Teaser

3.3K 66 0
                                    

 ‘To be a supermodel and a beauty queen,’ that’s the game plan that Trixie had been blindly following. Hanggang sa dumating si Macoy. He showed her a side of her that she never thought she possessed. He awakened emotions that she didn’t know how to suppress.

      Si Macoy ang nagpa-realize kay Trixie na kaya niyang sumuway sa mga plano ng ina na matagal nang nailatag sa kanyang harapan. Ngunit kasabay ng realization na handa niyang isuko ang lahat ay ang masakit na katotohanang ang pagmamahal niya kay Macoy ang mismong sisira sa kanya.

      At hindi alam ni Trixie kung ano ang gagawin: susundin ang plano ng ina o magpapaalipin sa pagmamahal niya sa binata?

      Pero may pagpipilian ba talaga siya? Mukha namang wala. Dahil kahit anong piliin ni Trixie, masasaktan siya at imposibleng totoong maging masaya.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon