s'ya yung tipong masarap mahalin. Kung maging kayo man, mage-enjoy ka sa simula, until makita n'ya kung ano talaga yung mas gusto n'yang gawin," she explained.

"Noon pa man, marami na s'yang natipuhan, pero wala siyang sineryoso, he always ended up doing what he wants. Si Jay naman gustong gusto nang magkajowa si Niel kaya tuwing may babaeng natitipuhan si Niel, pinipilit n'ya agad," she added.

Yun naman pala, 'di naman pala seryoso, eh. Nagaalala pa naman ako, akala ko mawawala pagiging magkaibigan namin.

Sino nalang maghahatid samin ni Amy papunta sa trabaho pag 'di na kami tropa?

Tinawag kami ni Ares dahil may ipapakita daw s'ya sa amin kaya naman lumabas na kami ni Amy sa kwarto ko at bumaba.

"I have something to show you guys," sinenyasan kaming lahat ni Ares na sumunod sakanya papunta sa pinto sa labas. Yung pinto na sinabi n'yang wag namin buksan.

"Surprise ko kasi to kaya 'di ko kayo pinapasok, pag pumasok kayo edi makikita n'yo surprise," in-explain ni Ares kila Jay nung mag tanong sila kung bakit ayaw niya kaagad kamipapasukin.

"Ready?" Tinanong n'ya kami bago buksan ang pinto.

Na-excite kaagad kami nang makita ang apat na Vespa na nasa loob. Kung kabayo ang sinakyan namin kahapon, scooter naman ngayon.

"Lintik nayan..." Jay whispered, but enough for us to hear. Napatingin kaming lahat sakan'ya.

"Bakit? What's the problem, Jay?" Tanong ni Sloane

"Pinag kabayo n'yo pa ako kahapon. Nag tanong ako kung merong ganto, tapos sabi n'yo wala. Tapos meron naman pala, pinahirapan n'yo pa 'ko," pagmamaktol niya.

"Pag nag scooter ka kahapon, ngayon mangangabayo ka," pag eexplain ni Amy kay Jay.

"Sige na sige na, tara. Game!" Mukhang si Jay ang pinaka excited sa aming lahat.

Ares told us na aangkas nalang ang iba samin since apat lang ang scooter.

Si Ares at Athena ay sa iisang scooter. Syempre... mag jowa, eh.

Amy and Sloane will be at the same scooter as well.

Ako aangkas ako kay Niel.

Jay will have his own scooter so wala s'yang iaangkas.

Your Ordinary Love Story: Gifts Of Wine and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon