6. Bed Mates

7 1 0
                                    

Horrible. I feel horrible, lalo na nang malaman kong si Niel yung tumabi sa akin.

Ba't ba kasi s'ya tumabi sakin? Well, "tumabi"... kahit malayo naman s'ya sa akin.

Kasalanan naman n'ya yon. Kama ko yon ta's tatabi siya? Sino s'ya? Boyfriend ko?

"SORRY! Ba't ba kasi nandiyan ka?" Tanong ko nalang para kahit papano ay makapag sorry ako.

"It was Ares' dumb idea. To be honest, alam ko nang mangyayari 'to, hindi ko lang alam na gano'n kalakas yung makukuha ko," pag e-explain ni Niel.

Mas naawa tuloy ako.

"Wait lang, ha. D'yan ka lang," sabi ko kay Niel at lumabas para parusahan yung kumag kong kaibigan.

"ARES! NASAAN KANG MOKONG KA?!" Sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko.

I saw a newspaper placed on top of a table. Kinuha ko ito at ni-roll para ipanghampas kay Ares.

Sinigaw ko ulit ang pangalan n'ya at nag madaling pumunta sa gilid ng pinto ng kuwarto nila, inaabangan ang paglabas n'ya.

Lumabas s'ya ng naka shorts lang, mukhang bagong gising, kinakamot pa ang ulo niya. 'Di niya alam na nasa likod lang n'ya ako.

"Bakit? Nasa'n ka ba-"

'Di ko na pinatapos kay Ares ang sinasabi n'ya at hinampas agad ang batok n'ya ng newspaper.

"TARANTADO KANG KUMAG KANG HINAYUPAK KA! BA'T PINATULOG MO SI NIEL SA KUWARTO KO?!" Pinaghahampas ko ang ulo niya. Hindi ko siya tinitigilan dahil sa galit ko.

I saw the others looking at us while laughing. 'Di ko nga lang sila pinansin at pinaghahampas padin si Ares.

After I gave Ares almost fifty hits to his head, I stopped.

"Loko ka, sabi na sayo mapupuruhan ka, eh. Kumag na 'to, pinag tabi amp," narinig kong sabi ni Jay.

"Buti nga sayo," sabi ni Amy

"You dumb-ass, we warned you," sabi naman ni Sloane.

Tawa lang ng tawa si Athena, 'di na inintindi ang mga ginawa ko sa jowa n'ya.

Aba dapat lang! Sinabihan na pala s'ya itutuloy pa nitong kupal na 'to.

"Anong naisipan mo at pinag tabi mo kami ni Niel sa iisang kama?" Galit na tanong ko sakan'ya.

"Cause your bed is good for two! Saan mo gusto patulugin si Niel? Sa sahig?" He explained while holding the top of his head.

"H-hinde... ewan... Wag mo ibalik sakin yan!" Hinampas ko ulit ang ulo niya nang malamang may halong pangaasar ang sinabi niya.

Hinampas ko ulit yung ulo niya at pinagalitan s'ya na parang bata ng ilan pang minuto bago ko tigilan at sumilip sa kwarto ko.

Natutulog ulit s'ya. I suddenly felt guilty again for kicking him.

Kinuha ko ang upuan at inilagay i yon sa tabi ng kama sa side ni Niel. I was looking at him, I actually don't know why. I never felt this way before.

Naka sando lang siya at naka shorts. Hindi ko alam na meron pala siyang fit na katawan.

Madalas kasi siyang naka jacket, sweater, or long sleeves. I realized I never got a good look at his body.

His arms are not that big, but also not small. It was perfect.

His chest was not that big, but also not that small. It was perfect.

His face had the most perfect jawline, nose, lips, and beautiful eyes. Ang ganda din ng buhok niya, malambot at hanggang balikat. It was perfect.

Your Ordinary Love Story: Gifts Of Wine and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon