Chapter 4

3.9K 155 10
                                    

Tumingin sa relong suot si Trixie bago muling bumuntong-hininga. Magsasampung minuto na sila roon pero hindi pa rin nakikita ang anino ng kaibigan. Hindi niya alam kung papasok na ba siya o aalis. Nagbilin kasi itong susunduin na lang siya sa labas.

Pagkatapos ang training ay sa isang high-end bar sa Makati nagpahatid si Trixie. Dahil nabitin sila sa bonding kanina, napagkasunduan nilang magkita ulit ngayong gabi.

Simula nang lumipat sa condo ay hindi pa nakakatulog doon ang ina niya kaya gusto nitong sumama sa kanya kanina, nagdahilan lang siyang doon din matutulog ang kaibigan kaya hindi na ito tumuloy. Pero hindi niya ipinaalam sa ina na pupunta pa siya sa bar. Tiyak na hindi iyon papayag.

“Hayan na pala si Venus,” ani Mama Andie. Kung hindi siya papayagan ng ina, si Mama Andie ay nakasuporta naman sa kanya. Deserve daw niya ang paglabas ngayong gabi dahil sa lahat ng pagod sa training. Isipin daw niya na treat niya iyon sa sarili. Ang tanging bilin lang nito ay ‘wag siyang magpapakalasing. Kung hindi ay parehas silang malilintikan sa Mama niya.

“We’re about to go na, actually. Pakasaya ka na sa piling ni Austin,” bungad niya sa kaibigan pagkababa niya ng bintana.

“Hi, 'Ma Ands!” nagflying kiss ito sa trainor niya bago siya binalingan, “Stop being a bitch and come out. You should see him,” excited na sabi ni Venus.

“What is it for me?” aniya na nakataas pa ang kilay, imbes na bumaba ay humalukipkip lang siya.

“Bumaba ka, tingnan mo. Ikaw ang humusga,” nakataas din ang kilay na sagot ni Venus. “And believe me, you’ll thank me later. Kaya ngayon pa lang, you're welcome na,” anito na dumukwang sa loob at binuksan ang pinto saka siya hinigit palabas.

“I told you I had enough photo shoot to last me a lifetime,” nagdadabog na bumaba ng kotse si Trixie. Nang umalis ito kanina sa condo ay dinampot pala nito ang portfolio niya at ipinakita kay Austin.

“Sira! Hindi iyon. Wala pang io-offer na trabaho sa iyo si Austin,” anito na bumalik na ulit ang sigla sa boses.

“Bakit ba kasi ang tagal mo?” sita niya sa kaibigan habang nagsusuot ng cap.

Alam naman ni Venus na ayaw niya na naghihintay o may pinag-aantay. Kahit na may pangalan na siya sa modeling industry, na-maintain niya ang reputasyon sa pagiging punctual, hindi primadonna at demanding. 'Yon ay kung siya at si Mama Andie ang magkasama sa set. Ibang usapan kapag naroon si Mama Patty. Her Mama has different odd requests that made the production team crazy at times. Kaya madalas na kinakausap siya nang pasimple ng mga iyon at pinakikiusapang wag nang isama ang ina. Hangga’t kaya niyang gawin ay hindi naman talaga niya isinasama ang Mama niya. Yun nga lang, lately, nagiging masyado na namang active at dominant ang ina niya. Paano’y pageant season na naman.

“Alam nating maganda ka, pero baka pwedeng pakibawasan ang arte,” inismiran pa siya ni Venus. “Ma Ands, baba ka rin muna. I’ll introduce you to Austin.”

“Sure, Honey. Kikilatisin ko na muna ‘yang boylet mo bago ako umalis.”

Ngumiti si Venus bagos siya binalingan at hinigit, “Dali na! You'll be surprise!” Kahit medyo malamlam ang ilaw pagpasok nila sa estableshimento ay halata pa rin ang kislap sa mga mata nito. “I selected the best seat in the house,” hinigit siya palapit sa entablado.

Luminga sa paligid si Trixie. Halos puno ang bar. At hindi niya mabistahan ang banda na nasa entablado dahil sa mga nagsisiksikang kababaihan sa unahan. Napailing na lang Trixie habang nagpapatianod sa kaibigan.

Palapit pa lang sila sa lamesa ay may lalaki na kaagad ay tumayo pasalubong sa kanila. Caucasian. Walang dudang ito si Austin. Nasabi na ni Venus sa kanya na American ito, nakabase lang sa Singapore dahil sa trabaho.

“Hi,” nakangiting inilahad nito ang kamay sa kanya. “Austin Jenkins.”

“Trixie Caguicla. Nice to meet you,” inabot niya ang kamay nito.

“Andie Cajano. Fairy Godmother of these two.”

“Nice to meet both of you. Let’s take a sit,” ani Austin na itinuro ang lamesang binakante nito.

“I just wanted to meet you, but I need to go,” nakangitinging tangi ni Mama Andie.

“Oorder lang ako ng maiinom,” ani Trixie.

“Naka-order na ako ng Strawberry-Rose Splitzer para sa ating dalawa,” ani Venus na hinigit na siyang paupo sa bangko bago tumingin kay Mama Andie, “No hard drinks. Right, Ma Ands?”

“And I'd give up forever to touch you, 'cause I know that you feel me somehow, you're the closest to heaven that I'll ever be, and I don't want to go home right now.”

Naagaw nang malamyos na tinig na iyon ang atensyon ni Trixie at gayon na lang ang gulat niya nang mapagsino ang kumakanta.

Si Macoy. Hindi lang ito basta kumakanta, tumutugtog din ng gitara. Naka puting t-shirt at ripped jeans ito. Ang buhok na may kahabaan ay magulo. Pero mukhang ang kasimplehan pa ng get-up ng binata ang nakapagpaangat ng karisma nito. The light coming from the back of the stage hits Macoy, and it made him shine. It made him look like a dream. Lalo na’t may mga mumunting usok na nasa hangin na tinatamaan ng ilaw.

“You're welcome,” narinig niyang tudyo ni Venus.

“I’ll get going. Be on time tomorrow, Trixie,” ani Mama Andie.

Pero wala ni isa sa dalawang nagsalita ang inintindi niya. Ang buong konsentrasyon niya ay napunta na sa entablado.

Trixie's eyes are fixated on him. She is seeing a different Macoy. He looked so genuine, so taken by the song.  He keeps his face down and his eyes close. He is not just singing, he actually means every word, like he is thinking of somebody while singing the song.

And when the instrumental part of the song came, Trixies heartbeat suddenly spike. Her eyes remain on him, glued on the way he bangs his head. Marvelling at the way his hair captures the light coming from his back, mesmerized by the way he strums the string of his guitar and hypnotized by the way his shirt clung to his body like second skin.

Nahigit niya ang hininga nang pagmulat ng mga mata si Macoy ay sa kanya tumingin ang binata, at pakiramdama niya ay nagwala ang mga paro-paro sa kanyang sikmura nang ngumiti ito. Wala sa sariling inabot niya ang baso at uminom. Naunawaan na niya kung bakit halos sumampa na ang mga babae sa ibabaw ng stage.

***********

MACOY FEELS SOMETHING DIFFERENT. Pakiramdam niya'y may mga palasong ibinabato sa gawi niya. Kaya sa kabila ng konsentrayon niya sa pagtugtog at pagkanta ay napamulat siya at nag-angat ng mukha.

Ang babaeng iniisip niya habang kumakanta ay nakaupo ilang dipa mula sa kanya. Bakas sa mukha nito ang paghanga. Hindi niya ihiniwalay ang paningin dito, bagkos ay nginitian pa niya ang dalaga.

Wala pang babaeng nakagawa nito sa kanya. Sa tuwina ay laging nasa pagkanta at nasa gitara ang focus niya basta nasa entablado. Kaya nga kahit marami rin siyang pinagkakaabalahan ay hindi niya mabitawan ang pagkanta. Kahit ang mga magulang niya ay nakasuporta sa hilig niya sa musika. Music is his escape. Girls can wait after the gig. But somehow, a girl manages to break his concentration just by mere stare.

Pero sabi nga niya, ang babaeng ito ay hindi basta-basta. Unang beses pa lang niya itong nakita sa labas ng elevator ay parang may sumuntok sa kanyang sikmura.

Round, smooth legs that run like forever. Small, proud breasts that he can bet his life would fit his hands perfectly. For the very first time in his life, Macoy felt a lethal attraction towards a woman.

Without breaking their eye contact, Macoy stopped playing the guitar and hold the mike with both hands, “And I don't want the world to see me, 'cause I don't think that they'd understand, when everything's meant to be broken, I just want you to know who I am, I just want you to know who I am….”

And when the song ended, Macoy gave her a wink and a smile.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon